Eve POV:
Nagtungo ako sa malapit na cr ng mga babae at nagmadaling pumasok sa loob.
Binagsak ko ang dala-dalang bag sa ibabaw ng labano at humarap sa malaking salamin.Ilang minuto kong tinitigan ang aking sarili sa harap ng salamin bago naghilamos ng mukha.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, dahil kanina pa bumibilis ang pagtibok ng aking puso. Nagsimula ito noong lumabas ako mula sa loob ng silid na iyon.
Napatingin ako sa aking mga kamay na kanina pa nanginginig sa hindi ko malamang kadahilanan. Bigla ring gumaan ang aking pakiramdam habang unti-unting nakakaramdam ng hindi ko maipaliwanag na mga emosyon. Unti-unti nitong binabalot ang aking pagkatao at sa aking ikinapagtaka ay nakaramdam din ako ng sobrang init sa katawan. Na parang ako ay sinisilaban at naliligo sa lawa ng apoy.
Muli akong naghilamos ng aking buong mukha para maibsan ang init na aking naramdaman.
Kinuha ko din ang aking panyo sa loob ng bag at pinahid ito sa mabasa-basa kong mukha.Huminga ako ng malalim at mabilis na niligpit ang aking mga gamit. Muli akong humarap sa salamin at wala sa sariling lumabas sa loob ng banyo.
Nawalan na ako ng ganang kumain kaya dumeretso nalang ako sa aming next subject habang walang lamang ang tiyan.
_______________
Mabilis na lumipas ang mga oras at 5:00 pm na. Ang ibig sabihin lang nun ay tapos na ang klase namin ngayong araw.
Maayos naman ang naging takbo ng araw ko ngayon. Maliban nalang talaga sa nangyari kanina at sa mga outdoor activities na hindi ko sinalihan.
'Im not a huge fan of outdoor activities. I rather sleep all day long just not to play some tedious game.'
Hindi rin pumasok ang bampirang lalaki hangang sa matapos ang kahuli-hulihang pasok namin sa hapon. Medyo disappointed din ako at hindi ko alam kung bakit. Pero sa halip na pansinin iyon ay winaksi ko nalang iyon sa aking isipan.
Malaki rin ang naitulong ng bracelet na ibinigay ni Alice sa akin noong nakaraang araw. Tinulongan kasi ako nito na magkaroon ng kakayahan katulad ng isang bampira.
Pauwi na ako sa condo namin ng mapansin kong may sumusunod sa akin.
Ilang beses akong napahinto sa paglalakad at nagpalinga-linga sa buong paligid. Pero wala akong may nakita at wala ring kakaibang sa buong paligid.
Halos pa gabi na rin ngayon at wala masyadong bampira na makikitang dumadaan sa lugar na dinadaanan ko. Magkalayo kasi ang dorm ng mga estudyante sa tinitirhan ng mga faculties and staffs ng school, na kung saan ako nanunuluyan ngayon.
Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad papunta sa dorm namin ni Alice at hindi pinansin ang kung ano mang sumusunod sa akin.
Lakad lang ako ng lakad. Hangang sa napahinto na naman ako ng may narinig akong mga kaloskos sa mga nagtataasang halaman na aking nadaanan kanina.
Napasulyap ako sa pinanggalingan ng mga kaluskos at unti-unting lumalapit.
Nang nasa harapan na ako ng nagtataasang mga halaman ay tinaas ko ang aking kaliwang kamay. Hahawiin ko na sana ang mga halaman nang may tumapik sa aking kanang balikat. Napatalon naman ako sa sobrang gulat at hinarap ang taong gumwa nun.
Nakita ko itong nagpipigil sa malakas nyang pagtawa. Pero agad rin itong tumigil ng makita akong masama na nakatingin sa kanya.
"Sorry I just can't control myself not to laugh." pagpapaliwanag nito na parang matatawa ulit.
BINABASA MO ANG
Dark Side
VampirosSa hindi inaasahang pangyayari ay napunta sa ibang dimension si Eve at ang mas malala pa ay sa mundo ng mga bampira na galit at uhaw sa dugo ng mga mortal na tao. Kaya ang ginawa ng dalaga ay nagtago ito sa kanyang totoong anyo, at dahil din sa tulo...