Chapter: 05

46 26 8
                                    

Eve POV:

Ilang beses kaming naligaw at nagtanong-tanong sa ibang mga bampira kung saan makikita si Ms.Alice dahil hindi pala alam ng hunghang na kasama kong si Seb ang daan patungo sa pinag-tatrabahoan nya.

Pagkalipas ng halos kalahating oras na palakad-lakad sa malaking Unibersidad ay nahanap na rin namin sa wakas ang gusaling pinag-tatrabahoan nito.

Huminto kami sa paglalakad sa tapat ng isang gusali na may nakapangalang Science Laboratory Building. Pinindot ni Seb ng tatlong beses ang itim na button na nakakabit sa may pader na nasa gilid ng pintuan. Naghintay kaming dalawa ng ilang segundo bago ito tuluyang bumukas.

"Pasok!" Rinig naming sabi ng isang babae mula sa intercom na nakakabit sa gilid ng pintuan. Nagkatinginan kaming dalawa ni Seb at napagpasyahang pumasok na sa loob ng gusali.

Pagpasok namin sa loob ay automatikong sumira ang pintuan. Sandaling napalingon kaming dalawa doon at agarang inikot ang aming paningin sa loob ng silid.

"Dala mo ba ang pinapahanap ko sa iyo Claire?" Tanong ng babaeng nakatalikod sa amin habang busy sa kanyang mga ginagawa.

Napalingon kaming dalawa sa kanya at agad na lumapit. Mukhang napagkamalan kaming assistant nya dahil sa sobrang busy nito sa kanyang ginagawa at hindi man lang nya napansin na ibang tao pala ang pinapasok nya kanina.

"Uhm... kayo po ba si Ms. Alice Fildorc?" Agad kong tanong pagkalapit naming dalawa sa kanya.

Napatigil naman ito sa kanyang mga tinagawa at napabaling ng tingin sa amin. Lumaki ang kanyang mga mata at dali-daling hinubad ang suot-suot na gloves.

Isang kurap lang namin ay nakatayo na agad sya sa harapan naming dalawa ni Seb. Malawak itong nakangiti sa amin at agad na inilahad ang kanyang kamay upang makipagkamayan.

"Hi! Ako nga si Alice Fildorc, anong kaylangan nyong dalawa mga bata?" Nakangiti nitong sabi sa amin.

Kinuha ko naman ang nakalahad nyang kamay at kinamayan sya. Kagaya ko ay ganon din ang ginawa ni Seb. Sinagot ko agad ang kanyang tanong at nagpakilala kaming dalawa sa kanya.

"Kailangan ko ang tulong mo Ms.Alice. At sya nga pala, ang pangalan ko ay Everie Cruz at ang kasama ko naman ay si Sebastian Valdemorte." pagpapakilala ko sa aming dalawa sa kanya at itinuro si Seb.

"Cruz? Y~you're a Cruz? You're a human?" Hindi makapaniwalang tanong nya sa akin. Tumango naman ako sa kanya bilang tugon.

"It's impossible! pero kung sa bagay, kahit san ka magpunta at magtanong-tanong dito sa mundo namin ay wala kang may makikilalang Cruz. But in human world ay marami doon. In fact! Meron akong kakilala noon na Cruz din ang apelyido. So, tell me! Anong ginagawa ng isang taong kagaya mo sa mundo namin?"

Nakita kong napatampal pa ito sa kanyang noo dahil sa pagkalito. Alam kong naguguluhan sya sa kanyang mga narinig katulad ni Erica nung una. Kaya kwinento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin kung bakit ako napadpad sa kanilang mundo.

"So ibig mong sabihin, pagkatapos mong mahulog sa bangin ay nagising kana lang na nasa mundo kana namin?" Naguguluhan nyang tanong pagkatapos kong ikwento sa kanya lahat ng nangyari.

"Tama, yun nanga ang nangyari." pagsang-ayon ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa loob ng kanyang opisina upang makapag-usap ng matino at para walang makarinig sa pag-uusapan namin. Nagpaiwan naman sa labas ng pintuan si Seb upang magbantay dahil baka merong ibang mga bampira ang bigla-bigla nalang pumasok sa loob at marinig ang pinag-uusapan naming dalawa.

"Pero paano ka nakapasok sa portal sapagkat matagal na itong isinara ng kay taas-taasan?" Naguguluhan paring tanong nya.

"At sa pagkakaalam ko ay matagal nang isinira ng council ang susi kaya imposibleng magkaroon ng koneksyon ang dalawang mundo." Agad akong napatayo dahil sa narinig at nagsalita.

"Ang ibig mo bang sabihin ay hindi na ako makakabalik sa mundong pinang-galingan ko?" Kalmado pero may halong diin na tanong ko sa kanya.

"Yun nanga! pero may isa pang paraan." Mahina nyang wika.

"Ano yun?" Agad akong nabuhayan ng pag-asa dahil sa narinig.

"Ang isa pang paraan upang makabalik ka sa iyong mundo ay hanapin ang isang bampirang nanggaling sa angkan ng mga Zurc. Kailangan mong makakuha ng kahit isang patak ng dugo na nanggaling sa kanilang lahi. Pero siguradong mahihirapan kang makahanap at makasalamuha ng kagaya nila dahil matagal nang hindi nagpaparamdam ang mga bampirang iyon simula nang matapos ang ikalawang digmaan." pagpapaliwanag nya sa akin.

Bigla naman akong nanghinayang dahil sa mga narinig pero hindi pa rin nawalan ng pag-asang makahanap ng paraan upang makabalik sa mundong pinagmulan.

"Ang ikalawang dapat mong makuha ay ang katas ng mahiwagang bulaklak na nakatanim sa puso ng kagubatan dito sa loob ng GU. Ito ay tinatawag na Cristal Flower dahil kapag tinatamaan ito ng sinag ng buwan ay kumikinang ito na parang cristal. Mahirap din itong makuha dahil masyadong masukal ang kagubatan ng GU at maaari kang maligaw. Meron ding nagsasabing may nagbabantay sa Cristal Flower tuwing kabilogan ng buwan kung saan lumalabas ang katas nito, kaya kailangan mong mag-ingat."

Napaisip naman ako bigla sa aking mga narinig. Alam kong imposible kong makuha ang kahit isa sa mga kaylangan kong bagay upang makabalik sa aking mundong kinagisnan. Pero kailangan ko paring sumugal at gawin ang lahat ng makakaya. Mas mabuti nang sinubukan ko kesa sa sumuko agad ako at walang kahit isang may nagawa.

Tinitigan ko si Alice at sinalubong ang kanyang seryosong mga matang nakatingin sa akin. Ipinakita ko sa kanya ang aking determinasyon at ang mukhang walang bahid ng kahit kaunting takot.

"Ano pa ang kailangan kong makuha?"

_To__be__continue____

Vote|Comment|Share|Follow

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon