Now, we're heading to the nearest Starbucks, itetreat kami ni Ms. Dylan at Mr. Kramer for the active participation at dahil sa hindi daw sila nahihirapan sa amin. Pft. Wao, mukhang bumait pa lalo si Mr. Kramer ngayon ah?
Pumasok kami sa loob at naghanap kami ng magiging pwesto namin. I choose to sit right behind the window para kasi kitang kita mo ang kaganapan sa labas. Pumayag naman sila sa naging suhestyon ko.
Umupo naman sa tabi ko si Saros pero umusod ako ng kaunti. Para kasing awkward lang ng feeling pagkatapos ng nangyari kanina. Tsaka nakakapagtaka na rin bakit kilala niya agad ako ni unang kita palang namin ay nagka argumento pa kami. This guy seems pretty weird.
"What would you like to order?" Rinig kong tanong ni Mr. Kramer mula sa likod namin.
"Hibiscus tea with pomegranate, Sir" order ni Maria. Yung isa sa mga students na sa Science Debate nakasali.
"Java chip Frappuccino" sabi naman ni Harry. Yung president ng Science Club.
"Strawberry Açai Lemonade" order naman ni Ms. Dylan.
"Caramel Apple Spice" order ni Felicia. Yung kasama nina Harry sa Science Debate.
"Galaxy Frappe" order ko naman.
Tumahimik naman bigla dahil hindi nakasagot agad si Saros sa tanong niya. Lahat kami napatingin sa kaniya ag hinihintay ang magiging sagot niya. Ano ba kasi nakatitig lang sa phone niya at tamang scroll lang.
"Arch?" Rinig kong tawag ni Maria sa kaniya. Kaya napabaling ito kay Maria.
"Vanilla Sweet Cream Cold Brew, please" order niya kaya tumango na lamang si Mr. Kramer sa kaniya.
"Any of you likes to eat sandwich?" Tanong naman ni Ms. Dylan sa amin.
"Two Crispy grilled cheese please!" Order ni Harry. "Maybe we just share it, the three of us" dugtong pa niya at tumango naman si Ms. Dylan.
"I want Chicken Crapese" sabi ko naman at ngumiti si Ms. Dylan.
"Mr. Montecillo? Do you want to order too?"
"No, I'm good I can share with Astrid" sabi pa niya at ngumiti. Nanlaki naman ang mata ko sa naging sagot ni Saros.
"I would never share that to you!" Okay! Ako na selfish! Bat kasi di na lang nag order siya nung sa kaniya?
"Kaunti lang naman, I want to taste it!" Bulong naman niya saka ngumiti. Why does he like to smile?
Umiling na lang ako dahil sa kapilyuhan niya. Itinuon ko na lang pansin ko sa librong hawak ko at pilit na inintindi ang iba pang mga topic na pina assign sa amin ni Ms. Dylan. Pero mukhang di talaga keri ng powers ko kaya isinarado ko na lang at tumingin sa kawalan.
"Oi!" Napabaling naman ako kay Saros ng kinalabit niya ako.
"Oh?"
"Usap tayo! Nakakasawa na talaga mag english. Mabuti na lang talaga, pinay ka at nakilala kita kaya para na rin may kausap ako" sabi niya.
"So dapat pala di na lang tayo nagkakilala no? Kasi ayos lang naman kausap mga kano kesa sa pinoy na nangingulit naman at nakakainis" prangka ko sa kaniya.
"Anong gagawin ko para naman in good terms na tayo? I want a Filipino friend!" Natawa naman ako ng magpuppy eyes siya sa akin.
"Maraming pinay dito, sila na lang kaibiganin mo." Masungit kong sagot sa kaniya.
Hayst, ewan ko ba napaka bad mood ko lang talaga ngayon. Kung ano ano na lamang lumalabas sa bibig ko dahil sa kaluntangan ko.
"But you're the closest one" sabi pa niya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Our Galactic Collision
FantasyAstrid, a pesky student who love trolling. But with this simple trolling costs her anything and drives into unexplained situation which causes her too much confusion and anxiety. And until he met this guy who was the key to the truth. Will their se...
