Chapter 36

977 28 8
                                    

[Thadz' POV]

Nakatanggap ako ng text galing kay Diana at ang sabi ay may sumusunod sa kanila. She opened her GPS para malaman ko ang exact location kung nasaan sila.

Agad kong tinawagan ang team for back up at s'yang pagsunod namin sa kinaroroonan nina Dee.

May pagmamadali ang lahat ng galaw namin pagkat alam kong kailangan na kailangan kami ni Diana ngayon. Never kasi 'yon humingi ng tulong na hindi kinakailangan.

Mabilis naming natrace ang lugar kung saan sila naroroon. Naghanda na rin ako ng mga armas sakaling kakailanganin.

Ilang minuto lang makalipas namin silang sundan ay nasipat na namin ang naghahabulan nilang mga kotse.

Agad naming binuntunan ang itim na kotse na sumusunod sa kanila ng biglang nagpaputok ang mga sakay nito.

Sobrang bilis ng mga pangyayari na kahit kami ay nabigla. Bumangga sa isang poste ang sinasakyan nina Diana matapos pumutok ang gulong ng kotse nito ng pagbabarilin sila ng mga nasa itim na kotse. Halos mayupi ito sa lakas ng pagkakabangga.

"Shit! Men, habulin n'yo ang kotseng itim! I have to rescue, Dee." Utos ko sa mga kasamahan namin gamit ang radyo.

"Copy that." Sagot ng mga ito saka omovertake sila sa akin saka hinabol ang papalayong itim na kotse.

Dali-dali kong hininto ang kotse at tumakbo papalapit sa kinaroroonan ng kotse ni Diana. Kailangang maresque namin sila agad at baka sumabog pa ang sasakyan nila.

"Men, call the Medics! ASAP!" I shouted as I hurriedly approach Diana's car.

"Shit!" Napamura nalang ako when I saw them inside the car, bleeding.

Halos wala ng buhay ang dalawa habang magkayakap sa loob ng kotse. Sa tantya ko ay si Dee ang mas malubha dahil ikinulong n'ya si Franki sa kanyang mga bisig ng bumangga ang sinasakyan nila sa poste.

I did everything I can para mailabas sila sa kotse at madala sa mas safe na lugar. Alam kong anytime ay pwedeng sumabog ang kotseng sinasakyan nila kung hindi ako magmadali.

Ilang minuto lang ang nakaraan ng narinig ko na ang tunog ng papalapit na ambulansya.

"Thank God, andito na rin sila. Hold on, Dee. Hold on, Franki. Please live. Be strong." I said as the medics put them on the stretchers para madala na sila sa hospital.

God! Help them.

It was so tragic na pati ako hindi madetermine kung mabubuhay pa isa man sa kanila.

Tiningnan ko ang papalayong ambulansyang magdadala sa dalawa sa hospital. Nakakaawa sila.

"Kailangang magbayad ang gumawa nito sa kaibigan ko. Kailangang pagbayaran nila ito."

***
"Hayop ka, Zamaniego!" Halos basagin ko na ang nakangising mukha ng animal. High pa yata ito sa droga sa mga sandaling 'to. Ni hindi ko makausap ng matino.

Kumanta na ang mga nakasakay sa itim na kotse na umambush kina Dee matapos silang masukol ng mga kasamahan ko matapos ang mahabang habulan. Sinabi nilang inutusan at binayaran lang sila ni Terrence Zamaniego para ipapatay si Diana. Si Dee lang sana ang pakay ng mga ito at sabi daw sa kanila ni Zamaniego na hayaang mabuhay ang babae dahil sa kanya daw ito.

"Bakit mo ginawa 'yon sa kaibigan ko? Hayop ka!" Sinuntok ko ang gago sa mukha.

Nakangisi lang itong napatingin sa akin habang pinapahiran ang dugo sa pumutok nitong labi.

Bubugbugin ko na sana kung hindi lang ako pinigilan ng mga pulis na nasa presinto.

"I'll request for his transfer, sir." Sabi ko sa mga pulis na humuli kay Zamaniego.

"Ayokong makawala ang gagong ito. Leave him at our custody at the NBI. Alam kong maraming galamay ang pamilya n'yan dito."

"Ayoko!" Reklamo nito.

"Wala ka ng magagawa pa. Dapat pagbayaran mo ang ginawa mo, animal ka. Lalo kang madidiin dahil nalaman kong involve ka sa mga drug deals sa bansa. You can't get away from this, Zamaniego. Mark my word."

Tinalikuran ko ang gago at hinayaang bantayan s'ya ng mga pulis at iba ko pang kasamahan.

Babalik ako sa opisina para formal na gawin ang request para sa transfer n'ya sa NBI. Marapat lang na parusahan s'ya sa ginawa n'yang ito.

[Franki's POV]

"Nooooooo!!!" Pinagpapawisan ako ng magising mula sa isang masamang bangungot.

"What happened, hija? Bakit ka sumigaw? Nanaginip ka na naman ba?" Humahangos na pumasok sa kwarto ko si mommy na may dalang isang basong tubig.

"Mom. Si Dee! Huhuhu!" Sabi ko kay mommy sabay yakap sa kanya habang umiiyak.

"Uminom ka muna ng tubig, hija, at ng mahimasmasan ka." She handed me a glass of water.

Inabot ko ang baso pero tinitigan ko lang ito.

"Anak, drink up at ng guminhawa 'yang pakiramdam mo kahit konti. That happened two months ago. Hindi mo pa rin ba makalimutan?" Tanong nito habang hinihimas ang likod ko.

"Paano ko naman makakalimutan ang nangyari sa one true love ko, mommy? Paano? Sabihin mo!" Humagulgol na naman ako ng iyak.

I miss Dee. I miss her so bad. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyaring pag-ambush sa amin 2 months ago.

Hanggang ngayon ay binabalot pa rin ng matinding kahungkagan ang pagkatao ko... ng matinding galit para kay Terrence Zamaniego!

Hindi enough para sa akin ang pagkakakulong n'ya. Ang gusto ko ay mamatay s'ya! Walang kapatawaran ang ginawa n'ya sa babaeng mahal na mahal ko.

"I will seek justice for Diana, mom. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi tuluyang nabubulok sa kulungan 'yang Terrence Zamaniego na 'yan!"

"Hija, ipagpasadiyos mo nalang ang lahat. Maimpluwensya pa rin ang mga Zamaniego. Kaya nilang bilhin ang batas."

"Alam ko, mom. Kaya gustong-gusto ko na ring maging abogado at ng mabigyan ko ng marapat na pag-uusig ang mga mayayamang pinapaikot sa kamay nila ang batas dahil sa pera at impluwensya na meron sila." Napakuyom ako ng kamao.

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan.

"Ma'am, nasa labas po si sir Dino."

"Sige po. Pakiasikaso muna, manang. Pakisabing saglit lang at magliligo pa muna ako."

***
Nadatnan kong nakaupo sa sofa si Dino habang nagbabasa ng magazine.

"Ready?" He asked.

Tumango naman ako. He handed me a bunch of white roses.

"For Dee."

SEDUCING DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon