Chapter 10

478 140 17
                                    

"Anong gusto mong inumin, Belle Amethyst? Pa-virgin ka na naman diyan," tukso ni DJ. "Iiyak ka na naman kapag inabutan ka ng alak, eh."

"Chuckie," natatawang sabi ko.

Hindi naman kasi ako umiinom ng alak. Saka na lang talaga. Simula noong nag-legal age sila, umiinom na 'yang mga 'yan. Pwede na raw kasi. Nahihirapan tuloy akong matulog dahil sa amoy suka sila.

"Alam ko na," ngiting-ngiting sabi ni Peter. "Ihalo natin sa Gin 'yang Chuckie mo."

"Hoy, subukan niyo galawin 'yan! Makakatikim kayo sa 'kin!"

Mga pasaway talaga. Palibhasa kasi gusto nila ako makitang malasing. Hindi ko rin sila pinapapasok sa bahay kapag may dalang mga alak. Ang kalat nila sobra.

"'Wag niyo na anuhin si Belle. Binili ko nga 'yang Chuckie para sa kaniya, eh."

Carli, the life saver!

"At saka may Decano akong binili, may Empi tsaka Tanduay para sa mga weak," sabi ni Carlito sabay tingin kay Avery.

"Hoy, anong weak?" si Avery.

"Kaya love kita, Carlito, eh," sabi ko sabay yakap sa kaniya.

"Carli," pagkokorek niya.

"Makire," komento ni Avery.

Nagsimula na silang magtimpla. Nagbaon pa ng juice si Carlito at saka Lemon. Handang-handa talaga basta sa inuman. Walang palalampasin. Ihahalo lahat ng pwedeng ihalo.

"May dala akong Milo rito. Gusto ko i-try," sambit ni Sol.

"Ako may Delight," sabi naman ni Lassie.

Ewan ko kung anong mga pinagsasabi nila. Baka naman sumakit ang tiyan nila diyan pero bahala sila sa buhay nila. Basta ako may Chuckie. Nagdala nga ako ng Bearbrand sterilized, akala ko kasi puro juice lang at alak ang mayroon. I looked so out of place!

Gabi na rin naman kaya pwede na sila mag-inuman. Katatapos lang din namin mag-dinner. Literal na bumaha ng pagkain sa unit.

Pagkarating namin dito kaninang hapon, nagbaba lang kami ng gamit tapos nag-pictorial at nag-swimming noong hindi na masakit sa balat ang araw. Suot pa ng mga hindot ang kani-kanilang summer OOTD. Sana talaga nag-beach na lang kami.

"Picture-an mo kami rito, Belle," utos ni Bia.

Kasama niya si Avery at Lassie. Sila ang magkakadikit sa tropa. Ako naman ay neutral lang. Kung sinong dumikit, edi kausapin.

"Compress." Sinunod naman nila ang sinabi ko. "There!"

Nag-pictorial din kami sa unit kasama sila DJ, Carlito, Peter, Bimby at Allen. Kami kasi ang naiwang nag-ayos ng dahil naglalambingan na sa baba ang magkasintahang Echo at Lassie. Nagtatampisaw na rin sina Bia, Soleil at Avery.

Gwapo talaga ng mga aports ko. Sarap nilang ituwid. Ngayon pa lang dinudumog na sila, paano pa kaya kapag straight na.

"Grabe 'yong awrahan natin ngayon," sabi ni Peter habang nakadungaw sa camera ko.

"Gorg," DJ commented.

"Thanks!" sabi ko.

"Tanga, hindi ikaw. Post mo 'yan, ha! Kung hindi, susunugin ko 'yan!"

"Swimming na!" tili ni Carli.

Nag-unahan sila sa paglabas. Napairap na lang ako sa mga kabaliwan nila. Parang mga batang ngayon lang pinalabas ng nanay.

"Truth or dare tayo?" Carli suggested. "Ang boring ng puro inom lang. Ayaw kong malasing agad."

"Tapos kapag hindi nasagot, iinumin ang inihandang drinks ni Belle," sabi naman ni Allen.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon