Eve POV:
Kwenento ko kay Alice ang lahat, simula nang mga araw na nakakaramdam na ako ng kakaibang pananakit ng katawan hangang sa unti-unting lumilitaw ang marka sa aking pamulsuhan. Kwenento ko rin sa kanyang ang nangyari kanina. Pati na rin ang pagpasok ng misteryosong lalaki sa loob ng aking kwarto at ang kakaibang emosyong aking naramdaman nang kaharap ko sya.
Nandito kami ngayon ni Alice sa kusina at umiinom ng kape habang nagkukwentuhan. Mga 4:33 na ng umaga. Hindi na muli akong natulog sapagkat biglang nawala ang aking pagkaantok dahil sa nangyari. Hindi rin ako pinayagan ni Alice na pumasok mamaya sa klase at sinabihang magpahinga. Tumawag na rin daw sya ng mga manggagawa upang ayusin ang mga sira sa loob ng aking kwarto.
Kanina pa kami dito ni Alice nagkukwentuhang dalawa. Hangang ngayon ay hindi parin ito makapaniwala sa kanyang mga narinig. Ilang beses din itong natahimik at nagisip-isip ng kung ano-anong mga bagay. Simula nang nakita nya ang marka sa aking pamulsuhan ay hindi nya pa nabibitawan ang aking kamay habang masuri itong tinitignan.
"Hindi kaya, sya ang mate mo?" patanong nyang sabi sa akin na ikinakunot noo ko.
"Paano naman yun nangyari? Eh diba, para lamang sa inyong mga bampira iyon? At saka malabong mangyari ang mga bagay na iyon dahil tao ako at hindi bampira." pagtutol kong sagot sa kanya.
"Tama ang sinabi mo Eve, pero malay natin diba?" agad nya namang sabi sa akin at napainom ng kapeng may halong dugo. Napaisip naman ako bigla sa kanyang sinabi.
"At sa mga ikwenento mo sa akin ay nagpapahiwatig lamang ito na matagal mo nang nakakasama at nakakahalubilo ang iyong kabiyak. Ngunit pinipigilan nyong mapalapit sa isa't-isa kaya nakakaranas kayo o ang isa sa inyo ng panghihina o kaya'y hindi maipaliwanag na sakit sa katawan." Napalingon ako kay Alice at biglang napayoko. Tinignan ko ang tasa ng kapeng nasa harapan ko at pinaglatuan ito gamit ang kutsaritang hawak ko.
'Kung nagsasabi man ng totoo si Alice, ay bakit hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang ang bampirang sinasabi nyang mate ko? Ayaw nya ba sa akin? Alam nya kayang isa akong taong mortal at kina hihiya sa mga kauri nya?'
Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib dahil sa naisip. Para akong nasasaktan kahit na wala naman akong may natamong sugat sa katawan. Masyadong hindi pamilyar sa akin ang emosyong ito at parang hinihila rin ako nito palubog sa isang napakalalim na tubig hangang sa wala na akong may matanaw na kahit isang ilaw mula sa itaas. Puro kadiliman nalang ang aking nakikita at parang walang katapusan akong palutang-lutang sa ibaba. Walang kasama, tanging nag-iisa at puno ng kalungkutan.
"Pero kung totoo nga ang mga sinabi mo, paano ko naman malalaman na sya ang mate ko?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.
Napabuntong hininga ito at tipid akong nginitian. Marahan nyang pinisil ang aking kamay na hawak nya at tinuro ang aking dibdib.
"Sundin mo ang tibok ng iyong puso. Yan ang magdidikta kung sino ba talaga ang nilalang na nakatadhana sayo. Kayong dalawa lang ang makakaalam nun, dahil sa tuwing magkakalapit kayo sa isa't-isa ay merong kakaibang emosyong bubuhos at kukompleto sa kabilang bahagi ng inyong pagkatao. Meron nagsabi sa akin na makakaamoy ka raw ng kakaibang halimuyak na nanggagaling sa iyong kabiyak. Hindi ko alam kung anong klaseng amoy iyon, pero ang sabi nila ay nakakaadik daw iyon. Yan rin ang hinahangad ng lahat ng mga bampira. Ang mahanap ang kanilang kabiyak at maramdaman ang pagtibok ng kanilang mga puso. Alam mo naman sigurong hindi tumitibok ang aming mga puso diba? Pero sa araw na mahanap namin ang aming mga kabiyak ay unti-unti rin itong titibok at mabibigyang buhay." Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa aking mga narinig at napahigop sa tasa ng kape habang inaalis ang mga bagay sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
Dark Side
VampirSa hindi inaasahang pangyayari ay napunta sa ibang dimension si Eve at ang mas malala pa ay sa mundo ng mga bampira na galit at uhaw sa dugo ng mga mortal na tao. Kaya ang ginawa ng dalaga ay nagtago ito sa kanyang totoong anyo, at dahil din sa tulo...