Chapter 25

1.4K 38 11
                                    

"F..."

Kumabig ako paharap sa side ni Franki sa higaan. Kinapa ko ang higaan n'ya habang nakapikit pero kaagad din akong napadilat. Nagtaka ako. Bakit wala?

"Franki?" Tawag ko. Kaagad akong bumangon para hanapin s'ya.

I look for her in every part of my condo but she's nowhere to be found. Ang sasakyan n'yang ginamit namin sa photoshoot ay wala na rin sa parking lot.

"Why, F? Bakit mas pinili mong iwan ako ng hindi pa tayo nagkakausap?"

I thought magiging okay na ang lahat after last night. We made love, she responded to my kisses pero... mali siguro ako. Magkaiba talaga ang lust sa love. Napasubo nalang din talaga s'ya siguro kaya s'ya bumigay. Libog lang ang dahilan ng lahat.

I checked if she left any letter pero wala. I checked my phone. 10 missed calls but it's not from her. It's from Jen.

Si Jen... maybe she needs me. Tinawagan ko ang number n'ya pero hindi n'ya rin sinasagot ang phone n'ya.

Nagbihis ako saka tinawagan ang number ni Franki pero hindi rin s'ya sumasagot. I called her mom instead and asked where she might have been pero hindi pa raw umuuwi. Wala rin s'yang idea kung saan ito pumunta.

"Where the hell are you, F?"

I looked for her everywhere... for any signs of her... pero wala.

I tracked her phone via GPS.

"Sa sobrang pagpapanic ko hindi ko na 'to naalala."

I checked for her location at nagulat ako. She's at Golden Haven's cemetery.

"That's where we burried Trisha. Bakit nandoon s'ya? Kung pupunta pala s'ya doon, bakit hindi n'ya ako sinabihan o isinama?"

Kailangan ko alamin kung bakit nagpunta s'ya doon at kung ano ang binabalak n'ya.

"Manong, sa Golden Haven's tayo." Utos ko sa driver ng cab na sinasakyan ko.

[Franki's POV]

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari last night. Binigay ko ang pagkababae ko sa taong kinamumuhian ko.

Oo at napagtanto ko sa sarili kong mahal ko pa rin s'ya magpahanggang ngayon pero natatakot na akong magtiwala sa kanya.

Pakiramdam ko kapag nagkabalikan kami, any time she might tell me that she needs to let me go again.

'Yon ang mas nakakatakot. 'Yong mafall ulit ako sa kanya pero bandang huli iiwan n'ya rin ako.

I'm confused. I'm stress. I'm despirate. Wala akong ibang makausap kaya mas pinili ko nalang na puntahan ang libingan ni Trisha. I brought her flowers and candles. Picked up some dried leaves from her tomb.

"Hi, Trish. Hmmm... maybe it's improper for me to talk to you like this. Maybe I shouldn't even be here. Pero gusto kitang makausap. I just want to say sorry for everything. Sorry kasi minahal ko ang bestfriend ko at ipinilit ko sa kanya na kalimutan ka kaagad para mapalitan kita sa puso n'ya. It's so insensitive of me. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Kaya nga siguro ako kinakarma ngayon."

Bumuntong-hininga ako. Tama naman. Diana treats me just as her bestfriend. Kung hindi ko s'ya sineduce I think she is still the same Diana that I knew... the one that cares for me and understands me the way I am. That Diana na walang ibang ginawa kundi protektahan ako sa mga nananakit sa akin. Ibang-iba na s'ya ngayon and maybe it's also because of what i've done to her. Inakit ko ang bestfriend ko to the point na pati respeto hindi na n'ya maibigay sa akin.

"Maybe it's pure lust she's feeling for me, Trish. Unlike you. She grieved for you. Loved you with all her heart to the point of losing her own self. Pinaglabanan n'ya ang pang-aakit ko because she loves you that much pero ako itong mapilit. Lumampas ako sa boundaries ko and now i'm the one who's hurting. I think I really deserve all of this."

SEDUCING DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon