Chapter 27

306 80 6
                                    

"Congrats, Engr. Engracia!"

Yes, engineer na kami. Ang sarap pala pakinggan na may Engr. sa pangalan. Ang lakas maka-good vibes!

Engr. Belle Amethyst Engracia

Matagal akong naghintay at naghirap para sa titulong ito. Mula sa umpisa, pagtatapos at pagr-review. Ngayon ko talaga nasabi na sulit ang lahat. Sobrang sulit talaga.

"No more tears, Engr. Monteclaro," I smiled at her.

Saksi ako sa lahat ng hirap at luhang binuhos niya para makamit ang pwesto. She got the 9th spot and I am always so proud of her. She really deserved it.

"You mean, love life?"

"Hmm, I didn't say that," maang-maangan kong sagot.

Ayaw kong pakialaman ang parteng iyon ng buhay niya. Mananatili na lang alaala ang mga nangyari sa nakaraan. Ibinaon na namin sa limot ang lahat. Ni minsan, hindi namin iyon nabanggit sa isa't isa. Pagkatapos sabihin, kinalimutan na.

She looked at me, intently. "You still love him, Belle Amethyst?" seryosong tanong niya.

The atmosphere of the coffee shop, para kaming iniimbita sa nakaraan. Parang itinutulak kaming buksan ang matagal na naming isinara. The serene sound of classical music is bringing us to the good old days. Such a nice feeling but I chose not to talk about it.

I shifted my weight on the other side. "Kailangan ko bang sagutin 'yan?" nakangiting tanong ko.

After Ricci left, I told her about what happened but I never mention the whole story. I just said that I was in love, but things happened and we needed to be wise...

"Kailan nga pala ang start mo?" pag-iiba niya, naramdaman sigurong hindi ako komportable.

"Monday," I answered. "Nasaan na pala sila Callie?"

"Late, as usual."

We have decided to meet in Venice Grand Canal. Limang taon kaming nag-aral at namasyal sa Manila pero hindi kami umabot dito. Ngayon pa lang talaga. Parati lang kaming nasa sulok ng apartment at Intramuros.

"Girls," tawag ni Callie habang palapit sa table namin.

Speaking of... Lagi pa ring late sa usapan. Buti na lang mas late dumating si Joy. Nagbago na talaga ang lahat pero ang nararamdaman ko, ganoon pa rin. No matter how much I tried to deny it, nandito pa rin iyon sa puso ko. Iwinaksi ko muna pansamantala, dahil ayaw kong magdrama sa kanila.

"Saan kayo magtatrabaho?" tanong ni Callie nang dumating ang pagkain.

"Batangas," sagot ni Les.

"Ang layo naman?" nagtatakang tanong ni Callie.

"May importante lang akong gagawin."

Tiningnan namin siya nang mariin habang nakangisi kami. Napansin kasi naming simula nang malaman niyang sa Batangas magtatrabaho ang ex niya, doon na rin siya nag-apply.

"Ewan ko sa inyo," nangingiting sabi niya. "Ikaw, Joy?"

"Bulacan lang," Joy answered. "Ikaw, Belle?"

"Makati," nakangiti kong sagot. "Si Callie sa abroad."

"Desisyon ka, sis? But maybe?"

"Anong maybe? First choice mo 'yon," sambit naman ni Joy.

I've been with them through ups and downs. I would lie if I told you that I won't miss them. They had been my home for years. Hahanap-hanapin ko iyon sa paggising ko sa umaga.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon