After class namin?
Ayun dumiretso kaming Pueblo de Flores kasama sina Lucas at Saros. Akalain mo yun, kagagawa lang namin ng rules, nilalabag na agad naming dalawa. Kasi nga wala pang consequences hehe. Sinulit muna namin ang mga oras na ito magkasama kami kasi bukas na bukas seseryoso na kami sa rules ni Saros.
So here we are, nagbabike kami. Ako naka angkas kay Lucas habang si Saros naman nakasakay lang mag isa sa bike niya. So we're heading to the river. Doon kami magtatambay. Lucas suddenly stop in-front of a tall maple tree. Bumaba naman ako sa pagkaka angkas sa kaniya.
Hinawakan naman ako ni Lucas sa kamay kaso tumikhim si Saros at napatingin kami sa kaniya, matalim ang tingin niya sa amin.
"No tocar por favor!" (No touching please!) Sabi niya kaya mabilis naman kaming dalawang bumitaw ni Lucas.
"Cálmate prima, no la voy a aprovechar" (calm yourself cousin, I will not take advantage to her) nagsmirk naman si Lucas sa kaniya at nauna nang pumunta sa ilog.
Napatingin naman ako kay Saros na pinandilatan pa ako ng mata bago sumunod kay Lucas. Hala, bad girl ka, bad girl? Napailing na lamang ako saka sumunod na rin sa kaniya.
Lumapag naman ng malaking panyo si Lucas doon malapit sa ilog. Umupo siya doon. Nang makalapit na si Saros doon, akmang uupo na rin sana siya kaso tinulak siya ni Lucas.
"Huy!" Sita ko sa kaniya.
"Walang ganyanan, pre" reklamo naman ni Saros saka tinulak din si Lucas, tumatawa lang ito, enjoy sila sa pakikipagtulakan.
"Mga hatdog kayo! Magsitigil kayo!" Sabi ko naman sa kanila.
Tumigil naman sila sa pakikipagtalo ng sinuway ko sila. Oo nga kung di mo sasawayin baka humantin na sila sa wrestling niyan. Magpinsan pa naman.
Lumapit naman ako doon sa pwesto nila at pumagitna. Tumahimik naman sila at pinatuloy ang ginagawa nila kanina. Si Saros may binabato sa tubig. Si Lucas ito nilalanghap ang hangin.
"So, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko naman sa kanila.
"Wala!" Sabay nilang sabi habang nakatingin sa kawalan.
"Wow, Lucas, kailan ka pa natutong mag tagalog huh?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Nang makilala kita, buong gabi kong pinag aralan yun dahil mukhang kayo lang ni Saros ang magkakaintindihan. Kaya ito, mabuti na lang talaga fast learner ako, medyo madali lang naman kasi may similarities din siya sa spanish" sabi pa niya.
"Aba, mukhang kinareer talaga. Ang fluent mo na huh?" Sabi ko naman at mahinang hinampas ito sa braso niya.
"But sometimes, tagalog makes me uncomfortable" sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Why?"
"Parang si Saros lang" nakatanggap naman ito ng bato mula kay Saros pero hindi naman tumama sa kahit anong parte ng katawan niya.
"Mierda" (bullshit) mura ni Saros habang binabato niya si Lucas ng maliliit na bato.
"Come on, Arch. No throwing pebbles" awat ni Lucas sa kaniya.
Tumigil naman si Saros kababato niya kay Lucas at itinuon na lamang ang pansin sa sunset. Sumunod naman kami ni Lucas. Hinihintay lang talaga namin na mag-set itong araw.
"Oh! Wait, I'm gonna get some drinks" paalam ni Saros sa amin kaya tumango naman kami.
May malapit din kasing bilihan dito ng mga drinks and legit na napakasarap nito. Yun nga lang mahal naman pero worth it ah. Di nakakasawa inumin.
BINABASA MO ANG
Our Galactic Collision
FantasiAstrid, a pesky student who love trolling. But with this simple trolling costs her anything and drives into unexplained situation which causes her too much confusion and anxiety. And until he met this guy who was the key to the truth. Will their se...
