Mabilis lang ang panahon kapag naghahabol ka sa oras. Kaya hindi dapat sinasayang ang bawat segundo. Mahalaga ang bawat galaw ng orasan. Kapag may oportunidad, kunin mo na agad.
"Enrolled na ako," maligayang balita ni ate pagpasok niya sa bahay. "Business Administration ang kinuha kong kurso."
Napangiti na lang kami ni James. Pagkarating namin sa Manila noong isang araw, agad siyang nag-inquire sa school malapit dito. Nakapasa siya sa exam at dahil free tuition, wala siyang babayaran. Sagot naman nila mama ang allowance niya every month.
"At dahil diyan, kakain tayo sa labas," sabi ko sa kanila. "Bili na rin tayo ng gamit ni James dahil may pasok na siya sa Lunes."
Agad namang nagsikilos ang dalawa. May pasok na kami ng kapatid ko next week, kaya dapat enjoy-in namin 'to. Kapag nag-umpisa na ang summer class ko, diretso na iyong hanggang Agosto.
Namili kami ng mga notebooks, pens and some stuffs na kailangan ni James sa school. Naghanap na rin ako ng stationaries. Naglibot kami para sa mga posible pa naming mabili.
"Saan niyo gusto kumain?" tanong ko habang tumitingin ng mga stationary.
Ubos na ang stock ko kaya kailangan ko nang bumili. Baka magtampo na ang journal ko kasi hindi ko nagagawan ng bagong pakulo.
"Coffee Avenue," sagot ni James. "Malapit lang dito 'yon."
Aba, gala pala ang isang 'to? Akala ko ako lang ang nakakaalam noon.
"Nakapunta ka na?" walang gana kong tanong.
Baka mapuna niya na interesado ako, baka hindi niya sagutin. Masikreto pa naman ang batang iyan.
"Oo," sabi niya habang busy sa pagkalkal ng kung ano sa shelf.
"Sinong kasama mo?"
"Si Chelsea."
Huli kang bata ka!
"Chelsea," I echoed.
Napatingin siya sa akin at sumimangot. Inis siyang naglakad papunta sa counter. Natatawa naman kaming sumunod ni ate Linda sa kaniya.
"Chelsea pala, James, ah," tukso nito habang nakapila kami.
Hindi niya kami pinansin pero sige pa rin kami nang sige sa pang-aasar. Para kaming bata ni ate Linda habang nakasunod sa kaniya.
"Iyong ka-chat mo lagi?" usisa ko.
"Pinagsasabi mo?" nakasimangot niyang tanong.
"Akala mo hindi ko nakikita."
Grade 8 pa lang pero may nabasa akong ligaw-ligaw. I wasn't invading his privacy. Kung saan-saan niya lang talaga inilalapag ang phone niya. Natural, curious ako kaya tiningnan ko.
"'Wag na nga tayo roon!" napipikong sabi niya. "Sa iba na lang tayo kumain."
"Ay, bakit lilipat?" tanong ko. "Guilty ka, boy?"
Kinulit namin siya nang kinulit hanggang sa makarating kami sa Coffee Avenue. Tumigil lang kami noong nasa loob na kami. Puwesto kami sa pantatluhang lamesa sa tabi ng glass wall. Natatanaw ko ang mga lumalabas at pumapasok sa coffee shop, dahil nakaharap ako bandang pinto.
Nilapitan kami ng staff at nagbigay ng menu. We examined the food written in a black stylish board as we chose our order. Ang dami kong gustong kainin kaso gabi na rin. Baka sumakit ang tiyan ko.
"Carbonarra with buttered garlic bread and Belgian hot chocolate," sabi ko sa waiter. "Bit toasted ang bread. Thanks."
Umalis na ang waiter pagkatapos namin ibigay ang orders. Nagkakalikot lang sila ng mga phone samantalang ako, nakatanaw lang sa labas.
BINABASA MO ANG
Glimmer of Hope
RomanceEngineering Series #1 Si Belle, isang ordinaryong kolehiyala. Tanging nais niya lang ay umuwi pagkatapos mag-aral. Hindi niya talaga gusto ang kursong kinuha niya, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian pa. Until one day, nakilala niya ang professo...