His POV:
Ilang oras na akong nakahilata sa aking king size bed at walang kabalak-balak na lumabas sa aking kwarto. Mula nang sumikat ang araw kaninang umaga hangang sa paglubog nito ay hindi pa rin ako gumagalaw at nakatulala lamang na nakatingin sa kisame ng aking silid.
Hindi kasi ako makapaniwala na kayang gawin iyon ng mga magulang ko sa akin. Alam ko namang nasa tamang idad na ako. Pero hindi dapat nila pwedeng pangunahan ang lahat ng gusto ko. Malaki na ako at alam ko na ang tama at mali, at hindi dapat nila akong kontrolin dahil may sarili naman akong pag-iisip. Alam kong sa ikabubuti ng lahat ang ginagawa nila, pero napakaunfair naman nun para sa akin.
Kanina pa ako binubulabog ni Karina Marcodova sa labas ng aking silid dahil may meeting daw kami kasama ang council. Pero sa halip na pansinin ito at sumama sa kanya para umatend ng meeting, ay nanatili pa rin ako sa aking pagkakahiga. Hindi ko ito binigyang pansin hangang sa sumuko nalang itong yayain akong lumabas at umalis para umatend ng meeting.
Malaki ang kasalanan ng babaeng yun sa akin kaya hangat maaari ay ayaw ko muna itong makita. Hindi ko kasi inakalang meron itong alam sa mga binabalak ng aking mga magulang para sa akin. Halos mag-iisang buwan nya na itong nilihim sa akin at kahapon ko lang ito nalaman ng sabihin sa akin ng aking mga magulang ang bagay na kanilang pinagpasyahan.
Lumipas ulit ang ilang oras at minabuti ko nang lumabas sa aking kwarto. Pero bago iyon ay nagshower muna ako at nagpalit ng damit.
Pagkalabas ko ay nagtungo ako sa kusina at binuksan ang refrigerator. Kumuha ako ng isang maliit na bag ng dugo at ininum ko ito.
Napabaling naman ako ng tingin sa buong silid ng aking condo pagkatapos uminom ng dugo. Pinakiramdaman ko kung may presensya ba ng ibang bampira sa loob nito.
Nang masigurado kong wala ay inubos ko agad ang dugong iniinum at tinapon ang lalagyan sa malapit na basurahan. Hindi ko alam kung paano nakapasok sa condo ko kanina si Karina pero nasisigurado kong kagagawan iyon ng aking mga magulang.
Naisipan kong pumunta sa headquarters dahil nasisigurado kong nakabalik na ang mga kasama ko mula sa meeting kasama ang mga council. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila kanina kasi wala ako sa mood para pumunta. Siguro ay magtatanong nalang ako sa kanila pagkarating ko doon.
Lumabas ako sa aking condo at nilock ang pintuan. Pagkatapos non ay ginamit ko ang aking bilis upang makarating sa headquarters.
Pagkarating ko doon ay nakasalubong ko agad si Gunter na mukhang papasok rin sa loob ng headquarters. Wala sina Calix at Armynie dahil hindi nya ang mga ito kasama. Hindi ko alam kung pupunta din ngayon dito si Karina pero mabuti nang hindi dahil ayaw ko syang makita.
"Hey! Bakit hindi ka dumalo sa meeting kasama ang council kanina?" Agad nyang tanong pagkapasok namin sa loob.
"Tinatamad ako." Maikli kong sagot at umupo sa sofa. Samantalang sya naman ay nagtungo sa fridge at kumuha ng isang maliit na bag ng dugo para inumin.
"As always." Napailing nalang ito at ininom ang dugo na sinalin nya sa baso.
Mayamaya pa ay bumukas ang pintuan at pumasok sina Calix at Armynie. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan kaya hindi nila kami napansin.
"What's the news?" Biglang tanong ko sa dalawa habang nakadekwatro na nakaupo at nakatingin sa kanila. Agad ang mga itong napabaling ng tingin sa akin at muling nagkatinginan sa isa't-isa.
Umupo ang mga ito sa mahabang sofa na nasa aking unahan. Habang si Gunter naman ay nakasandal sa pader na malapit sa amin at umiinom pa rin ng dugo.
Nakita kong napahinga ng malalim si Armynie at may isang bagay na pinatong sa ibabaw ng mesang pinagigitnaan namin. Nakabalot ito sa puting tela kaya agad itong hinawi ni Armynie at ipinakita sa amin ang laman.
BINABASA MO ANG
Dark Side
VampireSa hindi inaasahang pangyayari ay napunta sa ibang dimension si Eve at ang mas malala pa ay sa mundo ng mga bampira na galit at uhaw sa dugo ng mga mortal na tao. Kaya ang ginawa ng dalaga ay nagtago ito sa kanyang totoong anyo, at dahil din sa tulo...