Medyo hindi ako swerte sa araw na ito. Late na ako para sa exam namin sa Chem. Bakit ba kasi laging nasisiraan ang LRT kapag may exam ako? Ang traffic pa naman sa Manila. Umaga pa lang, sira na araw ko.
"Sir, s-sorry. I'm late," hinihingal kong sabi.
Ikaw ba naman tumakbo mula ground hanggang sixth floor. Bakit walang elevator dito? Hulas na hulas na ang mukha ko. Amoy-pawis na agad ako.
He pointed the only vacant seat. He gave me the test paper at may inabot siyang isa pang papel na nakataob. Ito siguro ang exam last week.
I checked the paper only to find out that I've failed the exam. Nangingiyak akong sumagot pero hindi ako makapag-focus. Nag-aral naman ako last week pero dahil late ako, hindi ko natapos ang exam.
Ang malas talaga. Ano na lang ang magiging grades ko nito? President's lister pa naman ako last sem. Nakakahiya.
Tamad akong nagsagot hanggang sa maubos ang oras. Pinasa ko na agad at lumabas. Hindi ko na ch-in-eck ang mga sagot ko. Nawalan ako bigla ng gana.
I've never failed an exam, not until college. Nakakainis naman! Hindi ko naman pwedeng sisihin ang pagkasira ng tren o ano pa man. Kasalanan ko talaga.
"Oh, saan ka pupunta?" Joy asked.
"Uuwi ako," I replied.
"May klase pa mamaya," singit ni Les. She smiled at me when she noticed my face. "Ok lang 'yan. Lahat naman nakakaranas ng failure. Pwede pa namang bumawi. I know you can do better next time."
"Bagsak din ako," sabi ni Joy.
"Palambing ka na lang sa manliligaw mo!"
Napasimangot na lang ako, dahil natawa lang siya. Buti pa siya. Nakikita ko na talaga ang malagim na kapalaran ko ngayong semester.
"See you later. Dorm lang kami," paalam ni Callie.
Buti pa si Callie, hayahay lang kahit sumablay din. Panigurado namang may lalambing sa kaniya mamaya. Ngayon ko lang napagtanto na ako lang ang single sa amin.
I'm single, I don't know if by choice or no one seems to like me lang talaga.
"What if puntahan na lang natin 'yong apartment. Lilipat na tayo bukas, eh. Ang arte mo pa naman sa mga gamit," natatawang sabi ni Les.
"Sige na nga."
Hindi naman kalayuan ang apartment na lilipatan namin. Walking distance lang papunta sa mga building namin.
"Pasok kayo. Check niyo na lang pati ang mga kwarto ninyo kung may gusto pa kayong ipaayos," anang land lady na tantsa ko ay mid-30's pa lang.
Maliit lang ang kwarto kumpara sa kwarto ko sa bahay. Good thing, tig-isa kami ni Lesliana ng room. Medyo mahal nga lang nang kaunti kaysa sa dorm nila Callie at Joy pero ayos na rin.
Fully-furnished na rin. May munting sala at may TV na rin. May sofang pandalawahan at may pang-isahan. May wooden table sa gitna. Makikita rin agad ang kusina. May kitchen sink rin at cabinet para sa lalagyan ng mga goods. Wala na ngang dining area dahil sa liit ng espasyo. May maliit na refrigerator at oven. May rice-cooker at inductor para sa pagluluto. May ceiling fan sa sala at tig-isang electric fan sa kwarto namin ni Lesliana. May munting CR din at malinis naman kaya wala na talagang problema. Over-all, ayos naman na. Mag-aaral, kakain at matutulog lang naman kami rito.
"Ate Niña, lilipat na po kami rito bukas."
"Sure. Just tell me kung may problema para maayos agad," sabi niya.
"Salamat po. See you tomorrow," paalam namin ni Les.
"Daan tayo sa ice cream shop," sabi ko. "Libre kita."
BINABASA MO ANG
Glimmer of Hope
RomanceEngineering Series #1 Si Belle, isang ordinaryong kolehiyala. Tanging nais niya lang ay umuwi pagkatapos mag-aral. Hindi niya talaga gusto ang kursong kinuha niya, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian pa. Until one day, nakilala niya ang professo...