"Kung alam ko lang na iyon na ang huling yakap niya, sana pala sinakal ko na siya."
Natawa ako sa birong iyon ni Lesliana. Nakakatuwang unti-unti siyang nakaka-recover mula sa nangyari sa kanila ng boyfriend niya. Nakukuha niya nang magbiro kahit alam kong nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. Ilang taon din silang magkasama tapos hindi rin pala sila sa huli.
"Kidding aside, I won't regret kung anumang mayroon kami dati. Hindi ako nagsisising naging boyfriend ko siya or what," sabi niya habang naghahalo ng kape.
"Wala talaga?"
"Wala," sagot niya. "Masaya ako that time, eh. Masaya kami. Hindi naman nasayang lahat ng 'yon. Kung pwede lang ulitin ang lahat, willing akong masaktan nang paulit-ulit, maramdaman ko lang ulit ang saya. He is the best part of me."
Ramdam ko ang panghihinayang sa tinig niya. Hindi lang halata sa outside look na sawi siya dahil gumanda siya lalo. Ganoon siguro talaga kapag nasasaktan, nagg-glow.
Balik-apartment na rin kaming dalawa dahil may pasok na. Hindi pa naman hectic ang schedule pero mas lalong humihirap ang mga subject kada semester. Puro major ang subject namin, PE lang ang minor.
Hindi pa kami nagkikita ni Ricci simula noong pumunta ako sa kanila. Lagi akong nagtatago sa kaniya. Ayaw ko muna siyang makita hangga't hindi niya sinasabi sa akin na aalis siya papuntang Canada.
From: Ricci
Good evening. Kumain ka nang maayos.
Napangiti ako nang bahagya sa text niya. Para kasing tatay na nagpapaalala sa anak. Hindi siya nakakalimot mag-text. Parang hindi nga ito busy sa trabaho, eh. Kahit late na ako mag-reply sa kaniya, nakakasagot siya agad. Ako pa yata ang mas busy sa aming dalawa.
"Belle Amethyst," nakapamaywang na tawag ni Les. "'Yan ka na naman sa ngiti mo sa phone mo. Sino ba 'yan?"
Inirapan ko siya dahil baka tuksuhin na naman ako nito. Nakakahiya pa naman kapag ipinagsisigawan niya kila Callie na ngumingiti ako mag-isa. Lumalandi na raw ako, eh, totoo naman kaya hindi ako tumatanggi.
"Girl, memes lang 'yon," palusot ko. "Tulog na nga ako."
"Memes ka diyan. Kada-tingin mo sa phone mo, ngumingiti ka. 'Wag mo nga akong niloloko. Alam ko na 'yan!"
Binato ko siya ng unan bago pumasok sa kwarto. Pakialamera talaga siya minsan. Palibhasa walang boyfriend kaya walang siyang ibang magulo, kung hindi ako.
Hindi ko mabilang kung ilang minuto akong nakatitig sa kisame. Pinipilit kong isipin na ayos lang ang lahat. Ayos lang naman kung magkakahiwalay kami ng ilang taon. Maikli lang naman siguro iyon.
Naramdaman kong nagtubig ang aking mga mata. Ito na yata ang simula ng tinatawag nilang sad hours. Ilang months pa lang naman kaming close ni Ricci, pero sobrang na-attach na ako sa kaniya.
To: Ricci
Magkita tayo sa Sunday.
We are just delaying the innevitable. Dito rin naman papunta 'yon, bakit hindi pa namin putulin ngayon? Magkikita pa rin naman kami pag-uwi niya. Baka rin magbago ang nararamdaman namin kung ilang taon kaming walang komunikasyon.
Hindi na ako naghintay ng reply niya. Binaon ko ang mukha ko sa unan. Naiisip ko pa lang na aalis siya, nadudurog na ang puso ko. Paano pa kaya kung magmahal siya ng iba? Kasalanan kong ginawa ko siyang oxygen na kailangan ko para mabuhay.
Isa pa mali naman talaga itong ginagawa namin. He is a professional already and I am just a student. Mali talaga 'to kaya dapat nang tapusin.
But how could something so wrong feel so right all of a sudden?
BINABASA MO ANG
Glimmer of Hope
RomanceEngineering Series #1 Si Belle, isang ordinaryong kolehiyala. Tanging nais niya lang ay umuwi pagkatapos mag-aral. Hindi niya talaga gusto ang kursong kinuha niya, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian pa. Until one day, nakilala niya ang professo...