"Sir! I found this at Kramer's house!" Napalingon naman kami pagkatapos ng napakatahimik na atmospera dito sa space center.
Tumigil sa pagdikta si Julio sa mga hacker wanna-be niya at in-approach ang tauhan nitong may dalang laptop. Nakita ko pa si Mr. Kramer na nanlaki ang mga mata ng makita niya rin ang laptop niya doon.
Curious na binuksan ni Julio ang laptop nito pero natawa pa siya ng malaman na may password pa pala yung laptop ni Mr. Kramer. Sumunod naman ang pasipsip nitong tauhan at tumawa na rin dahil sa nerdy thingy ni Mr. Kramer.
"Kramer, you're really fun. What's the password?" Tanong nito kay Mr. Kramer saka kinuwelyuhan.
Tahimik lang si Mr. Kramer, hindi niya sinagot si Julio na ngayon ay naka smirk lang at parang inis na inis na kay Mr. Kramer. I can really sense their craziness lalo na si Julio. Ba't parang naging ganiyan na yan.
"Are you gonna tell me or nah?" Sabi niya saka he snapped his fingers.
Lumapit naman yung isang tauhan niya sa akin na may dalang tablet. I don't know what's he gonna do to me. Nakaramdam naman ako ng biglang pagtusok sa likod ko. Pakiramdam ko parang mawawalan ako ng malay dahil sa malakas na ground na dumaloy sa buong katawan ko.
"Don't h-hurt her please." Pagmamakaawa ni Mr. Kramer kay Julio.
"So, tell me the password" sabi pa niya saka pinaharap kay Mr. Kramer yung laptop nito.
"An inflated version of silicosis, this is the full scientific name for a disease that causes inflammation in the lungs owing to the inhalation of very fine silica dust." Sabi ni Mr. Kramer.
Natulala naman ako pati na rin yung apat na magkapatid sa sinabi ni Mr. Kramer. Teka, yun ba talaga yung password o yung description nung password niya? Seryoso?
"You're wasting my time, Kramer. Tell me the password directly" sabi pa ni Julio. Inis na inis na siya kanina pa. Tumawa naman si Mr. Kramer sa kaniya.
"I really thought your smart. Why you can't answer this simple description?" Asar pa ni Mr. Kramer kaya nakatanggap ito ng malakas na suntok mula kay Julio.
Pinahid naman niya ang gilid ng labi niya na ngayon ay dumugo na. Inayos pa niya ang salamin nito bago magsalita kay Julio.
"Damn, Julio. Such a dumbass. Untie me and I open that fucking laptop" sabi ni Mr. Kramer habang natatawa na dahil sa kabobohan ni Julio.
Sumenyas naman si Julio sa mga tauhan nito na i-untie siya mula sa pagkakagapos. Kita ko rin ang namumula nitong mga wrists niya. Kinuha niya kay Julio ang laptop at binuksan na niya ito.
Agad namang sinaksak ito ng mga hacker ni Julio yung laptop sa malaking screen at hinalungkat nilang lahat yung mga laman ng laptop. Medyo nabobo lang ako sa part na dapat ni-hack na lang nila laptop ni Mr. Kramer hindi yung tinanong pa. Sarap talaga panghambalusin ng mga ito. Mga matalino ba talaga ito?
Actually, mas matalino pa yung mga scientist kesa sa mga hacker kaya. Siyempre kapag isa ka ring mamaw sa technology. Naalala ko tuloy yung pinanood kong I'm Not A Robot. Yung naglaban yung mga scientist at hacker sa pag steal ng information at mga data ni Aji 3. Grabe nanindig balahibo ko dun. Ang astig talaga nila.
Biglang nagflash doon sa malaking screen yung paghack ko ng website ni Mr. Kramer. Agad namang natawa yung mga tao dito ng malaman nilang nag oonline selling di Mr. Kramer.
"Damn, Kramer, what's with the lotion, beauty products?" Kahit ako rin gustong matawa kaso napag isip ko rin na dito lang kumikita ng extra income si Mr. Kramer kaya medyo masakit rin dahil insulto na sila talaga kay Mr. Kramer.
BINABASA MO ANG
Our Galactic Collision
FantasíaAstrid, a pesky student who love trolling. But with this simple trolling costs her anything and drives into unexplained situation which causes her too much confusion and anxiety. And until he met this guy who was the key to the truth. Will their se...
