Someone POV:
"Ms.Cruz are you listening?" Tanong ng kanilang guro na si Mrs.Ramos sa dalagang kanina pa wala sa sariling nakatingin sa labas ng bintana.
Ilang segundo itong naghintay ng sagot sa dalaga pero hindi ito sumagot o tumingin man lang sa kanya. Sa halip ay patuloy lang itong nakatingin sa labas ng bintana. Napabuntong hininga nalang ang guro at tinuloy ulit ang pagtuturo.
Pagkalipas ng isang oras ay natapos na rin sa wakas ang klase at oras na ng uwian. Mabilis na nagsilabasan ang mga estudyante at sina Mrs.Ramos at ang dalaga nalang ang natitirang tao sa look ng classroom.
Habang nagliligpit ng kanyang mga gamit ang guro ay napatingin ito sa kanyang estudyanteng si Ms.Cruz na nanatili pa rin sa kanyang pwesto hangang ngayon at parang walang balak na umalis.
Nilapitan nya ito at kinausap pagkatapos nyang ligpitin ang kanyang mga gamit. Pero hindi pa rin nagsasalita ang dalaga at sa halip ay tinitigan lang sya nito na parang nakikita nya ang kanyang kaluluwa sa mga mata ng dalaga.
Nakaramdam ng takot ang guro kaya naisipan nyang magpaalam nalang sa kanyang estudyante. Pero bago sya tuluyang makaalis ay naramdaman nya ang kakaibang titig ng dalaga sa kanya.
Mga 6:00 pm na nang mapagpasyahan ng dalagang umuwi sa kanilang tahanan.
Nang makauwi ay wala sa sarili itong pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Pagpasok nya sa loob ay agad itong nagshower at nagpalit ng damit.
Humiga sya sa kanyang malambot na kama at pinikit ang kanyang mga mata pagkalabas ng palikuran.
Pumasok ulit sa kanyang isipan ang mga nakitang pangyayari. Napabuntong hininga ito at agad na napailing.
"Meron na namang mamamatay." mahina nyang sambit at agad na natulog.
________________
Kinaumagahan ay bukang bibig agad ang nangyaring pagpatay kay Mrs.Ramos. Ito agad ang laman ng radyo at TV pagkagising nya sa umaga.
Hindi makapaniwala ang mga estudyante ng guro at mga kasamahan nito sa nangyari sa kanya dahil napakabuti nitong tao at halos lahat ng taong kakilala nito ay bukambibig kong gaano sya kabait.
Nagluluksa ang lahat dahil sa nangyari at isang lingo ding pinatigil ang klase sa kanilang eskwelahan bilang pagdadalamhati sa pumanaw na guro. Hangang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli kong sino ang may sala sa pagpatay at iniimbistigahan pa rin ng mga pulis ang posibleng rason sa pangyayari.
Kalunos-lunos kasi ang sinapit ng guro at ngayon lang ito nangyari sa kanilang bayan. Natagpuan itong patay sa gilid ng masukal na daan at wasak ang kaliwang bahagi ng katawan. Parang may isang mabangis sa hayop na lumapa sa kanya at kinain ang ilang lamang loob nito dahil nawawala ang mga atay, puso, at bituka ng biktima. Putlang-putla na rin ito na halos wala nang natirang dugo sa katawan.
Inakala ng mga pulis noong una ay isang mabangis na hayop ang posibleng pumatay sa biktima. Pero dahil meron silang nakitang mga fingerprint at punit na tela na mukhang magmula sa sospek na pumatay sa biktima ay mas lalong lumaki ang sospetsa nilang hindi karaniwang pagpatay ang nangyari.
Wala pa rin silang nahanap na sagot tungkol sa pagpatay at umuusad pa rin ang kaso na parang walang patutunguhan dahil hangang ngayon ay walang makakapagsabi sa kalunos-lunos na sinapit ng guro.
_________________
Nakayukong naglalakad sa isang kanto ang dalaga at biglang napahinto ng may narinig na mga kaloskos sa lugar na kanyang dinaanan. Hindi nya nalang ito pinansin at nagsimulang maglakad ulit.
Pabilis ng pabilis ang kanyang paglalakad at palapit ng palapit na rin ang kaluskos patungo sa kanyang kinaroroonan.
Hindi nya na alam kong saang lugar na sya napadpad pero patuloy lang ang dalaga sa pagtakbo para matakasan ang kung ano mang tayo, hayop, o halimaw na humahabol sa kanya.
Nakarating ang dalaga sa isang gulat na may barb wire na nakaharang. Pumasok doon ang dalaga at hindi napansin ang karatulang nagbabawal na pumasok sa loob dahil sa mga mababangis na hayop at mga trahedya na nangyayari sa loob ng kagubatan na hindi maipapaliwanang ng siyensya.
Hingal na hingal habang tumatakbo ang dalaga at sinawalang bahala ang pagod na kanyang nadadarama. Hindi niya namalayan ang ugat ng kahoy na naka-angat sa kanyang dinadaanan kaya na dapa at nagpagulong-gulong ito sa may lupa.
Napangiwi sya sa sakit ng kanyang katawan dahil sa mga bato at kahoy na kanyang nagulungan.
Napatingin sya bigla sa kanyang dinaanan kanina at nakita ang isang napakalaking anino na papalapit sa kanyang kinauupuan.
Agad syang tumayo at paika-ikang naglakad papalayo. Dumodoble na rin ang kanyang mga paningin dahil sa sugat sa kanyang ulo na nauntog sa malaking bato kanina.
Napahinto sa paglalakad ang dalaga at napatingin sa kaliwa't kanan kung meron ba syang madadaanan. Pero sa kasamaang palad ay wala syang makita dahil nasa dulo na sya ng burol.
Wala na syang mapagpipilian kundi ang bumalik sa loob ng gubat na kung saan nandoon naghihintay ang sumusunod sa kanyang halimaw o ang tumalon sa mataas na bangin.
Naguguluhan ang dalaga at hindi alam kung ano ang gagawin kaya nagpabalik-balik ito ng tingin sa loob ng kagubatan at sa bangin na kung saan naghihintay sa kanya ang kamatayan.
Ang kaluskos sa loob ng kagubatan ay biglang nawala at napalitan ng nakakabinging katahimikan.
Napahakbang ang dalaga ng tatlong beses paatras ng makita ang isang pares ng pulang mga mata na nakatingin sa kanya. Mukhang ang nagmamay-ari ng mga ito ay papalapit na ng papalapit sa kanya.
Napahakbang pa sya ulit ng dalawang beses paatras hangang sa di nya namalayang wala na pala syang natatapakan at mabilis na nahulog sa mataas na bangin.
Habang sya ay nahuhulog pababa sa mataas na bangin ay wala sa sarili itong napatingin sa kawalan at ngumiti ng mapait. Pumasok sa loob ng kanyang isipan ang mga bagay-bagay na kailan may hindi nya mararanasan at mararamdaman katulad nalang ng mga pangkaraniwang nilalang.
Hindi nya inakalang hangang dito nalang magtatapos ang kanyang buhay at hindi man lang mabibigyang takanungan ang kanyang pagkatao.
Mas lalong lumabo ang kanyang paningin at sa huling sandali ay napatingin sya sa pigura ng isang taong nakadungaw sa kanya mula sa itaas ng bangin hangang sa tuluyan na syang nilamon ng kadiliman.
_To__be__continue____
Vote|Comment|Share|Follow
BINABASA MO ANG
Dark Side
VampireSa hindi inaasahang pangyayari ay napunta sa ibang dimension si Eve at ang mas malala pa ay sa mundo ng mga bampira na galit at uhaw sa dugo ng mga mortal na tao. Kaya ang ginawa ng dalaga ay nagtago ito sa kanyang totoong anyo, at dahil din sa tulo...