COLLISION TWENTY SIX

19 5 0
                                    

Time flies so fast, parang kailan lang talaga pagkatapos nung performance namin ng I'm Not A Robot. It's actually December na kaya birth month ko na! One day before my freaking birthday at sinusulit ko na ang freaking time ko for myself mabuti na lang talaga at pinayagan ako ni Mommy. Awit! I am going to be an adult na! Shems!

Nagtataka din ako kung bakit wala talaga kahit isang salita na binanggit si Mommy sa akin para sa birthday ko bukas. I'm a little disappointed pero okay lang naman baka nakalimutan lang, sana maalala nila. Hehe.

"Sis! Pwede mo kong samahan?" Biglang sulpot ni Ate at mukhang nagmamadali pa siya.

"Where?" Ibinaba ko yung libro ko sa science at naghihintay ng sagot niya.

"Mall, kasi yung friend ko, magpapagawa ng dress niya, hindi siya makakasama sa akin dahil masakit ang ulo niya at yung dress kailangan na bukas. Kaya sayo ako nagpapasama kasi magkasing size kayo. Gora na, magbihis ka na" sabi sa akin ni Ate kaya eto naman ako mabilis na umakyat sa kwarto at nagbihis.

Sinuot ko yung loose shirt ko na may logo ng Netflix. Yeah, fan ako heheh sowey. Tas maong na blue shorts tas pinaresan ko ng white nike shoes. Kinuha ko na yung phone ko at sumakay na sa kotse. Si Ate kasi yung magdadrive.

So di naman nagtagal, nakarating kami sa wakas kaso dumiretso muna ako sa isang maliit na stall doon para bumili ng juice. Wala lang nauhaw ako bigla.

Sinundan ko si Ate doon sa isang boutique. Some kind of summer outfit ang design nung dress na ipinakita nila sa akin. Ghad this 21 na yung pag umpisa ng winter season tas ito ang naplanuhan nilang idadamit? Gosh di sila lalamigin nito? Ang strong huh?

So ayun nga, they measured my shoulders, waist, chest and even my hips. Sobrang nakakakapagtaka talaga sa napag isipan nilang design kapag iaaayon mo siya sa season pero i love the design simple lang siya pero may dating.

Nang makatapos na kami dito, naglibot lang kami ng kaunti tas umuwi na rin. Babalikan na lang daw nila ito bukas. Nag sip naman ako ng galaxy frappe ko bago ako pumasok ng kotse.

Bigla namang nag-vibrate yung phone ko, si Lucas nag text. I have to meet him kaya hinatid muna ako ni Ate sa lugar na kung saan kami magmememeet ni Lucas.

Maya maya pa'y nakarating na kami doon, si Lucas naghihintay doon sa waiting shed malapit sa isang school.

"Bye, Ate."

"Mag ingat kayo" paalam ni Ate at umalis na.

"Wow, your sister's beautiful, Lax." Sabi ni Lucas habang nakasunod ang mata kay sa kotse ni Ate.

"Yeah, I envy her so much." Sabi ko naman at ngumiti pa.

"But you're the most beautiful person I've ever known" sabi niya habanag nakatingin sa akin with sincerity.

"Masyado pang maaga para hunarot, Luc" asar ko naman at pinisil yung braso niya.

"I have to take you somewhere. Hop in"

Binigay niya sa akin yung helmet niya at isinuot ko naman. Sumakay na siya at sumunod naman ako at agad niyang pinaandar ang motor niya.

We took a long way para makarating doon sa lugar na nais akong dalhin ni Lucas. Medyo masakit na nga rin sa pwet eh, pero worth it naman dahil sobra akong namangha sa lugar na iyon.

"How did you find it?"

"My mom always brought me here"

Isang museum kasi na kung saan puno ng painting ng galaxies, solar systems at kung ano pa. Hindi ko rin mapigilang makilig sa harap ni Lucas.

Our Galactic Collision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon