Chapter: 04

49 28 18
                                    

Eve POV:

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa oras ng byahe. Mabuti nalang at ginising ako ni Seb sa kalagitnaan ng byahe dahil kung hindi ay baka isipin ng iba naming kasama na mga bampira ay natutulog talaga ako na sya namang totoo. Baka kasi maghinala sila dahil alam nyo namang hindi talaga natutulog ang mga bampira. Pero syempre maliban nalang kung naghahibernate sila.

Napasulyap ako sa aming dinadaanan at dun ko lang napagtanto na parang napapalayo na kami sa Grievill City. Kaya ang ginawa ko ay tinanong si Seb.

"Seb bakit parang napapalayo na tayo sa Grievill City?" Nagtatakang tanong ko sa kanya nang makitang puro kakahuyan ang aming dinadaanan.

"Parte pa rin ito ng Grievill City Ate Eve. Yun ngalang puro kakahuyan at walang mga gusali dito dahil ipinagbabawal ang pagputol ng mga puno at pagpapatayo ng mga industriya." pagpapaliwanag nya sa akin.

"So saan tayo ngayon tutungo?"

"Tutungo tayo ngayon sa G.U. o tinatawag na Grievill University kung saan nagtatrabaho si Ms. Alice Fildorc."

"Ibig sabihin pupunta tayo ngayon sa isang iskwelahan?"

"Tama Ate! At alam mo bang hindi lahat ng mga bampira sa mundo namin ay nakakapag-aral sa G.U.?"

"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.

"Dahil puro maharlika o dugong bughaw at mga mayayaman lamang ang makakapag-aral dun." May bahid ng lungkot ang mukhang sagot nya.

"Mula pa noon ay gusto kong makapag-aral sa G.U. pero dahil sa kahirapan sa buhay ay kailan may hangang pangarap nalang ang mga iyon." Malungkot nya pang sabi.

Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob ni Seb kaya ang ginawa ko nalang ay tinapik-tapik ang likuran nya. Binigyan ko sya ng isang pilit na ngiti o matatawag ba iyong ngiti dahil para akong nakangiwi.

Tinitigan nya ako at biglang tumawa. Siguro nakakatawa ang mukha ko kaya hindi nya napigilang hindi matawa.

Napatingin sa amin ang ibang kasama namin sa loob ng train kaya kinalabit ko si Seb upang patahimikin. Inayos nya ang kanyang pagkakaupo at tinakpan ang kanyang bunganga upang hindi makagawa ng ingay. Ibinaling nya nalang sa ibang dereksyon ang kanyang paningin habang impit paring tumatawa.

"Alam mo bang ngayon lang talaga ako makakapasok sa loob ng G.U. Ate? Dahil noong una akong pumunta doon kasama ni Ate Erica ay hindi kami pinapasok ng gwardya. May kaguluhang naganap kasi noon doon sa loob ng University kaya humigpit ang kanilang seguridad." Biglang Sabi nya.

"Kaya nga nang marinig ko ang sinabi ni Ate Erica na tutungo ka sa G.U. upang makipagkita kay Ms. Alice Fildorc ay nagpresinta agad ako na samahan ka papunta dito. Masayang-masaya talaga ako nang pinayagan ako ni Ate dahil sa wakas ay matutupad narin ang pangarap kong makita at makaapak sa loob ng G.U." masigla at puno ng saya nya pang sabi sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang kasiyahan at hindi maipagkakaila na hindi sya makapaghintay na makapunta sa G.U.

Masaya ako para kay Seb dahil matutupad na rin sa wakas ang pangarap nyang makatungtong sa G.U. Nararamdaman ko ang samot-saring emosyon nya na pinapakita sa akin at pati na rin ang ibang taong nakakasalamuha ko. Pero bakit hindi ko man lang maipakita o maiparamdam ang emosyong meron ako para sa ibang tao? Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Totoo ba talaga ang sinabi sa akin ni Lola noon?

Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa aming distinasyon. Nabigla nalang ako nang kinalabit ako ni Seb upang lumabas sa loob ng train.

Pagkalabas namin ay sinalubong kami agad ng mga gwardya ng train station upang makasiguradong wala kaming dalang mga pinagbabawal na mga gamit. Pagkatapos nun ay agad kaming lumabas sa train station at sumakay nanaman sa isang sasakyan na parang bus.

Mga ilang minuto lang ang byahe namin upang makarating sa GU kaya nakarating kami doon ng mabilis.

Bumungad sa aming harapan ang napakalaking pintuan ng GU. Sa di kalayuan naman ay nakatayo ang isang malaking parking lot na nasa labas nito. Doon nagtungo ang sinasakyan naming bus at nagpark sa loob ng malaking parking lot.

Bumaba kami si Seb sa bus at sumabay sa pila ng ibang mga bampira upang makapasok sa loob ng University. Pagkalapit namin sa front desk ay tinanong agad kami kung bakit kami naparito sa unibersidad o kung ano ba ang kailangan namin.

Inilabas naman ni Seb mula sa loob ng kanyang bulsa ang isang letter at ipinakita sa gwardya. Tinignan ito ng mabuti ng gwardya at sinuri.

Tinawag nya ang isa pa nyang kasama at pabulong na kinausap ito pagkalapit sa kanya. Patango-tango naman itong nakinig sa kanya at sinulyapan kaming dalawa ni Seb.

Pagkatapos nilang mag-usap ay umalis agad ang lalaking kanyang tinawag. Humarap ito sa amin at may roong pinindot na mga button sa gilid ng kanyang flat screen computer. Pagkatapos nun ay biglang lumabas ang portal papasok sa Grievill University.

Mayamaya pa ay sumenyas siya sa amin na pwede na kaming pumasok sa loob. Nagtinginan naman kami ni Seb at napahinga ng malalim.

"Welcome to Grievill University!" Nakangiting sabi ng gwardya sa amin bago kami tuluyang makapasok sa loob ng portal.

Ipinikit ko ang aking mga mata at unti-unti itong idinilat pagkatapos ng ilang segundo. Naramdaman ko ang kakaibang inerhiya na nakapalibot sa
buong lugar na kina tatayuan ko ngayon. Nakakagaan ito sa pakiramdam at nagbibigay positibo sa isipan.

Pagkamulat ng aking mga mata ay hindi ako makapaniwala sa mga nakikita. Hindi ko akalaing may igaganda pa ito kesa sa Grievill City. Hindi man puro gusali at mga makabagong teknolohiya ang makikita mo sa buong lugar pero bawing-bawi naman ito sa magagandang tanawin at mga ibat-ibang mahihiwagang mga halaman.

Tinignan ko si Seb nang mapagtanto kong kanina pa ito wala imik. Nakita ko syang nakanganga at nakatulala habang patingin-tingin sa buong paligid. Hinarap ko sya at winagayway ang isa kong kamay sa kanyang mukha.

"Ok ka lang?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Pero sa halip na pansinin ako ay wala ito sa sariling napangiti at maluha-luhang itinaas ang kanyang dalawang kamay sa may ere. Malakas ko naman itong pinalo sa balikat at inikutan sya ng aking mga mata.

"Para kang timang dyan." Komento ko sa kanya at lumayo-layo sa kanyang tabi dahil lahat ng mga nakakasalubong naming mga bampira ay napapatingin sa kanya.

Napakurap-kurap naman si Seb ng ilang beses habang hindi pa rin nawawala ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Tinignan nya ako at agad na nagsalita.

"Halika Ate Eve, puntahan na natin si Ms.Alice." wala sa sarili nyang sabi sa akin at agad na naglakad papaalis.

Iniwan nya akong nakatunganga doon sa kinatatayuan ko kaya sinundan ko sya ng masamang tingin. Naramdaman nya siguro ang masamang tingin ko sa likuran nya kaya bigla itong huminto sa paglalakad. Humarap ito sa akin at itinaas ang kanyang kaliwang kamay sabay peace sign.

Napabuntong hininga naman ako at ipinalobo ang aking magkabilang pisngi. Agad ko syang sinundan at pailing-iling na naglakad patungo sa kanyang kinatatayuan.

_To__be__continue____

Vote|Comment|Share|Follow

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon