"Stop staring!" saway ko.
"Ano?" maang-maangan niyang tanong. "Natutusok ka ba kapag tinititigan ka?"
Natawa ang mga nakarinig. Kung anong uri ng boyfriend si Ricci, kayo na ang humusga.
"Ganda mo kasi, Ma'am, eh. Nahuhumaling lalo si Sir," komento ng baklang nags-spray ng kung ano sa mukha ko. "Grabe, stunning ka po!"
I smiled at him. Tumayo ako, umikot sa harap ng salamin at nag-project ng mga pose. Kumikinang ang red long gown ko kapag natatamaan ng ilaw. My face is made up with smoky eyes and nude lips. Nagpaikli ako ng buhok kanina at c-in-url nila ito nang malalaki.
"Sir, anong masasabi mo?" nakangiting baling ng bakla kay Ricci.
"You're so magnificent," seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.
"Ang corny mo!"
"I love you."
"I love you more."
Natawa ako nang magtilian ang mga tao sa parlor. He is drop-dead gorgeous right in front of me, wearing his red polo within the black tux. His hair is brushed up—effortlesly handsome. I can't breath!
"Let's go? Ang bagal mo maglakad."
I pouted. "I'm wearing heels kaya."
He offered me his left arm, so I hooked my hand. We caught everyone's attention as we gracefully walked towards the door.
The Lacson's threw a party at their mansion. They invited the Torres clan and the engineers behind their property, probably, to clean the company's name.
Maaga kaming pumunta, dahil nakakahiya naman kung late kami. Upon arriving at the place, I immediately saw Mitch and Andrew, giggling about something. Nang makita kami, agad ding silang umayos.
"You look so gorgeous, Belle Amethyst!" she praised.
I smiled. "The model is praising the commoner, huh."
We both laughed while sashaying our way inside. I saw lots of big names chatting around. May mga artista, politiko, tycoon at media. Napapangiti ako sa mga tao kahit hindi ko naman sila kilala. Pakiramdam ko nga, mauubos ang enerhiya ko kangingiti. Mabuti na lang, agad naming nahanap ang aming mga upuan sa bandang unahan.
"Nakakapagod ngumiti," reklamo ko.
"Sino ba kasi nagsabing ngumiti ka?"
Napairap na lang ako sa sagot ng boyfriend ko. Simula nang sagutin ko siya, ganiyan na siya sa 'kin. Minsan naiisip ko kung nahipan ba 'to ng hangin o ano, eh.
Habang lumalalim ang gabi, mas lalong dumarami ang mga tao. Nakita ko rin ang mga Torres na papunta na sa table nilang katabi lang ng sa amin.
"Good evening, Mr. Torres."
Isa-isa kaming bumati sa kanilang pamilya. Inaya pa kami ni Mr. Torres para ipakilala sa mga batikang tao.
"Congrats, Torres!" bati ng isang tycoon. "You really have great engineers, despite of..."
Hindi nito itinuloy ang sasabihin, sa halip ay nagtawanan na lang sila. Obviously, it was about Dante's issue. Kung nasaan man siya ngayon, sana masaya siya. Huling usap namin, noong pag-alis niya pa.
Ipinakilala niya kami sa halos lahat ng naroon. Naramdaman ko lang ang pananakit ng paa ko nang maupo na kaming muli.
The program started, and as expected, nilinis nila ang pangalan ng company. Medyo nagulat pa ako nang imbitahan kaming lahat sa harap. Nakita kong relaxed lang si Mitch dahil mukhang sanay siya sa camera. Good thing, it lasted for 10 minutes. I didn't ever bother to smile.
BINABASA MO ANG
Glimmer of Hope
RomanceEngineering Series #1 Si Belle, isang ordinaryong kolehiyala. Tanging nais niya lang ay umuwi pagkatapos mag-aral. Hindi niya talaga gusto ang kursong kinuha niya, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian pa. Until one day, nakilala niya ang professo...