Chapter: 13

22 10 0
                                    

HIS POV:

"Hey, bro! Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap." pambungad na tanong sa akin ni Gunter pagkapasok ko sa loob ng hideout. Tinignan ko lang ito ng taim-tim na seryoso ang mga matang nakatingin sa kanya. Parang sinasabi ko naring may mahalaga akong dinalaw na nilalang kanina at maingat na binabantayan. Agad nya naman itong nakuha at hindi nalang ulit nagtanong sa akin.

Hindi ko pwedeng sabihin kay Gunter ng malakas kung saan ako pumunta kanina kase masyadong delikado. Kahit dito sa loob ng hideout ay hindi ako nakakasigurado kung ligtas bang sabihin ito sa kanya. Lalong-lalo na't may hinala ako na isa sa aming mga kasamahan ang kumakampi sa kalaban. Hindi ko pa alam kung sino o sino-sino ang mga ito. Kaya kailangan kong maging maingat.

Mga kaibigan ko din sila. Nakasama ko ang mga ito sa loob ng mahabang panahon. Alam ko na rin kung paano sila gumalaw at kung ano-ano ang kanilang mga ugali. Ngunit hangang ngayon ay may pagdududa pa rin ako sa iba sa kanila.

Sabay kaming pumasok ni Gunter sa loob ng meeting room. Pagpasok sa loob ay naabutan namin ang tatlo na seryosong nag-uusap sa kani-kanilang mga upuan. Mukhang nagkakainitan na rin silang lahat dahil nagtataasan na sila ng boses.

"Eh saan mo ba kasi nilapag yung capsule Calix at nawala mo? Kay dali-daling utos ay hindi mo pa nagawa! Oh, pano na yan ngayon? Saan na tayo  hahanap ng ganong likido? aber?" Malakas na sigaw ni Armynie kay Calix habang dinuduro-duro ito.

"Bakit mo ba ako sinisisi hah? Eh hindi ko naman kasalanan na nawala ko yung likido! Iniwan ko lang talaga yun sa ibabaw ng mesa bago pumasok sa loob ng palikuran upang umihi! Pero pagkabalik ko ay wala na doon sa pinaglagyan ko kanina!" Sigaw pabalik sa kanya ni Calix at napasabunot sa kanyang buhok.

"So, ibig mong sabihin ay biglang nawala na parang bula ang capsule sa ibabaw ng mesa? tsk. Are you nuts?" Sarkastikong sagot ni Armynie at padabog na tumayo sa kanyang upuan.

"Eh, iyon naman talaga ang totoo! Bakit ba ayaw mong maniwala?" Inis na sabi ni Calix.

"Eh hindi ka naman talaga kapani-paniwala! kaya bakit pa ako maniniwala sa iyo?" Susugurin na sana ni Armynie si Calix nang agad syang pigilan ni Karina. Hinawakan din nito ang kanyang isang balikat upang hilahin pabalik sa kanyang upuan ang dalaga.

"Stop it Armynie! Wag mong dalhin dito sa loob ng hideout ang away ninyong dalawa ni Calix! Please tama na!" Tinignan ng masama ni Armynie si Karina at tinapi ang kamay nitong nakahawak sa kanyang balikat.

"Wag kang mange-alam dito Karina kasi wala kang alam! Kasalanan mo itong gago ka!" Nanlilisik ang mga matang sabi ni Armynie kay Karina at muling tinuro si Calix na napatampal sa kanyang noo.

"Ilang beses ko bang sabihin sayo Myn na wala akong kasalanan! Hindi ko pinatulan ang babaeng iyon! Wala kaming relasyon ok, sya lang talaga ang lapit ng lapit sa akin! Lumalayo nanga ako sa kanya eh." hindi maipinta ang mukhang pagpapaliwanag nito kay Armynie.

"Wag mo akong mamyn-myn na hayop ka! At anong sinasabi mong nilalayuan mo sya hah? Akala mo hindi ko nakita na para kayong mga linta na magkadikit sa isa't-isa? Anong akala mo sa akin, bulag?" May lumabas na tubig sa kamay ni Armynie at kahit anong oras ay aatakihin nya na ang lalaki.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga nangyayari at umupo sa aking swivel chair. Nagtungo na rin sa kanyang upuan si Gunter at humihintay ng utos ko upang patigilin silang lahat sa pag-aaway. Sumali na rin kasi si Karina at mukhang nabadtrip sa sinabi sa kanya ni Armynie. Nagsilabasan na ang kanilang mga kapangyarihan at kung hindi ko pa sila pipigilan ay siguradong masisira ang hideout.

"Enough! Kung ayaw nyong tumigil, pwede na kayong makaalis sa loob ng hideout at wag nang bumalik." Ma-autoridad kong sabi sa kinila at tinignan sila sa mga mata isa-isa.

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon