Chapter 38

1K 34 6
                                    

"Best, kwento ka na. Sige na." Paglalambing ni Dee habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa, nanonood ng tv.

"Ano naman ang ikekwento ko?" I looked at her eyes. So innocent. Wala pa rin s'yang maalala until now.

"Si Trisha. Sabi mo nasa US s'ya. Bakit hindi ako isinama? Tapos sabi wala pang contact number na iniwan."

Yes. We lied about Trisha's death. Magiging magulo lang once sinabi namin ang totoo. I'm sure magiging emotional s'ya or worst lalo lang gugulo ang utak n'ya. Iyon ang ayaw na ayaw kong mangyari kaya mas pinili kong itago na muna sa kanya ang katotohanan tungkol kay Trisha.

Sabi ng doctor, temporary memory loss lang naman. Babalik din daw ang memory n'ya paglaon. Pero 2 weeks na ay wala pa rin... hindi pa rin bumabalik ang memorya n'ya.

Sabi ni Doc depende kasi sa case kung gaano katagal magbabalik ang memory n'ya. Malala nga yata talaga ang naging pagkakabagok ng ulo ni Dee at ganito tumagal ang amnesia n'ya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Hindi ba, she's open about her ambition on being a flight attendant? She's on training. Ayaw mo ba n'on? May girlfriend ka ng FA pagbalik n'ya?"

She smiled. "Yeah. Grabe talaga s'ya. I admire her even more because of this. Nakafocus talaga s'ya sa ambition n'ya. And i'm willing to wait for her no matter how long it takes before she can come back here. Tama naman 'yon 'di ba, best?"

Tumango na lang ako.

"Ano kaya kung yayain ko na s'yang pakasal when she gets back? Don't you think it's a nice idea?" Her eyes twinkle as she think about it.

"Samahan mo akong bumili ng engagement ring, best, ha? Isusurprise natin s'ya sa airport pag-uwi n'ya."

Ang sakit naman n'on. Paulit-ulit yatang tinatarak ang puso ko. Patay na si Trisha pero ang epekto nito sa akin, its as if buhay pa rin s'ya. Nakakatawa na nilalamon ako ng selos ngayon sa taong matagal ng patay.

Before I enter this relationship with Diana I made it a point na nakamove on na s'ya from her dark past. Pero heto't kapalaran na yata ang gumawa ng paraan para ipaalam sa akin na hindi ko pa napalitan si Trisha sa puso ni Diana kahit na kailan.

What am I suppose to do now? Kailangan na bang patayin ko ang nararamdaman kong pagmamahal kay Diana and remain to be JUST her bestfriend forever?

Or hihintayin ko lang na bumalik ang alaala n'ya at patuloy na masasaktan ng paulit-ulit ng dahil kay Trisha?

"Magatal pa naman siguro 'yon, best. Kumain na nga lang muna tayo nitong paborito nating garlic bread."

Isinubo n'ya sa akin ang isa pag bukas n'ya ng wrapper nito.

"Ulk! Hmmm. Urgh!" Pinigilan kong 'wag maduwal pero bumaliktad yata ang sikmura ko when I smell garlic.

Dali-dali akong pumunta sa banyo at doon sumuka ng sumuka.

[Diana's POV]

Nangunot ang noo ko habang tinatanaw si Franki na dali-daling pumasok sa banyo.

Bakit kaya nagsusuka ang isang 'yon? Eh garlic bread lang naman ang binigay ko sa kanya. Favorite kaya namin 'to.

Hmmm... May hindi yata s'ya sinasabi sa akin ah.

Sinundan ko s'ya sa banyo. Hinimas-himas ko ang likod n'ya habang patuloy s'ya sa pagsusuka.

"Okay ka lang, best?" Nagthumbs-up sign naman s'ya.

Kumuha ako ng tubig at ipinainom sa kanya pagkatapos.

"May tinatago ka ba sa akin, Franki?" Tanong ko sa kanya habang inalalayan s'ya pabalik sa sala.

Nakita ko ang pamumutla n'ya.

"Are you pregnant?" Nanlaki ang mga mata n'ya habang na nakatitig sa akin. Napayuko s'ya.

"Maybe." She answered.

"Maybe? May hindi ka talaga sinasabi sa akin no, Franki? Nagkalovelife ka ba noon? Bakit wala kang nababanggit? Kilala ko ba s'ya? Tell me. Sino ang ama ng batang dinadala mo? Tara puntahan natin at kinakailangang pakasalan ka n'ya sa lalong madaling panahon."

Sino man ang animal na bumuntis sa kanya ay mapapatay ko kapag hindi niya pinanagutan ang bestfriend ko.

"No need, Dee. Ginusto ko naman 'to. And you can't find him anywhere." Nauupos na napaupo ito sa sofa habang nakatitig sa kawalan.

"Gano'n nalang ba kadali sa'yo 'to, best? Dapat ka n'yang panagutan. Hell! You don't deserve to be treated like this, best. 'Wag mong hayaang lumaki ang bata ng walang ama."

Hikbi lamang ang isinagot n'ya sa akin.

"Tell me. Sino ang ama ng bata, Franki. Sino?" Hinawakan ko s'ya sa balikat.

Umiling lang s'ya.

"That person is lost, Dee. At hindi ko alam kong babalik pa s'ya. Hindi ko alam kong mapapanagutan n'ya ako. At hindi ko alam kung maaalala pa n'yang naging kami." I heared her sob.

What is she talking about? Naguguluhan ako.

Niyakap ko nalang s'ya. Nakakaawa naman 'tong bestfriend ko. She don't deserve someone like that useless son of a bitch!

"Hey. Best, look at me." I hold her chin para magtama ang mga mata namin.

"We are going to look for him anywhere. Kailangan ka n'yang panagutan. But for now. I'll just stay here. I'll stand by you. Hindi kita pababayaan kahit na kailan."

She just nod and hugged me even tighter.

Oh God! Bakit kailangan pa n'yang dumaan sa ganito? Why do she need to feel this pain dahil lang sa walang pusong lalaking nang-iwan sa kanya?

SEDUCING DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon