Chapter: 11

43 16 0
                                    

His POV:

"Bro, are you ok? You look pale." Nag-aalalang tanong sa kanya ni Gunter.

"Wag ka ngang tanga Gunter! Syempre namumutla yan kasi bampira sya." pangbabara naman sa kanya ni Calex na sinamaan nya ng tingin.

"No! What I mean is, mas lalo pa syang namumutla. Nahalata ko rin nitong mga nagdaang araw na wala sya sa kanyang sarili at parang nanghihina." Seryosong sagot nito kay Calex na biglang natahimik. Napatingin naman sa aming dereksyon ang dalawang babae at agad na lumapit.

"Yeah, I also noticed that yesterday. Meron ka bang tinatago sa amin Drex na hindi namin alam?" Makahulugang tanong ni Armynie na ikinatingin nilang lahat sa akin.

"At ano naman sa tingin mo ang tinatago ko sa inyo?" tinaasan ko ito ng kilay at sinalubong ang kanilang mga tingin isa-isa.

Napabuntong hininga naman ito at umiwas ng tingin habang umiiling-iling. Ganon din ang ginawa ng iba, pero halata pa rin sa kanilang mga mukha na hindi sila naniniwala.

"Drex, kung ano man yang gumugulo sayo ay gusto kong malaman mong nandito lang kami lagi sa tabi mo." Nag-aalalang sabi sa akin ni Karina at hinawakan ang isa kong kamay.

Sandali ko itong sinulyapan at binawi ang kamay kong hawak nya. Dumestansya rin ako palayo sa kanya dahil kanina pa ako nakakahalata na nakatingin silang tatlo sa aming dalawa.

"Let's finish this mission now. Marami na tayong nasayang na mga araw at baka nakakahalata na sa atin ang council." Seryoso kong sabi sa kanila.

"But we need to tell this to the council Bro, after we finish the mission. Malaking sigalot ito pagnagkataon kung hindi natin ito mapipigilan. We need their help and that's the only way we need to do to stop this things. Alam kong magagalit sila dahil hindi natin pinaalam sa kanila ang tungkol sa misyong ito. Pero uunahin pa ba nila iyon kung alam nilang nanganganip ang buhay ng mga inosenteng bampira sa buong lungsod?" Seryosong pagpapaliwanag ni Gunter na syang ikinasang-ayon naming lahat.

"You're right, we need to tell them what's happening in this town to secure the lives of everyone. This is not just our battle, but also theirs." Sagot ko naman sa kanya at bumalik na kami sa aming mga pwesto upang masigurado ang kaligtasan ng mga bampirang naninirahan dito.

Nandito kami ngayon sa bayan ng Lamak. Na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Grievill City. Malayo ito sa syudad pero parte pa rin ito ng malaking lungsod na aming kinabibilangan.

Nagpunta kami dito dahil nakakuha kami ng impormasyon na may nangunguha ng mga inosenteng bampira at ginagawang mga halimaw.

Ang mga halimaw na iyon ay pagala-gala din sa buong paligid. Inaatake nila ang mga bampira na nakikita at sinisip-sip ang mga dugo sa katawan. Kulay itim ang mga mata nila at may malalaking kulay itim ding ugat na lumalabas sa kanilang mga mukha.

Ang mga naging biktima ng mga ito ay nagiging kagaya nila. Pero malaking pasasalamat nalang namin na hindi pa ang mga ito tuluyang kumakalat at lumalabas sa buong bayan.

Nalaman din naming gumagamit ng itim na mahika ang mga masasamang bampira na pumupunta dito. Meron ding nagsasabing tinuturukan nila ang mga nakukuhang mga bampira ng isang itim na likido, na syang nagpapawala sa tamang katinuan ng mga ito at nagiging halimaw.

May nakasalubong na rin kaming mga bampira sa daan noong nakaraang lingo habang papunta sa bayan na ito. At kagaya nga ng sabi nila ay ganun din ang aming mga nakita.

Tinambangan ng mga ito ang aming sasakyan sa gilid ng karsada. Mga sampo silang lahat at mukang papunta sa lungsod na kung saan maraming mga bampira ang naninirahan. Mabuti nalang talaga at nakasalubong namin ang mga ito sa daan at napatay bago pa sila tuluyang makatakas.

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon