Eve POV:
"Ugh..." Mahinang ungol ko habang bumabangon mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Domodoble ang aking mga paningin at medyo hindi pa malinaw ang aking mga nakikita. Nakaramdam din ako ng kaunting sakit sa ulo.
Kinisap-kisap ko ang aking mga mata upang maaninag ang buong paligid. Madilim kasi ang buong kwarto dahil nakapatay ang mga ilaw. Tanging ang ilaw na nagmula sa nakabukas na pintuan lamang ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.
Pagkaraan ng ilang segundo ay bumalik na ang malinaw kong paningin at naaaninag ko na rin ang buong paligid. Ginala ko ang mga mata sa loob ng kwarto at nakitang nasa loob pala ako ng silid ni Alice.
Inalala ko kung bakit ako napadpad sa loob ng kanyang silid. Ngunit nadadagdagan lang ang sakit sa aking ulo kapag pinipilit kong alalahin ang lahat.
Nahagip ng aking mga mata ang wall clock na nakasabit sa ibabaw ng pintuan ng kwarto ni Alice. Medyo malinaw mula sa aking kinahihigaan ang kamay ng orasan kaya nalaman ko kung ano ang oras.
'9:23 pm'
Napakunot ang aking noo nang mapagtanto na gabi na pala. Nagtataka rin ako kung bakit ilang oras ulit akong nakatulog. Sa pagkakaalam ko kasi ay nagising ako kaninang madaling araw dahil sumakit nanaman ang katawan ko. Naalala ko rin ang lalaking pumasok sa loob ng aking kwarto at ang pag-uusap naming dalawa ni Alice sa may kusina. Pagkatapos nun ay wala na akong may naalalang iba pa.
Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga ko sa malambot na kama. Sinubukan ko ring tumayo habang nakakapit sa sandalan nito upang hindi matumba. Pagkatayo ko ay sinigurado ko munang hindi na ako nahihilo bago sinimulang maglakad palabas ng kwarto.
Pagkalabas ko sa loob ay hinanap agad ng aking mga mata si Alice. Nagtungo ako sa sala at nagbakasakaling makita sya. Ngunit kahit ang anino man lang nito ay hindi ko matagpuan. Nagpunta rin ako sa kusina ngunit wala rin sya doon.
Napaupo nalang ako sa upuang malapit sa kinatatayuan ko at kinain ang ubas na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ngayon nakakabalik si Alice. Pero nasisigurado kong may mahalaga itong ginagawa kung bakit hangang sa ngayon ay wala pa rin ito.
Habang kumakain ako ng ubas ay napansin kong may kakaiba sa mga gamit sa loob ng kusina. Nakita kong halos lahat ng mga gamit sa loob ay puro bago at hindi pa nagagamit. May tatak pa nga ang iba sa kanila at nalimutang alisin.
'Hmm... Bakit kaya naisipan ni Alice na bumili ng bagong mga gamit sa loob ng kusina?' pailing-iling kong sabi sa aking isipan.
Biglang kumulo ang aking tiyan kaya nagtungo ako sa refrigerator upang humanap ng makakain. Hindi kasi sapat ang ubas upang bumusog sa aking kumakalam na sikmura.
Binuksan ko ang ref at kinuha sa loob ang dalawang slice ng tuna sandwich at isang bote ng gatas. Pagkatapos kong kunin ang mga iyon ay bumalik ako ulit sa aking upuan kanina at sinimulang kainin ang mga kinuhang pagkain.
Pagkalipas ng ilang minuto ay niligpit ko ang aking pinagkainan at napagpasyahang pumasok sa loob ng aking silid. Anong oras na rin kasi at hindi pa rin nakakabalik si Alice. Mukhang gagabihin talaga iyon ng uwi ngayon. Hindi ko na rin sya pwedeng hintayin ng ilang oras pa dahil siguradong malelate ako sa klase bukas ng umaga.
Umakyat ako sa hagdanan upang magtungo sa aking silid. Ngunit sa kalagitnaan ng aking pag-akyat ay sya namang pagbukas ng pintuan ng condo namin at pumasok doon si Alice na may dalang mga gamit.
Sinalubong ko ito at bumaba sa may hagdanan. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya ay biglang nangunot ang aking noo dahil sa nakita.
"Napano yang kamay mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa isa nyang kamay na nakabenda.
BINABASA MO ANG
Dark Side
VampiroSa hindi inaasahang pangyayari ay napunta sa ibang dimension si Eve at ang mas malala pa ay sa mundo ng mga bampira na galit at uhaw sa dugo ng mga mortal na tao. Kaya ang ginawa ng dalaga ay nagtago ito sa kanyang totoong anyo, at dahil din sa tulo...
