Chapter: 07

36 24 6
                                    

Eve POV:

Ang sunod naming pinuntahan ay ang garden ng university na katapat lamang ng park, na una naming pinuntahan.

Mga ilang minuto kaming umikot sa loob ng garden at nag-usap ni Alice tungkol sa sari-saring mga halaman na nakatanim doon. Sinabi nya rin sa aking na maliban sa kanilang plant sanctuary ay dun sila kumukuha ng mga halamang gamot at mga kinakailangang halaman para sa kanilang mga experimento.

Pagkatapos naming pumunta sa garden ay sa malaking gym ng school naman kami nagtungo. Pumasok kami sa loob at tinuro sa akin ni Alice kung saan matatagpuan ang cr at locker room ng gym. May iba pa syang sinabi sa akin at itinuro ang mga daan kung saan-saan ito patungo. Habang nagsasalita sya ay patango-tango lang akong nakikinig sa kanya at tinandaan ang lahat ng mga itinuro nya.

Pumunta rin kami sa malawak na football field, sa mga classroom buildings, sa malaking entablado ng binagdadausan ng mga ibat-ibang paligsahan at pati na rin ang isang lugar na parte pa rin ng GU na kung saan makikita ang iba't-ibang tindahan na nagtitinda ng samot-saring pagkain, gamit, armas, at mga halamang gamot.

Napaisip ako bigla na pumunta rin doon paminsan-minsan upang bumili ng mga gamit at para na rin makapamasyal ako kung wala akong ginagawa sa condo.

Ang huli naming pinuntahan ay ang isang malawak na lawa. Sabi ni Alice sa akin ay matatagpuan sa kabilang bahagi ng lawa na iyon ang isang kagubatan na tinatawag na Black Forest. Sa gubat na iyon mahahanap ko ang isa sa mga kinakailangang bagay upang gumana ang ritwal na makapagbabalik sa akin sa mundo ng mga tao. Nasa pusod iyon ng kagubatan at ang sabi pa ni Alice ay hindi lang pala ang pagpasok ko sa malaking kagubatan na iyon ang problema.

Nalimutan nya kasing sabihin na dapat pa palang dumaan sa mapanganib na lawa bago makarating sa Black Forest.

Sa lawang iyon ay may mapanganip na sirenang nagbabantay upang walang may makapasok sa loob ng kagubatan. Sabi pa ni Alice sa akin ay mukhang mahihirapan talaga akong dumaan doon sa lawa dahil sa araw na bilog ang buwan ay mas lalo silang lumalakas. Pero meron syang naisip na paraan upang makadaan ako ng hindi napapansin ng mga sirena.

Hindi sya sigurado kung tatalab mga iyon pero sabi nya ay meron syang naimbentong magic potion na kayang itago ka sa mata, pandama, at pang-amoy ng kahit anong nilalang. Hindi pa daw ito tapos pero sigurado syang tamang-tama lang itong magagamit sa pagdating ng araw na bilog ang buwan.

Maglilibot-libot pa sana kami ni Alice sa buong GU, yun nga lang ay bigla itong pinatawag dahil meron silang private meeting kasama ang council. Kaya hinatid nya na ako sa aming condo para makapagpahinga at makapunta naman sya sa opisina ni Headmaster. Mga limang oras din kasi kaming naglibot-libot kaya nakakaramdam na rin ako ng pagod.

Pagkarating sa condo namin ay agad na nagpaalam sa akin si Alice at umalis. Pumunta naman ako sa kusina at nagluto ng makakain. Pagkatapos nun ay kumain na ako at naghugas ng mga pinagkainan ko.

Nagtungo ako sa aking kwarto at nagshower dahil pakiramdam ko ay ang lagkit-lagkit ko na. Mabilis lang akong nagshower at agad na nagtungo sa labas ng condo namin ni Alice.

Papalubog na ang araw at lumalamig na rin ang simoy ng hangin pagkalabas ko ng condo.

Napayakap ako sa aking sarili at inumpisahang maglakad-lakad. Hindi pa naman dumadating si Alice kaya mamamasyal muna ako at saka bago ako umalis kanina ay meron naman akong iniwang sulat para sa kanya, upang hindi sya mag-alala sa akin pagkauwi nya.

Nakarating ako sa dorm building ng GU sa aking pamamasyal. Patingin-tingin ako sa buong paligid at kinabisado ang aking mga dinadaanan kanina.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang nakabukas na cafeteria ng GU kaya naglakad ako dun at pumasok.

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon