Pinilit kong kalimutan ang pag-ibig para magbigay-daan sa iba, pero hindi ko maintindihan kung bakit inilalapit kaming lalo sa isa't isa.
Hindi ba pwedeng manahimik naman ang tadhana at ako naman ang masunod? Gusto kong ako naman ang maging masaya.
"No, thanks," sagot ko nang ayain niya akong sumabay sa kaniya.
Ang malas naman kasi. Ngayon ko pa naisip mag-overtime kung kailan tag-ulan. Bukod sa wala akong payong, wala rin akong masakyan. Sana talaga dinala ko na lang ang sasakyan, eh. Ang labo la ng kalsada, dahil sa lakas ng buhos ng tubig mula sa langit. Sa sobrang lamig sa labas, parang gusto ko na lang ulit pumasok sa loob at doon na lang magpalipas ng gabi. Mukha kasing walang balak tumigil ang ulan. Iyak nang iyak ang langit na balak pa yatang pabahain ang buong Metro Manila.
"Okay."
Umalis na siya at hindi na ako pinilit pa. Sa lahat ng pwedeng makakita sa akin, bakit siya pa? Pwede namang si Dante o kaya si Apple, bakit si Ricci pa? Speaking of Dante, hindi niya pa rin ako tinitigilan, pero mas masugid si Ricci.
Ewank ko lang, ah? Kapag umuulan, lagi kong naaalala ang Ricci na iyon. Simula noong araw na nagkadikit sa waiting shed noong first year pa lang ako. Naalala ko pa kung paano kami manlagkit dalawa, dahil sa siksikang mga tao na pinipilit lang din sumilong.
Napangiti ako sa naisip. Wala namang bago sa sitwasyon namin ngayon, bukod sa mahal ko pa rin siya ngayon. Ganito pa rin naman kaming dalawa, ang lapit lang pero parang hindi pa rin namin abot ang isa't isa. More like, hindi ko siya maabot.
Too close yet too far.
Umihip ang malakas na hanging may dalang mga butil ng tubig. Kahit makapal ang blazer ko ay nilalamig pa rin ako. Para akong basang sisiw na nakaupo sa hagdan. Nagtiyaga ako sa malamok at madilim na parteng ito ng kalsada.
Papasok na sana akong muli sa loob ng kompanya nang may bumusina sa harap ko. Akala ko nakaalis na siya?
Bumaba siya na may dalang payong at patakbong pumunta sa akin. He pulled me against his body as we walked towards his car. Wala akong nagawa nang buksan niya ang pinto at pinapasok ako. Bukod sa gulat, nagwawala na rin ang mga paru-paro sa tiyan ko.
"Uhm, akala ko—"
"Sa condo ka muna matulog."
Diretso ang tingin niya sa kalsada habang sinasabi iyon. Para bang gusto niyang maging komportable ako. Ang totoo niyan, komportable ako lagi kapag nasa paligid siya. Hindi ako sanay kapag wala ang presensya niya kapag may presentation ako. Gusto ko lagi siyang nasa paligid. Hinanap-hanap ko iyon sa loob ng limang taon at hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin iyon. I may be too distant, but I still want to be with him, no matter what.
"Pakibaba na lang ako sa pinakamalapit na hotel," sabi ko ngunit parang wala siyang naririnig. "Engr, Cy..."
"Belle, hindi pwede. Nagsabi na ako kay tita na sa condo ka muna—"
Binalingan ko siya. "Tita?"
"Mama mo."
Nanlaki ang aking mga mata. "Paano mo nalaman ang number ni mama?" gulat kong tanong. "Paano mo siya nakilala? Stalker ka ba?"
He grinned at me. "Sa gwapo kong 'to?"
I just frowned. Wala akong makukuhang matinong sagot dito. Much better kung kay mama ako magtanong.
"Mama, ano 'to?"
"Ano" sagot niya muna sa kabilang linya.
"Alam mo, ma, kung anong ibig kong sabihin."
BINABASA MO ANG
Glimmer of Hope
RomanceEngineering Series #1 Si Belle, isang ordinaryong kolehiyala. Tanging nais niya lang ay umuwi pagkatapos mag-aral. Hindi niya talaga gusto ang kursong kinuha niya, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian pa. Until one day, nakilala niya ang professo...