COLLISION FIFTEEN

37 8 0
                                    

And yun na nga, First Place yung North Atlanta sa quiz, pumapangalawa sa amin yung The Westminster at pumapangatlo yung Da Vinci. Nakakaproud lang talaga. Then sa debate, yun nga, first yung The Westminster at pumapangalawa kami, that's okay bumawi naman kami sa quiz. We brought home the bacon!

Still nandito pa rin kaming lima sa auditorium at kinukuhaan kami ni Courtney ng pictures kasi siya yung naassign na sa documentary.

"Congratulations, North Atlanta!" Napatingin naman kami sa dako and it was Mr. Gonzales and as expected, yung expression nila Mr. Kramer at Ms. Dylan nag iba na sa kaninang nakangiti at sobrang proud dahil sa napanalunan namin at eto namang si ako, masyadong mahilig mag observe ng mga tao, nilamon ulit ako ng kuryusidad ko.

"Thank you, Mr. Gonzales" bati naman naming apat, except sa kanilang tatlo.

"Saros, hijo. You and Ms. Warner did a great job! Well, I would be very pleasure if you will accept my humble invitation to a dinner?" Malumanay nitong sambit sa amin kaya di naman namin mapigilang mapangiti apat.

"Apologies, Mr. Gonzales but we have other students to handle and should be bring back home. Maybe some other time, thank you for the invitation" sabi naman ni Mr. Kramer. We sighed because of what we heard.

"I can handle them, Mr. Kramer. I just want to talk with these students you had and we could discuss about their excellency." Sabi pa niya kaya napahilamos naman si Mr. Kramer sa inis.

"Please Mr. Kramer!" Push naman sa kaniya nila Maria. Eh?

Si Ms. Dylan naman at Saros nanatiling tahimik lang. Napatingin naman ako kay Mr. Gonzales na nakahalf smile sa akin.

Taena, pakiramdam ko may crush ata 'tong si Mr. Gonzales sa akin. Magkakaroon na ata ako ng sugar daddy nang maaga nito, magkakapera na ako at di na ako hihingi pa kila mommy at daddy ng allowance. I know na maganda naman ako in my own way that's why kanina pa ito tumitingin sa akin at tsaka sino namang maniniwala sa feelingerang chismosa ng North Atlanta na tulad ko no?

"Okay! Promise me you would take the students at their home safely!" Banta sa kaniya ni Mr. Kramer kaya tumango naman itong si Mr. Gonzales sa kaniya na may ngiti.

"Dígale a Omar que lleve a los estudiantes a casa de manera segura. Listo el bus." Sabi nito kay Travis. (Tell Omar to bring the students home safely. ready the bus)

Tumango naman si Travis at umalis na. Binalik naman niya ang tingin niya sa amin at binigyan ng ngiti. Actually, first impression ko kay Mr. Gonzales ay kuya lang ni Saros kasi the way na mag ayos siya parang binata, I admit na gwapo talaga siya but then, no, he's Saros' stepfather and he's 55 years old. Grabe noh? Di talaga halata.

He leads the way at dinala kami sa malaki niyang tahanan na katabi lang nitong Space Center. Shems! Bat ang ganda ng bahay nila Saros?

"Son, will you take the pleasure to guide them inside? I have something to do. Excuse me" sabi niya saka nauna munang pumasok pero sa kabila siya dumaan hindi sa front door.

Binuksan naman ni Saros ang front door at maingat na pumasok kami sa loob. Umupo naman sila Maria, Harry at Felicia doon. Ako naman sumunod naman sa kanila at nagmasid masid sa loob. Ang linis talaga at ang gara ng sala nila!

Napatingin naman ako sa kanilang tatlo at parang may pinag aawayan sila. Si Ms. Dylan mukhang stress na stress na kanina pa. Di ko na lang sila pinansin at kinuha ko yung phone ko. Checking my instagram again and ghost town pa rin. Ang tahimik.

Kaya in-off ko na lang phone ko at naghintay ng grasya. Maya maya pa'y pumasok si Saros at umakyat habang nagkasalubong ang kilay. Ano ba talaga problema nila?

Our Galactic Collision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon