Chapter 28

306 75 7
                                    

Every successful journey starts with a single step. No matter how difficult and rough the road is, you must keep going. No matter how slow the progress is, you must keep believing. Everyone will get there, anyway. Do not rush. Just enjoy the adventure and treasure every moment.

"Good luck, anak."

Iyon ang pabaon sa akin ni Mama, Lunes ng umaga. Ako na lang ang nakatira sa bahay namin sa Manila. James moved in last year with my parents, at doon na rin nag-aral. Wala na rin si ate Linda, dahil naroon na rin sa Bulacan.

I did my morning ritual before I headed to my work. I made sure that my get up will give me a good impression to my employer. I was wearing a white sleeveless top, gray fitted slacks terno with a gray blazer, and white single-strap block heels. I put on light make-up and nude lipstick.

Pagkakita ko pa lamang sa nagtatayugang mga gusali ng Makati, napuno na agad ng excitement at kaba ang puso ko. Ito na ang magiging buhay ko simula sa araw na ito.

Inagahan ko talaga para may oras pa akong mag-observe sa paligid. Pagtapak ko pa lang sa lobby ng building, kumalabog na agad nang malakas ang puso ko. Sana naman ay hindi ako maging clumsy. Ganoon pa naman ako kapag hindi komportable.

"Good morning. I'm Engr. Belle Amethyst Engracia," nakangiting pakilala ko sa HR.

"Good morning, Engr. Sunod po kayo sa akin."

Sumunod ako sa kaniya habang palinga-linga sa kung saan. Sobrang elegante ng lobby. Agaw-pansin ang malaking chandelier sa gitna nito. Napalilibutan ng gold at white ang paligid. Hindi ko ito gaanong napansin noong interview, dahil balisa akong nagr-rehearse ng isasagot.

Ayon sa impormasyong sinabi sa akin noong nag-apply ako, malaking kompanya raw ito. May koneksyon sa US, Europe at sa ilang bahagi ng Asya. Gayon na lamang ang pagnanais kong makapasok dito dahil pasok ito sa Top 10 Largest Engineering Firms in the Philippines. Nakita ko ring maganda ang performance nito sa nagdaang mga taon. Narito rin ang mga bigating inhinyero at inhinyera ng bansa.

"Miss, ilang floor 'to?" tanong ko habang nasa loob kami ng elevator.

Kitang-kita ko ang repleksyon namin dahil sa kintab at linis ng loob nito. Halatang mayaman nga ang may-ari dahil sa mga materyales na ginamit sa building. Hindi naman ako ganoon kabobo sa Strength of Materials subject namin para hindi malamang mahal ang mga ginamit dito. Tingin pa lang, mahal na. Hindi ko na aalamin ang presyo dahil baka malula ako lalo.

"26 floors po, Engr."

"May kahati ba sila rito o kanila itong lahat?"

Ngumiti sa akin ang HR na parang hindi makapaniwala sa tanong ko. Para bang tangang-tanga siya sa akin.

Ang ignorante ko ba? Pasensya na, baguhan, eh.

"Yes, Engr. Kanila itong lahat. Manuel Torres Inc. is one of the largest engineering firms and constructions in the Philippines. The year 1983 when it was established. Lumaki nang lumaki hanggang sa magkaroon ng connection sa ibang bansa. Maganda ang performance ng company at maraming mahuhusay na engineers at architects. Maaasahan din ang mga nasa maintenance, gayon din ang mga karpintero. Wala pong tapon sa kompanya, bawat tayo ay mahalaga," proud na sabi niya.

Napatango ako sa mga sinabi niya. Bumukas ang elevator, hudyat na narito na kami sa floor ko. Kaunti pa lang ang tao kaya malakas pa ang loob kong maglakad. May mga cubicle sa gitna ng floor. Dito siguro ako pupwesto. May iilang opisina rin para siguro sa mga may matataas na katungkulan.

"Engineering department has ten floors, architecture has four, and—"

"Good morning, Amanda," bati ng lalaki sa kausap ko.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon