Chapter 05

595 157 31
                                    

As expected, bumuhos ang sangkatutak na gawain. Kabi-kabilaan ang mga exams at activities. Jam-packed ang araw na ito dahil tatlong sunod-sunod na subjects ang mayroon kami at lahat ay may exam. Two weeks na lang, matatapos na kami. Kaunting pasensya pa!

"Nasagutan mo 'yong sa torque?" tanong ni Les nang makalabas kami.

"Oo pero hindi ako sure sa sagot. Medyo nalito ako kung paano kunin."

Grabe kaya ang reference ni Sir sa Physics. Civil Engineering board reviewer. Feeling ko nga makakapasa na kami sa board, eh. Ang hirap ng mga pinagagawa niya. Buti kinakaya pa ng utak ko.

"Nakalimutan ko kung paano gawin 'yon," si Callie habang naglalakad papunta sa amin. "Pero may sagot ako. Sana tama."

"Ikaw, Joy?" tanong ni Les pero nagkibit-balikat lang siya. "Ang gulo ng illustration."

"You checked your paper, right?"

"Oh, not sure."

"Baka namali ka na naman ng sulat tapos habulin mo na naman si Sir," natatawa kong sabi.

Nag-quiz kasi kami at mali siya ng sulat. Imbes na 10 ay 20 ang nailagay niya. Ewan ko ba rito kay Les. Malinaw naman ang mata.

"Kakain ba kayo, Callie?" tanong ni Les. "Nagbaon na kami ni Belle ng sandwich dahil siksik ang sched ngayon."

Kapag alam naming walang panahon kumain, naghahanda kami ng kahit ano. Buti na lang din, hindi kami gipit sa pagkain sa apartment.

"Mamaya na lang after ng CAD," sabi niya.

"Mamaya pa 'yong alas singko, eh," reklamo ni Joy kaya ang ending ay bumili na rin sila.

"Lesliana, ano nga ulit 'yon? Suc– what?" nalilito kong tanong.

Nagre-review kami sa PurCom. Kailangan ko ring bumawi rito dahil late akong nagpasa ng activity. Sa sobrang pagod ko, natulog agad ako nang hindi nagpapasa. Nakalimutan kong may ganoon pala. Napaka-ulyanin ko rin talaga minsan. Nabobobo na yata ako.

"Succinct," she simply said.

Everyone's minding their own business. May iba namang nagtatanungan at 'yong iba ay naglalaro lang ng ML sa gilid. Paano kaya nila nagagawa 'yon?

"Elaborate-Succinct..." pagr-recite ko.

Nagbasa pa ako ng isa pang round dahil ayaw kong may makalimutan ako. No room for errors today! Ayos naman ang recitations and activities ko kaso iyong activity talaga. Bakit kasi kailangan pang i-post sa Facebook? Hays.

"Let's start," Sir said as he entered the room.

Wala man lang pasintabi. Mukhang madugo ito. Ang pinakamadaling exam rito sa school ay iyong entrance exam. Ang hirap lang talaga lahat. Para bang sinusulit ng mga prof ang free tuition namin, kaya dinadarang kami sa apoy para malaman kung sinong peke sa hindi.

"Get one and pass. Fix your eyes on the paper. Ang mahuhuli kong lumingon, 'matik na. Zero sa final exam. You only have an hour to finish my exam. After that, you can leave the room. Goodluck," dire-diretso niyang sabi.

Nagsimulang magpawis ang noo ko sa nakita. OMG, 100 items! Wala man lang choices. No mercy.

Maayos ko namang nasagutan ang first two pages, kaya lang, napakahirap ng pangatlong page. Bakit may foreign language dito? Tsk. Kahit anong review ko, may nakalimutan pa rin ako. Hindi naman kasi ito pinagtuunan ni Sir ng pansin.

I skipped the page and aced the essay part. I know I can do better kapag essay. Ito naman talaga ang forte ko. Binalikan ko ang third page at sinagutan hanggang sa maubos ang oras.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon