Eve POV:
Kinabukasan ay parang zombie akong naglakad patungo sa loob ng cr upang magshower. Lutang din akong nagsuot ng aking damit at umupo sa tapat ng aking malaking salamin.
Napatingin ako sa aking mukha mula sa salamin sa harapan ko. Nakita ko kung gano kalaki ang epekto ng pagpupuyat sa akin dahil halatang-halata ang maitim na eye bags na nasa ilalim ng magkabilang mata ko. Napabuntong hininga nalang ako at napayuko sa harap ng aking salamin habang nakahawak ang magkabilang mga kamay sa aking ulo dahil sa sobrang antok.
Narinig ko ang sunod-sunod na pagkatok ni Alice sa pintuan ng aking kwarto kaya agad akong napatayo at binuksan ang pintuan ng aking silid.
"Anong nangyari sayo? Bakit parang dinaanan ng bagyo yang pagmumukha mo?" Bulalas nyang tanong sa akin nang makita kung gaano kalala ang epekto ng pagpupuyat sa mukha ko.
"Hindi ako nakatulog." Walang gana kong sagot sa kanya.
Naglakad kaming dalawa patungo sa kusina upang kumain. Umupo ako sa upuang nasa harapan ng lamesa at napayuko.
Ang bigat-bigat ng aking mga pilik mata kaya hindi ko maiwasang mapakurap-kurap kahit na nilalabanan ko na ng sobra ang pagka-antok. Ilang beses din akong napahikab sa aking kinauupuan at wala sa sariling napalingon kay Alice pagkatapos nya akong yug-yugin upang bumalik sa dati kong katinuan.
"Kailangan mo nang kumain Eve dahil baka malate ka sa unang pasok mo." Sabi nya sa akin pagkalapag ng ulam at kanin sa ibabaw ng mesa. Sinunod ko naman ang sinabi nya at kumain ng tahimik.
Habang kumakain ako ay tinanong ako ni Alice kung gusto ko ba ng kapeng barako upang mabawasan ang pagka-antok ko. Sinagot ko naman ito ng 'Oo' at tinuloy ulit ang pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay nagsipilyo agad ako at bumalik sa loob ng kwarto upang kunin ang bag na dadalhin ko. Inayos ko rin ang aking sarili at binalikan si Alice sa may kusina.
Nakita ko syang umiinom ng dugo habang nakadekwatrong nakaupo sa loob ng kusina. Nilapitan ko ito at nagpaalam para umalis. Tinanguan nya naman ako bilang tugon kaya nag-umpisa na akong maglakad palabas ng aming condo.
Hindi pa ako nakakalayo sa labas ng aming condo nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Alice na tinatawag ang pangalan ko. Nakita ko syang tumatakbo papalapit sa akin. Nang makalapit ay huminto ito sa harapan ko.
May nilahad syang bote ng parang perfume spray sa harapan ko at binigay ito sa akin.
"Makakatulong yan sayo para hindi ka antokin sa oras ng klase. Eh spray mo lang yan sa mukha mo at mayamaya ay eepekto na yan sa katawan mo." Nakangiti nyang sabi sa akin. Tinangap ko naman ito at inispray sa aking mukha bago nilagay sa loob ng bag.
Hinarap ko si Alice at nagpasalamat sa kanya. Nagpaalam na rin ako dahil ilang minuto nalang ay malelate na ako sa klase.
Sa aking paglalakad ay naramdaman ko ang mabilis na pagkawala ng aking pagka-antok at naking maaliwalas din ang aking pag-iisip. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at binilisan ang aking bawat hakbang.
Pagkarating ko sa building namin ay marami akong nakasabay na mga bampirang estudyante na papasok na rin sa kani-kanilang mga klase.
Karamihan sa kanila ay mga Class C and B at kokonte lamang ang mga nakikita kong mga Class A na katulad ko.
Pinagtitinginan din ako ng iba sa kanila dahil siguro ngayon lang nila ako nakita at nakasuot pa ako ng pang Class A uniform.
Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Nakarating ako sa first subject ko ngayong araw ng tama sa oras at halos magkasabay lang pala kaming dumating ng guro ko sa history.
Nakangiti itong lumapit sa akin at niyaya akong pumasok sa loob ng classroom.
Huminto kami sa tapat ng pisara at humarap sa mga bago kong mga kaklase. Nag-umpisa na rin syang ipakilala ako sa kanilang lahat. Samantalang ako naman ay nanatiling nakayuko at nakatingin sa aking mga paa. Na parang merong kainte-interesanteng bagay doon na nakakuha ng aking atensyon.
"Class listen! Meron kayong bagong kaklase. Sya ay si Everie Fildorc. Malayong kamag-anak ni Ms.Alice Fildorc. Nanggaling sya sa malayong bayan na tinatawag na Andeloria." malakas nyang pagpapakilala sa akin na nakakuha ng atensyon ng lahat ng nasa loob ng silid.
"Gusto kong kaibigan in nyo sya at ituro lahat ng mga bagay na inyong napag-aralan at hindi nya pa nagawa. Hansel ikaw ang in-charge sa pagtuturo kay Ms.Fildorc dahil ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko dito, maliwanag?" Utos nito sa lalaking nakaupo sa bandang unahan at natiyagang nakikinig sa kanya.
"Yes ma'am!" Sagot nito at ngumiti sa akin nang makita akong napasulyap sa kanya. Mabilis ko namang iniwas ang aking mga mata na nakatingin sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa aking mga paa.
"Ms.Fildorc, maaari ka nang humanap ng iyong mauupuan. And by the way, I'm Mrs.Corazon Mc Fin. Ako ang magiging guro mo sa History and once again, welcome to Grievill University." Nakangiti nitong sabi sa akin.
Tinanguan ko naman sya bilang tugon nang mapatingin sa kanya. Nagsimula na rin akong humanap ng bakanteng mauupuan at ginala ang aking mga mata sa buong silid.
Nakita kong halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Pero binaliwala ko lamang ito at nagpatuloy sa paghahanap ng bakanteng upuan.
Napadako ang tingin ko sa bandang dulo ng silid sa harapan ng tatlong pinakahuling upuan sa may bandang kanan.
Naglakad ako papunta doon at umupo sa unahan ng nag-iisang estudyanteng nandun.
Wala syang katabing ibang bampira sa kanyang upuan at kahit sa tatlong upuan na nasa kanyang harapan. Kaya doon ko naisipang umupo nalang.
Alam kong kanina pa ito nakatingin sa akin simula nang pumasok ako sa loob ng silid. Binabantayan din nito ang bawat galaw ko. Pero hindi ko nalang ito pinansin o tinignan man lang. Umupo nalang ako sa aking upuan na malapit sa may bintana at nilagay ang bag na dala sa bakanteng upuan na nasa tabi ko lang.
Kahit nakatalikod ako ay damang-dama ko ang mga titig nyang nakabaling sa akin. Halos hindi na ako makafocus sa mga sinasabi ng guro sa harapan kaya naisipan kong lingunin sya at sitain.
Pagkalingon ko ay nagtama ang aming mga mata na nagpatindig ng aking mga balahibo sa katawan, at sa di maipaliwanag na namang kadahilanan ay merong mga pangyayari akong nakita.
Nakakamangha na iba ito sa mga inaasahan kong pangyayari na aking makikita ngayon. Hindi ito tungkol sa isang aksidente o patayan, kundi isang simpleng pangyayari lamang na nagpapakita ng isang wagas na pagmamahalan ng dalawang magkabiyak.
Hindi ko lubos na maaninag ang kanilang mga mukha pero batid ko na masaya sila sa piling ng bawat isa.
Ang mga huling pangyayaring nakita ko ay ang unti-unting paglayo nila sa isa't-isa at ang pagbalot ng mga kakaibang liwanag sa kanilang mga katawan.
Ang lalaki ay binalot ng itim na liwanag at ang babae naman ay binalot ng nakakasilaw na puting liwanag. Pilit sila nitong pinaghihiwalay hangang sa tuluyan na nilang mabitawan ang isa't-isa at maglaho na parang bula.
Napakurap-kurap ako ng ilang beses at doon lang namalayang na kaming dalawa nalang pala ng lalaking bampira ang natitirang nilalang sa loob ng silid. Nakakailang din dahil ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala kami nagtititigang dalawa simula nang hindi pa tapos ang klase.
Iniwas ko ang mga tingin sa kanya at nagmadaling lumabas sa loob ng silid. Hindi ko na ito hinintay pa dahil hindi naman kami close na dalawa at masama ang makiramdam ko sa lalaking iyon. Mukhang kailangan ko din itong layuan dahil batid kong nagtataglay ito ng kakaibang kasamaan na nakatago sa kailaliman ng kanyang katauhan.
_To__be__continue____
Vote|Comment|Share|Follow
BINABASA MO ANG
Dark Side
VampirosSa hindi inaasahang pangyayari ay napunta sa ibang dimension si Eve at ang mas malala pa ay sa mundo ng mga bampira na galit at uhaw sa dugo ng mga mortal na tao. Kaya ang ginawa ng dalaga ay nagtago ito sa kanyang totoong anyo, at dahil din sa tulo...