Chapter: 03

49 27 12
                                    

Eve POV:

Nang tuluyan nang nabuksan ang pintuan ay nakita ko ang ulo ng isang bampira na biglang sumilip sa loob ng kalesang kinaroroonan ko ngayon. Nagpalinga-linga ito sa loob ng kalesa na parang may hinahanap habang nakadungaw sa may pintuan.

Napadako ang kanyang mga paningin sa kina uupuan ko. Ang akala ko ay lalapit na ito sa akin pero laking gulat ko nalang na bigla itong umalis na parang wala syang maybnakitang kaintere-interesado sa loob at nilapitan ang isa pa nyang kasama.

Nag-usap silang dalawa at pinuntahan ang tatlong iba pa nilang mga kasama na nakikipag-usap kay Seb. Iniwang nakabukas ng lalaki ang pintuan ng kalesa kaya dahan-dahan akong bumaba at lumabas mula sa loob nito.

Nang tuluyan na akong makalabas ay nakita kong binubog-bog na nila ang kawawang binatang bampira na si Seb. Walang laban ito kumpara sa limang lalaking kaaway kaya hindi nalang pumalag ang binata sa pambubugbog sa kanya.

Tutulongan ko sana sya laban sa limang masasamang bampira nang biglang pumasok sa aking isipan ang sinabi ni Erica kanina. Kaya kahit labag man sa loob ko ay wala akong may nagawa patulongan sya at sa halip ay tumunganga nalang hangang sa matapos ang pambubugbog sa kanya.

___________________

Nagtatawanan ang limang bampira pagkatapos nilang bugbugin si Seb at agad na umalis dala-dala ang kalesang sinakyan namin kanina.

Paika-ikang naglakad sa gilid ng daan si Seb at tinanaw ang papalayong kalesa. Napakamot ito sa kanyang ulo at bakas ang pag-aalala sa mukha. Nilapitan ko sya nang hindi na tanaw ng aking mga mata ang kalesang ninakaw sa amin ng mga tulisan.

"Ok ka lang?" Mahinahon kong tanong sa kanya at inalis ang talokbong sa aking katawan. Nakita ko ang bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha at mayamaya pa ay napalitan ito ng kapanatagan nang makita ako.

"Ang akala ko ay hindi po kayo nakalabas sa loob ng kalesa kaya nag-alala po ako. Pagagalitan kasi ako ni Ate Erica pag may nangyaring masama sa inyo."

"Ok ka lang ba?" Pag-uulit ko at hindi pinansin ang kanyang mga sinabi.

"Oo naman, bampira yata to!" Nakangiti nyang sagot sa akin.

Tinignan ko naman ang kanyang mga sugat at nakitang humihilom na ang mga ito.

Kinuha nya ang mga bagaheng dala ko at sya na ang nagdala. Nagsimula kaming maglakad sa gitna ng gubat kahit na mataas ang sikat ng araw.

"Akala ko ba ay takot sa araw ang mga bampira?" Bigla kong tanong sa kanya habang naglalakad kami.

"Yan ba ang paniniwala ninyong mga tao sa amin?" Natatawa nyang tanong din sa akin.

"Bakit hindi ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Alam mo Ate Eve, hindi lahat ng mga pinaniniwalaan nyo ay totoo. Ang iba sigurong Oo, pero karamihan hindi."

"So, ibig sabihin hindi kayo sa araw, holy water at Cross?"

"Hindi kami takot sa holy water at cross pero may epekto sa amin ang araw. Yun nga lang hindi kami nito masusunog o mamamatay. Masyado kasing maliwanag ang araw kaya nakakasilaw at masakit sa mata naming mga bampira. Alam mo namang mas sanay ang mga mata namin sa gabi kesa sa umaga." pagpapaliwanag nya sa akin na ikinatango ko naman bilang pagkakaintindi.

"Maganda ba sa mundo ng mga tao? Masaya bang maging tao Ate?" Biglang tanong nya sa akin.

"Ok lang..." Mahina kong sagot sa kanya.

"Ok lang? Bakit hindi ba masayang maging tao ate?" Naguguluhan syang napatingin sa akin.

"Masaya..." Nakayukong sabi ko sa kanya at sinipa-sipa ang mga maliliit na bato na aming nadadaanan. Natahimik sya bigla nang marinig ang boses kong pahina na nang pahina.

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon