Chapter 35

1.2K 36 9
                                    

"Love, sana 'di na matapos ang gabing 'to. Nagsisisi na ako sa ginawa kong pakikipagbreak sa'yo. Tayo nalang ulit, please." Paglalambing ni Franki habang nakasiksik ang ulo sa may kilikili ko. Favorite spot n'ya yata eh.

"Hmmm. Let me punish you more before I give in."

She laugh. "Sadista ka rin eh."

Pinaghahampas ba naman ako.

"Tss! Kung 'di lang kita mahal akala mo babalikan pa kita?" I pinched her nose.

"Eh 'di pwede pala akong magkasala palagi kasi papatawarin mo rin naman ako."

"Masaya ka! Nasasaktan din naman ako, love." Napabuntong hininga ako. Ang dami na naming pinagdaanan. Pagod na rin akong masaktan. Pero para sa kanya kakayanin ko lahat.

"Pero para sa'yo, love, handa kong tiisin lahat... dahil sobrang mahal kita. Kahit ilang milyong beses ka pang magkamali papatawarin kita pa rin kita." I kissed her forehead which made her smile.

"I miss us like this, love. Sana ganito nalang palagi. Sana tayong dalawa nalang ang ikakasal at hindi kami ni Dino Montreal Barrameda." Lumungkot ang tinig n'ya.

Napabuntong-hininga ako. Kapwa kami nahihirapan gayong hindi naman dapat.

"Sino bang nagsabing si Dino ang papakasalan mo, love?"

Nacurious naman ako. Paanong naconclude n'ya na si Dino ang papakasalan n'ya gayong sabi ni lolo na sa akin n'ya ipapamana ang kompanya?

"S'ya. Kasi s'ya lang naman ang apo ni Eduardo Montreal."

Napakuyom ako ng kamao. Kahit kailan talaga kinakalaban ako ng pinsan ko na 'yon.

"Napakasinungaling talaga ng pinsan kong 'yon kahit kailan."

"Sandali. Pinsan?" Nangungunot ang noong napatitig si Franki sa akin.

"Yes, love. Pinsan ko si Dino. At hindi s'ya ang papakasalan mo talaga kundi ako. Diana Montreal Mackey at your service ma'am."

Nanlaki ang mata n'ya tapos napanganga siya. Natawa tuloy ako.

"Love, cute ka pero ang laki ng mata mo ngayon tapos close your mouth baka pasukin ng langaw 'yan."

Pinagpapalo ba naman ako habang umiiyak. "Peste kang animal ka! Pinahirapan mo ang loob ko. All this time ikaw lang pala ang papakasalan kong hayop ka. Kaya nga ako pumayag na gawin mo sakin 'yon kanina kasi akala ko maghihiwalay na tayo. Bwisit ka talaga, Dee!"

Natawa tuloy ako. "Kung makamura ka naman, love. Ikaw naman kasi nakipagbreak ka agad hindi mo manlang ako kinonsulta. Dapat lang na gantihan kita sa masarap na paraan." Nginisihan ko s'ya.

Pinagkukurot na naman n'ya ako. "Salbahe ka, Diana! Makikita mo. 'Di mo na ako matitikman ulit."

"Talaga?" Dinaganan ko nga.

I teased her. I grind my legs. I know she's turned on already.

"Shit, Dee! Stop that please. Hmmm." Kumapit na sa leeg ko ang mga kamay n'ya.

Kailangan kong masolusyunan ang problema naming 'to. Kakausapin ko bukas na bukas din si lolo. Tatanggapin ko na ang pamana n'ya, para kay Franki, para sa pamilya n'ya, para na rin sa ikaliligaya ng lolo ko.

But for now. (I grinned) I'm going to make love with her again.

***
"Ready, love?" Tumango naman s'ya.

Magkahawak kamay kaming bumaba sa sasakyan. We headed to MGC to talk to my lolo.

"What if natransfer n'ya na nga kay Dino ang kompanya, Dee? Ano na ang mangyayari sa atin?"

SEDUCING DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon