Prologue

2.1K 231 74
                                    

Daming nangyari sa nagdaang buwan. I can't believe that I'm enjoying the journey plus the music I am listening, except the  fact that my classmates are so noisy. Seryoso, hindi ba sila nawawalan ng pag-uusapan?

Inilibot ko ang tingin paligid. May natutulog, may nagdadaldalan, may naglalaro ng Mobile Legends, may nagt-trashtalk-an, may sumasayaw, may nagj-jamming, may tahimik lang na nagbabasa ng libro at nakikinig sa musika. May kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan ang lahat. Mayroon ding nagsasagot ng kung ano sa tabi ko. Aral na aral ang isang ito.

"Hindi ka pa tapos, Les?" tanong ko.

"Hindi pa. Hindi ko makuha kung paano ito." She handed me the book. "Sagutan mo nga."

"Ilang oras ka na diyan, akin na nga."

It's been 2 months since the second semester started. Hindi pa pumapasok lahat ng prof namin, kaya uuwi na sana ako agad kahit may night class kami.

Dalawang bagay lang ang pagpipilian mo sa college, tulog nang tulog o wala talagang tulog. Minsan, napapaisip ako kung saan kumukuha ng energy ang mga kaklase ko para maglakwatsa. Sa pag-aaral pa lang, para na akong mauubos, eh. Hindi talaga madali ang engineering. Minsan iniisip ko kung mali ba ako ng desisyon sa buhay o ano.

"Papasok ka, Belle?" tanong ni Les.

"Hindi. Baka wala na naman si Sir."

"Baka dumating?"

Nagkibit-balikat na lang ako. Ubos na ang lakas ko para sa night class. Bombahin man daw ba kami ng napakaraming term papers sa isang minor subject. Hindi ko alam pero ang lakas ng tama ng mga prof namin sa minors. Parang nant-trip at gusto yatang patunayan na hindi lang iyon basta subject. Hindi ko maintindihan kung bakit kating-kati sila mambagsak ng estudyante, eh, hindi ba sa kanila rin ang balik noon?

"Uwi na tayo. Pustahan wala na naman 'yon," yaya ni Arnold.

I smirked. I knew it. Hindi lang ako ang bad influence dito.

"Balitaan niyo na lang kami," si Jes.

Nakalayo na ako nang mabalitaang pumasok ang prof. Bahala na nga. Panigurado namang orientation pa lang. Bakit ba kasi ngayon lang siya pumasok? Malapit na midterms. Maghahabol na naman kami panigurado, pero hindi na bago iyon. Lagi namang ganoon ang nangyayari.

Hindi talaga pwedeng mahina ang loob dito. Magbubuhat ka ng sarili mong bagahe para makaraos ka. Hindi na uso ang pagbubulakbol at pagiging palaasa. Kawawa ka naman kung hanggang kolehiyo, hindi ka pa rin natututong mag-isa.

Bumabyahe ako araw-araw ng more or less two hours. Nahahapo ako sa school kaya umuuwi agad ako. Pangarap ko naman ito noon kaso hindi pala masaya. Ang lakas maka-pangit ng usok sa Manila. Dumadami ang pimples ng mga estudyante, dahil sa pinaghalong polusyon at stress mula sa pag-aaral. Nakakapagtaka talaga ang mga estudyanteng may clear skin, paborito ka bang anak ni Aphrodite?

"As an Engineering student, dapat ay alam niyo ito," sabi ng prof namin sa Chemistry. "Lalo na 'yong mga madadaldal sa likod diyan. Ang bababa naman ng score sa exam."

Ewan ko ba? Ang hirap lang talagang ipasa ng Chem. Puro delta H, delta G keme. Ang sakit sa ulo. Bakit ba kasi ako nag-Engineering? Ang hirap sumabay sa klase lalo na't hindi inclined ang kurso ko sa kinuha kong strand noong Senior High School.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon