Ilang minuto na lang at magsisimula na ang presentation namin. Nandito kami ngayon sa backstage at nag aayos na kami. Fully dressed na ako pati makeup, nakasuot muna ako sa ngayon ng shorts tapos jacket at t shirt lang sa loob tas naka sneaker at may helmet katulad sa unang scene na nagkita si Ji-ah at Director Kim.
Natapos na nga rin namin ni Saros yung piece kanina lang at alam na namin ang ending namin. Hayst, siyempre, huy maghahug lang kami masyado naman atang hindi pa pwede yung kiss dito noh?
Teka, hindi nga ba? Kasi sa tuwing dadaanan ako sa kabilang gate, may mga couples na naghhaharutan at iba pa nga naglalaplapan at parang ayos lang ata sa kanila yung mga ganito. Ah basta para sa amin ni Saros, awkward yung ganun. Hindi talaga namin gagawin, lalo na't ipinagbabawal pa yun sa amin.
At sana talaga, kakalma lang itong puso ko para hindi masisira ang show namin.
"Ayos ka lang, Asteng? Mukhang wala ka sa mood ngayon?" Tanong ni Saros habang dala nito ang payong para mamaya.
"Huh? Talaga ba? Ayos lng ako, huwag kng mag aalala" sabi ko naman at ibinalik ang tingin sa madla.
Ang daming tao, grabe. Sana talaga maging normal lang ang lahat mamaya. Ni check ko naman yung vision ko at na-scan na niya yung words doon sa piece ko. Ayos lang.
"Look at this, Asteng"
Lumingon naman ako kay Lucas, binuksan niya yung payong at pinindot niya yung power button doon at naging transparent siya katulad nung inimbento ni Ji-ah sa palabas na yun.
"Hala, hindi ko akalain nag eexist pala yan. Akala ko sa I'm Not A Robot lang talaga nag eexist yun hahaha. Ang cute"
Nakarinig din ako ng mangha mula sa ibang estudyante dito. Agad niyang inilahad sa akin ang payong dahil sa akin ang unang kamay nito.
"Sinong gumawa nito?" Tanong ko na may kasamang pagmangha.
"Dr. Martin, well, I asked him a favor to make one of this. Actually matagal na ito kasi si Ate Sunny masyadong adik sa series na iyon. Nakita mo naman ata kung pano kiligin yun kanina." Sabi pa niya.
"Aw! Kaya pala. Wao!" Sabi ko naman.
Nang matapos na ang announcement doon sa stage, agad namang nagsipasukan yung mga propsmen.
Naunang pumasok si Saros para sa kaniyang introduction ng pinportray niya.
Sumunod naman ako para ipakilala at i-act rin ang mga kaganapan sa buhay ni Jo Ji-ah.
Pumwesto na siya sa parang sasakyan niya kuno at ako naman dala yung box ng isang figurine habang papunta sa saksakyan ni Director Kim para ibigay itong figurine na ipinapabili niya.
"Give me the money! I stayed up all night there to reserved my place in queue"
"You let it stained during your transaction and this is unacceptable"
"That's unfair! I need the half, you nasty jerk—hey!"
Di ko man lang napatapos ang dialogue ko ng naunang umalis si Saros doon. Medyo natuwa lang ako deep inside dahil sa epic na pagtakbo nila sa sasakyan. Shems!
I just realized na sobrang nakaka enjoy pala mag acting. Ngayon ko lang talaga naexperienced to. Pero ewan ko lang talaga kung ano magiging impression nung mga audience sa acting skills.
Sa next scene naman namin, bumalik akong backstage para magpalit ng costume ni Aji 3. Mabuti na lng at madali lang isuot. Nilugay ko na yung buhok ko na may extension at inayos lang ng kaunti at nilagyan nila ako ng kaunting makeup tas pumasok na kagad sa parang box doon.
BINABASA MO ANG
Our Galactic Collision
FantasyAstrid, a pesky student who love trolling. But with this simple trolling costs her anything and drives into unexplained situation which causes her too much confusion and anxiety. And until he met this guy who was the key to the truth. Will their se...
