Chapter: 16

30 6 0
                                    

Eve POV:

'Hindi kaya... Si Drexler ang mate ko?' Yan ang paulit-ulit na umiikot sa loob ng aking utak ngayon.

Hindi ko inakala na sya ang sinasabi ni Alice na mate ko. Noong una kasi naming pagkikita ay wala man lang akong may nararamdaman na bugso ng damdamin para sa kanya. Sa halip ay nakikita ko ang kadiliman na nakakubli sa loob-looban nya. Ngunit ngayon, ang makita lamang sya at mahawakan ng ilang saglit ay nararamdaman ko na agad ang koneksyon namin sa isa't-isa.

Hindi ko maipaliwanag ang sari-saring emosyon na nararamdaman ko ngayon. Ngunit alam kong isa sa mga iyon ang kasiyahan na matagal ko nang gustong makamtan at maramdaman. Pero nang aking napagtanto na hindi ako magtatagal dito at iiwanan ang lugar na ito sa ano mang sandali ay binalot ulit ako ng kalungkutan. Nagdaramdam din na baka masaktan ko ang nilalang na nasa harapan ko ngayon. Na baka sa paglisan ko ay magiging miserable ito at hindi magampanan ang kanyang mga tungkulin sa mundong ito.

Humakbang sya papalapit sa akin ng tatlong beses habang hindi inaalis ang kanyang mga paningin sa aking mga mata. Pagkalapit nya sa akin ay dahan-dahan nyang iniyuko ang kanyang ulo at hinalikan ang aking noo.

Nagulat ako sa kanyang ginawa at hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan. Bigla nawala ang kalungkutan na bumabalot sa loob ng aking puso at naging banayad ang pagtibok nito. Nabigyang kapayapaan din ang aking damdamin at nakaramdam ng kaginhawaan sa aking sarili.

Hindi ko namalayang nakapulupot na pala ang kanyang mga braso sa aking maliit na katawan habang niyayakap ako ng mahigpit at ayaw akong pakawalan. Wala naman sa sariling sinuklian ko ang kanyang mga yakap at dinama ang pagkakalapat ng aming mga balat.

Nanatili kaming dalawa sa ganoong posisyon ng ilang minuto hanggang sa tuluyan nya na akong binitawan at pinakawalan mula sa kanyang mahigpit na pagkakayakap. Pero laking pagtataka ko nang biglang naglaho ang kakaiba kong nararamdaman pagkatapos nya akong bitawan. Hindi ko na rin maramdaman ang koneksyon namin sa isa't-isa  na parang bumalik ulit sa dati ang lahat.

Nawala na parang bula ang mga emosyong sumakop sa aking puso't isipan. Kahit ang sakit, lungkot at galit ay hindi ko mabatid kung saan na napadpad sa aking kaibuturan. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng laman. Buhay nga pero patay naman sa kaloob-looban.

Kinuha ko ang isang kamay ni Drexler at mahigpit na hinawakan. Nagbabasakaling maramdaman ulit ang koneksyon naming dalawa na biglang nawala.

Pagkalapat palang ng aming mga balat ay hindi nga ako nagkamali sa aking hinala. Bumalik sa dati ang aking nararamdaman para sa kanya na parang isang himala.

Binitawan ko ang kanyang kamay at tinitigan sya ng seryoso sa mukha. Nakita kong nangunot ang kanyang noo dahil sa kakaiba kong kinikilos. Halata rin sa kanyang mga mata ang pagtataka dahil sa aking ginawa ngayon lang.

Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob upang magsalita. Kating-kati na kasi akong magtanong sa kanya kung totoo ba ang aking hinala. Sa pagkat sa ngayon ay nagdadalawang isip ako kung sya ba talaga ang aking kabiyak.

"Sabihin mo sa akin ang totoo Drex, ikaw ba ang mate ko? At kailan mo ito nalaman?" walang kautal-utal kong mga tanong sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Hindi naman ito nagpatinag sa mga tingin ko sa kanya. Sinalubong nya at sinalo ang mga iyon na parang hindi sya tinatablan. Mga ilang minuto kaming ganoon at walang may gustong magsalita sa aming dalawa. Naiinip na rin ako kakahintay sa kanyang mga sagot at napabuntong hininga. Mukhang nahalata nya iyon kaya agad itong tumango at sinagot ang aking mga katanungan.

"I first saw you in Alice condo." Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nya at naguguluhan syang tinignan.

"You're standing in front of your window that night when your scent captivated me." may halong kahulugan na sabi nito nang mapagtanto na hindi ko naintindihan ang sagot nya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon