Chapter 08

502 147 27
                                    

"Ma, na-deliver ko na 'yong ibang orders," sabi ko kay mama sabay salampak sa sofa.

Kagagaling ko lang sa kabilang kanto para maghatid ng orders. Nakakapagod palang maghanap ng bahay kapag hindi mo kabisado ang lugar. Sabayan pa ng nakakapasong init ng araw. Gusto ko na mag-swimming kaso busy kaming lahat.

Mas malaki ang bahay namin dito sa Bulacan. Ang bake shop naman ay nasa kanto lang. Hindi kalakihan pero pwede na. Glass ang ibang bahagi at naka-centralized aircon din. Pagpasok mo sa loob, maaamoy mo ang masasarap na tinapay. Nakakagutom.

"Mag-merienda ka muna. Kainin mo itong paborito mo." Naglapag siya ng isang slice ng triple chocolate cake na gawa niya mismo. "Ang bilis nga mag-update noong taga-kabilang street. Masarap daw at irerekomenda niya sa mga kaibigan."

Ang bilis lumaki ng business. Nagdagdag na rin si mama ng dalawa pang baker. Ang dami kasing orders. Sinisiguro naman ni mama na nasusunod ang recipe niya. Hindi pwedeng mabago dahil perfectionist siya.

"Sulitin mo na ang weekends. Magpahinga ka. Sobrang haggard mo na," tukso ko.

"Maganda pa rin naman ako kahit anong mangyari," sabay irap niya. The audacity. "Kumain ka na lang diyan, check ko lang 'yong shop."

Simula noong matapos ang unang taon ko sa college, dito na ako namalagi sa Bulacan. Tumutulong ako sa shop kapag hapon. But most of the time, nasa loob lang ako ng bahay. Wala naman akong friends dito kaya hindi ako makagala.

Nagc-check ako ng updates sa page ng shop nang umilaw ang phone ko.

From Lesliana:

Kumpleto na mga grades. Baka gusto mong silipin.

Hindi ko kasi tinitingnan hangga't hindi kumpleto. Natatakot akong baka may bagsak ako. Hindi ko mae-enjoy ang bakasyon kung iyon ang laman ng  isip ko. At kung sakaling sumabit man ako, at least, isang bagsakan na lang.

"Hello, girl. Kamusta?" bungad niya nang sagutin ang phone.

"Ayos lang. Kamusta ang grades? PL pa rin?"

"Oo," nahihiyang sabi niya. Humble to,  eh. "Ikaw? Kailan mo bubuksan? Baka may bagsak ka, enrollment na ng mga may summer class ngayon."

Kinabahan ako bigla. Paano kaya kung may bagsak ako? Naku, sana naman wala. Kahit tres lang!

"Check ko na nga ngayon!" natataranta kong sabi.

"Okay, bye!" natatawa niyang sabi bago pinutol ang linya.

Inhale. Exhale. Relax. Hindi pa naman ako sigurado kung bagsak talaga pero kinakabahan na agad ako. Nakakatakot bumagsak. Nakakawala ng gana. Nakakahiya kay mama at papa.

"OMG!" sigaw ko nang makita ang grades. Agad kong tinawagan ulit si Les. "Les!"

"Oh, ano? Kamusta? Pasado ba?" sunud-sunod na tanong niya na para bang kinakabahan din siya para sa akin. "Hoy, ano na?" tanong niya ulit nang hindi ako magsalita agad.

"Pasang-awa," disappointed kong sabi.

I got tres. Close to failure. Medyo masakit pero ayos na rin kaysa sa hindi pasado. Pero masakit pa rin! Hindi pa ako nakakakuha ng ganito buong buhay ko. Ngayon pa lang.

"Iyan naman ang hiniling mo, ah?" biro niya, trying to light up the mood. "But at least, pasado! Ayos lang 'yan!"

Ang babaw naman ng luha ko. Ang saklap naman kasi talaga. Never akong nakakuha ng ganiyang grade noong elementary hanggang high school. Nakakahiya!

"Oh, nakasambakol 'yang mukha mo?" tanong ni mama habang nag-aayos ng pagkain sa lamesa.

Tumulong na lang ako sa ginagawa niya. "Wala."

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon