"Guys, papasok si Sir Cy ngayon kaya maghintay tayo," Eric announced. "Wala munang uuwi.
Buti naman kung ganoon. Ang hirap kaya ng subject niya tapos wala siya lagi. Para kaming nangangapa sa dilim. Saka kahit naman wala siya, naghihintay pa rin kami.
"Belle, tara na. Sa apartment na tayo mag-lunch tsaka mag-aayos pa tayo ng gamit," aya ni Les.
"Daan muna tayo sa grocery. Wala pa tayong stocks. Ayaw kong magutom."
Napag-usapan na rin namin na hati kami sa mga gastusin. Nagkasundo na kami sa lahat. Pinaghandaan talaga namin ito.
Isang maleta lang ang dala ko kanina. Hinatid ako ni papa dahil hindi ko kayang ibyahe 'yon dahil sa bigat. Lilipat na kasi kami sa Bulacan at matitira sa Manila iyong kapatid ko dahil doon siya nag-aaral malapit sa amin. Uuwi na lang din siya kapag weekends. Lilipat na rin siya ng school sa Bulacan after graduation.
"'Wag mo kalimutang may lakad tayo sa Thursday. Umuwi ka after class," sabi ni mama. "Kumain ka nang mabuti. 'Wag tipirin ang sarili. Mag-aral ka. Iwasan ang paglalakwatsa. Maglinis ka ng apartment–"
"Ma, nasabi mo na 'yan sa 'kin, eh."
Paulit-ulit si mama. As if namang matagal akong mawawala. Uuwi naman ako every week. Pwede rin naman nila akong bisitahin dahil nasa Bulacan lang naman sila.
"Ma, pwede bang 'wag na lang ako sumama sa Batangas?" paalam ko. "May Chemistry kasi kami sa Friday, eh, hanggang Saturday 'yong sa Batangas. Tagilid kasi ako sa subject na 'yon, eh."
"Hindi pwede. Minsan lang naman 'yon. Okay lang naman kahit pasado lang–"
"Baka nga hindi ako pumasa roon, eh."
Totoo naman. Wala pa sa kalahati ang score ko, eh. Ayaw kong mag-remedial.
"Alam kong kaya mo."
Iyon lang at umalis na siya. Gano'n kalaki ang tiwala niya sa akin kaya ayaw kong sirain. Magdodoble na lang siguro ako ng oras sa pag-aaral.
"Alam kong mahilig ka sa itlog kaya bibili tayo nang marami," sabi ni Les.
"Ibang itlog na ang gusto ko ngayon."
"Hoy, 'wag ka maingay! Nakakahiya ka!"
Napairap na lang ako. Ang sarap niya lang ibilad sa arawan. Ang puti niya, sobra. Napakalayo sa kulay ko. Kapag magkatabi kami, para kaming milk and chocolate.
Bumili na rin kami ng toiletries, noodles, canned goods, dairies, bread, spreads, frozen and processed goods na napakarami.
"Ang dami naman niyan! Seryoso ka?" nagtataka kong tanong.
Binawasan ko na lang dahil baka magkasakit kami sa ginagawa niya. Dumaan kami sa vegetable section, dahil mahilig din siya sa gulay.
Sumalampak ako sa sofa pag-uwi. Ang bigat ng bitbit namin tapos naglakad lang kami.
"For you," nakangiti niyang sabi sabay abot ng paper bag.
"Para saan?" nagtataka kong tanong. "Hindi ko naman birthday. Tapos na rin Valentines."
"Thank you gift," simpleng sagot niya habang inaayos na ang mga foods sa cabinet. "Sinamahan mo kasi ako sa apartment kahit taga-Manila ka lang naman."
"I told you, wala nang tao sa bahay. My family will live in Bulacan for good."
"Congrats sa bake shop!"
"Thanks! Magdadala ako ng dream cake next week."
May tinayo kasi sila papa na bake shop sa Bulacan kaya doon na rin sila mamamalagi. Sa sobrang hilig ni mama mag-bake, in-offer-an siya ng kaibigan ni papa na si tita Donna— na magtayo ng negosyo. My papa was a driver and mama was a teacher. Iniwan na ni mama ang pagtuturo dahil sa bake shop. Ganoon din si papa. Hands-on sila ngayon sa negosyo. Ang kapatid kong si James ay naiwan sa bahay namin sa Manila kasama isa naming kasambahay. Sa Bulacan na rin siya mag-aaral next school year.
BINABASA MO ANG
Glimmer of Hope
RomanceEngineering Series #1 Si Belle, isang ordinaryong kolehiyala. Tanging nais niya lang ay umuwi pagkatapos mag-aral. Hindi niya talaga gusto ang kursong kinuha niya, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian pa. Until one day, nakilala niya ang professo...