Chapter: 12

37 13 0
                                    

Eve POV:

"Ughh... ang sakit!" Impit kong sigaw habang namimilipit sa sobrang sakit ng aking buong katawan. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman ngayon, dahil noon pa man ay kahit malalaking sugat sa aking katawan ay wala akong may nararamdamang sakit.

Ilang lingo ko nang nararanasan ito. Tuwing pagsapit ng hating gabi hangang sa madaling araw. Nagsimula ito makalipas ang dalawang lingo na paninirahan ko sa loob ng paaralan.

Hindi ko alam kung ano na namang kababalaghan ang nangyayari sa akin. Nitong mga nakaraang araw ay palagi ko nang napapanaginipan ang dalawang magkasintahan. Ang magkasintahang nakita ko noong nagkatinginan kaming dalawa ni Mr.Drexler Jhey Wilkerson.

Oo, tama! isa syang Wilkerson. Isa sa mga dugong bughaw na sinabi sa akin ni Alice. Sya rin ang susunod na tagapagmana ng buong kaharian.

Sa mga nakalap kong impormasyon tungkol sa kanya ay merong nagsasabing may nakakatandang kapatid ito na lalaki. Kakambal nya daw ito at sya talaga ang totong susunod na tagapagmana ng trono. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ito. Hindi pinaalam ng buong kaharian kung ano ang totoong nangyari at kung paano ito namatay. Kaya maraming tsismis at konklusyon ang kumalat sa araw ng kanyang pagkawala.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay naging mailap si Drexler sa ibang mga bampira. Iilan lamang ang mga bampira na kanyang pinagkakatiwalaan at tinuturing na totoong kaibigan. Ayaw rin nitong bukang bibig palagi ng kung sino man. Kaya ang mga bampirang nahuhuli na pinag-uusapan ang prinsipe ay agad na pinaparusahan.

'Ang babaw diba? Pero yun ang isa sa mga batas nila.'

Mas gusto nitong magkulong sa loob ng kanyang kwarto buong maghapon kesa sa makipagsalamuha sa iba. Gusto nya rin na parang hangin lamang sya sa mata ng karamihan at hindi napapansin nino man.

Hindi ito ngumingiti o tumatawa man lang. At kung makita mo man itong nakangiti ay pilit lamang. Palagi itong nakabusangot at nagsusungit sa mga bampirang nakakausap. Hindi na ito ang dating prinsipe na sinasabi nila. Ang prinsipe na puno ng sigla at parang walang problema.

Mukhang malaki talaga ang epekto sa kanya ng pagkawala ng kanyang kakambal. Ngunit merong haka-haka na may tinatagong malagim na secreto ang prinsipe at yun ang patuloy na inaalam ng lahat.

Sa totoo niyan ay marami pang ibang mga dugong bughaw na naging kaklase ko sa loob ng paaralan. Pero nakuha nito agad ang atensyon ko noong kwenento iyon sa akin ni Hansel, habang nagpapahinga kami pagkatapos ng mahabang training.

Dalawang lingo na rin syang hindi pumapasok sa klase. Simula nang mangyari ang nakakahiyang titigan naming dalawa.

Noong isang araw naman ay nalaman kong bumalik na ito galing sa isang misyon kasama ng kanyang mga kaibigan. Hindi rin ito pumasok sa klase dahil mukhang may importante itong gagawin. Siguro ay dahil iyon sa misyong natapos nila nitong mga nakaraang araw.

'Kaya pala absent sya ng dalawang lingo dahil may misyon itong ginawa kasama ng kanyang mga kaibigan.'

Si Hansel naman ay mahigit dalawang lingo na akong tinuturuan. Kagaya nalang ng mga self-defense at paggamit ng kahit anong mga armas. Tinuturuan nya rin ako ng mga leksyon na hindi ko pa napag-aralan.

Masasabi kong mabait ito at magaling makipagsalamuha sa ibang mga bampira. Hindi ko pinagkakailang naging magkalapit kami sa isa't-isa. Pero hindi ko pa rin binibigay ang isang daang porsyento ng pagtitiwala ko sa kanya dahil baka malaman nito ang buong sekreto ko.

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon