COLLISON TWENTY FOUR

16 5 0
                                        

"...you have to follow no one but me" sambit ni Saros habang nakatitig sa akin habang nakangiti. "That's it! Hanggang dun palang nagawa ko."

Natulala lang ako sa kaniya dahil kahit papano ang galing din pala magdeliver ng piece itong hatdog na ito. May pakinabang din pala sa lipunan.

"Ayos na rin pala eh." Sabi ko naman sa kaniya.

I suddenly yawned kaya napatingin ako sa orasan ko. It's actually 1:55 am na at inaantok na ako. Iba kasi yung time zone dito sa Atlanta kesa sa Pilipinas. From 12 to 5 yung gabi dito eh.

Medyo memorize na rin namin ang mga dialgye na nagawa namin. Tas magfofocus lang kami sa interesting part ng story para madali naming ma-act siya bukas.

"Kailangan ko na atang umuwi." Sabi ko naman.

"Ihahatid na lang kita." Rinig kong sambit ni Saros habang kinukuha niya yung helmet mula sa dingding na nakasabit doon.

"Sure!" Sabi ko naman at kinuha sa kaniya yung isang helmet.

Inayos na niya yung motor nito tsaka sumakay na. Bago pa man ako makaangkas kay Saros ay napalingon naman ako sa nagsasalita. Lucas leaned at their front door habang nakapamulsa at nakasmile sa akin.

"You're going home? Ingat kayo"

Ngumiti naman ako sa kaniya at nagpasalamat saka ako umangkas kay Saros. Di pa man kami makalayo, kunaway na ako kay Lucas and he did the same.

Di naman nagtagal, nakalabas na kami ng Pueblo de Flores. Tumigil muna kami sandali sa malapit na drug store dito dahil may bibilhin daw siya na gamot para sa lola niya kasi baka pagbalik niya, sisirado niya kaya mas mabuting ngayon na lang.

Nandito lang ako sa labas naghihintay sa kaniya. Kakaunti na lang rin mga tao na gumagala dito. Malayo rin naman kasi sa city kaya eto.

I am expecting for Mom's messages pero wala pa rin kahit isa. Di kaya, alam niya?

I took out my phone to check kung meron, imbes na kay Mommy pangalan ang lumabas kay Ate kaya nireplyan ko naman siya.

[Ate Sky]: Where na you? Patulong sana ako magdesign ng journal. You know I can't copy your skills.

I was about to reply nung biglang may lumapit sa akin na lalaki na nakahoodie na black at tinakpan ng panyo yung bibig ko. Nagpanic naman ako dahil alam kong di magtatagal mawawalan ako ng malay.

Agad naman niya akong binitawan nung siniko siya ni Saros sa batok na kung saan nawalan siya ng malay. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko dahil sa takot at gulat.

"You okay?" Tanong sa akin ni Saros habang nakahawak sa pisngi ko pero agad namang inalis ito dahil nakaramdam ako ng kaunting jolt sa pagitan namin.

"Yeah, muntikan na akong mawalan ng malay dahil ang baho nung handkerchief nung lalaki. Dapat nilabhan niya muna" sabi ko naman.

"Pft" tatawa na sana si Saros kaso pinigilan niya. "This ain't funny, Astrid." Sabi pa niya.

Lumapit naman si Saros doon sa lalaki na nawalan ng malay. Nakita ko ang logo ng Harbor Space Center na nakatago sa likod ng tenga niya which obviously an earpods for communication.

"Shit!" Mahinang mura ni Saros at binitawan yung lalaki. "Come on let's go home" sabi pa ni Saros at nag umpisa nang paandar yung motor nang makasakay na kaming dalawa.

Pinaharurot niya yung motor para mabilis ang pagdating ko sa bahay. Hinintay niya talaga ako na makapasok sa loob ng bahay saka siya umalis.

Nagpaalam na ako sa kniya pero wala akong natanggap na kahit wave back sa kaniya. I took a deep sigh tsaka humiga sa kama. Hindi pa rin mawala wala sa dulo ng ilong ko ang amoy ng nilagay nila sa panyo na yun. Naghilamus na lang ako para maging fresh na rin ngayon gabi.

Our Galactic Collision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon