Chapter: 06

43 26 8
                                    

Eve POV:

"Ang pinakahuli at pinakamahirap mong dapat kunin para maisagawa ang ritwal sa pagbabalabas ng portal patungo sa inyong mundo ay ang luha ng isang dugong bughaw." Seryosong sabi nya sa akin.

"Hindi madaling makakalapit ang tulad naming ordinaryong mga bampira sa mga dugong bughaw kaya masasabi kong mahihirapan ka sa isang yan. Maliban sa napakailap nila ay meron din silang mga kakaibang kapangyarihan na tinataglay at naiiba sa mga pangkaraniwang mga bampira. Kaya ang mapapayo ko lang sa iyo ay dapat kang mag-ingat at hindi magpahalata na may masamang binabalak ka sa kanila. Dahil sa oras na malaman nila ito ay siguradong kamatayan agad ang ipapataw sa iyo."

Nakinig lang ako ng mabuti sa mga sinasabi ni Alice at inintindi ang bawat detalye na aking mga hakbang na dapat gawin. Sinabi nyang magpapanggap akong isang malayong kamag-anak nya at papasok sa loob ng GU bilang mag-aaral.

Tutulongan nya akong makahanap ng mga kakailanganing bagay upang makabalik sa aking mundo. Mapapadali din daw ang aking misyon kung dito ako titira at mananatili sa GU kasama nya para magabayan nya ako ng maayos. Kaya bukas na bukas ay ipaparegister nya na ako bilang mag-aaral ng GU.

Ipapasok nya rin ako sa klase ng mga dugong bughaw para hindi na ako mahirapang makaisip ng mga ideya para mapalapit sa kanila. Yung iisipin ko nalang ay kung paano ako makakakuha ng luha nila para sa ritwal na aming gagawin.

Pagkatapos naming mag-usal ni Alice ay lumabas agad kami sa loob ng kanyang opisina at hinanap si Seb.

Pagkalabas namin ay nakita namin syang patingin-tingin sa mga halamang nakapaloob sa mga babasaging garapon.

Napansin nya siguro ang presensya naming dalawa kaya napalingon ito sa amin. Naglakad sya papalapit sa aming dalawa ni Alice at ngumiti ng malungkot.

"Ate Eve, aalis na po ako ngayon dahil siguradong pagagalitan ako ni Ate Erica kung magtatagal pa ako dito." malungkot nyang sabi sa akin.

Niyakap ko sya at pagkatapos ay tinapik-tapik ang kanyang likuran. Sinuklian nya rin ako ng isang mahigpit na yakap at binaon ang kanyang mukha sa aking balikat.

"Maraming salamat Seb. Malaki ang tinulong mo sa akin simula nang mapadpad ako dito sa mundo nyo. Tatanawin ko iyong isang malaking utang na loob at hindi kakalimutang ako ay iniligtas mo. Sana sa muli nating pagkikita ay ako naman ang tutulong sayo." mahaba kong sabi sa kanya pagkatapos naming magyakapan. Nginitian nya ako ng pagkatamis-tamis at nagsalita.

"Di na kailangan Ate! Masaya ako na natulongan kita at nakilala ko ang tulad mong taong may mabuting kalooban. Hiling ko na sana ay maging masaya ka at makabalik sa iyong mundong kinagisnan." napaiwas naman ako ng tingin pagkatapos na marinig ang mga sinabi nya.

Pumasok ulit sa aking isipan ang mga taong hindi ko natulongan at hinayaang mamatay na lamang kahit na meron akong magagawa para sa kanila.

Ginulo ko ang kanyang buhok at pinilit na alisin ang mga bagay sa sumasagabal sa aking isipan. Tinitigan ko sya sa mata at pinilit na ngumiti sa abot ng aking makakaya. Bigla naman syang natawa at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Inayos nya ang aking pagkakangiti at lumayo ng marahan.

"Ayan... mas maganda!" Nakathumbs-up na sabi nya. Pinilit ko naman ang aking mukha na ganon ang pagkakaayos at nagsalita.

"Salamat..." Sagot ko na may halong pagkabulol.

"Tama na yan Ate! Pinapatawa mo pa ako Lalo eh." Tumatawang komento nya sa akin kaya ibinalik ko na ang aking mukha sa dati.

"Sandali, kanina ka pa Ate ng Ate sa akin. Ilang taon kana ba?"

"Uhm.. mag-iisang daan at dalawampo na sa susunod na bwan." Napapakamot sa ulo nya sagot.

"Yun naman pala eh, mas matanda ka pa pala sa akin kaya bakit mo ako tinatawag na ate?"

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon