Chapter: 02

63 27 9
                                    

Eve POV:

"You're now finally awaken." nakangiting bungad sa akin ng isang maputing babae. Na sa sobrang puti ay parang nakahithit ng ilang galong gluta at parang wala nang dugo ang katawan. Nasa mid-twenties palang sya sa pagkakatingin ko.

Hindi ko sya sinagot at sa halip ay umayos ng pagkakahiga sa aking kinahihigaan.

Nanatili lang syang nakatingin sa akin at sinusubaybayan ang aking bawat galaw. Nakaramdam naman ako ng pagkailang o kung ano man yung tawag nila dun.

Sinalubong ko ang mga titig nya sa akin. Napakurap ito ng ilang beses at tumikhim. Nagsimula rin itong magsalita ulit.

"Isang lingo kang tulog dito sa loob ng clinic pagkatapos kang dalhin dito ni Seb nang makita ka nyang palutang-lutang sa may ilog." Biglang sabi ng babae sa akin na sa pagkakaalam ko ay manggagamot nitong clinic.

"Wala ka man lang bang sasabihin o irereaksyon sa iyong mga narinig?" Kunot noo nyang tanong sa akin nang hindi ako nagsalita.

"O-key, sige kung ayaw mong magsalita ay magpapakilala muna ako sa iyo." Napagtanto nya na sigurong hindi ako magsasalita. "I'm Ms.Erica Gonzavasco, I'm the doctor of this clinic here in Winverton town. I'm working as a doctor for almost 6 years in this town at halos lahat ng tao sa mumunting bayan na ito ay kakilala ko na. I'm just curious, dahil ngayon lang kita nakita dito. Saan ka ba galing? Taga ibang bayan ka ba?" Tinitigan ko nalang sya ulit at agad na napatango habang may bakas ng pagkalito sa mukha.

"Hindi ko pa naririnig ang pangalan ng bayan nyo mula noon." Bahagyang napaawang ang kanyang bibig ng bigla akong nagsalita.

" Ah... dahil siguro maliit lang tong bayan namin at hindi naman masyadong kilala ng mga tagalabas kaya walang maraming nakakaalam. Kalimitan lang ding may bumibisita dito sa amin at sa liit ng populasyon ay walang kaguluhang nagaganap dito." Nakangiti nyang pagpapaliwanag pagkatapos na mabigla.

"Gusto ko nang umuwi. Alam mo ba ang daan patungong Villa Street? Dun kasi ako nakatira." mahinahon kong tanong sa kanya na ikinalaki ng kanyang mga mata.

Napatayo sya bigla at pumunta sa may pintuan. Nagpalinga-linga sya sa labas at mabilis na isinara ang pintuan. Naglakad sya pabalik sa kinahihigaan ko na may hindi maipintang mukha.

Hinawakan nya ang magkabila kong balikat at tinignan ako sa mata. "Villa Street? May alam akong lugar na ganoon... pero, it's in human world. Don't tell me... you're a human? paano ka nakapunta dito sa mundo namin? Paano ka nakapasok sa portal?" Gulat na gulat nyang tanong sa akin.

Mariin ko syang tinitigan habang nakakunot noo at hindi nagsalita. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi nya at hindi ko rin alam kung ano ang irereaksyon kaya minatyagan ko nalamang ang susunod nyang galaw.

"Sabihin mo!" Galit nyang tanong sa akin at biglang nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata. Naging pula ang mga ito. Malayo sa kulay ng kanyang mga mata kanina.

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo." Sa halip na makaramdam ng sinasabi nilang takot ay parang wala lang sa akin ngayon ang mga nakikita.

"Hindi ako naniniwala sayo. Nakapasok ka sa mundo namin ng walang kahirap-hirap at hindi nalalanghap ang amoy ng iyong dugo. Sigurado akong pinaghandaan mo ito o kung hindi man ay malaking katanungan ito sa akin kung bakit ka naiiba sa mga taong nakilala ko."

Mas lalong nangunot ang noo ko sa mga sinabi nya. Nahalata nya sigurong naguguluhan ako sa aking mga narinig kaya nagpatuloy ulit ito sa pagsasalita.

"Kung di mo pa alam, ay wala ka sa mundo ninyo ngayon. Nandito ka sa mundo namin. Mundo ng mga bampira." Nanlilisik ang kanyang mga mata at wala sa sariling binitawan ang aking magkabilang balikat.

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon