Chapter 29

322 76 6
                                    

"Okay ka na, bakla?" tanong sa akin ni George kinabukasan.

I raised my brows. "May mali ba sa 'kin?"

"Ay, 'te, maang-maangan. Maghapon ka kayang nakasimangot kahapon, nakakatakot galawin kasi baka sumabog. First-day mo pa 'yon, ah?"

"Alam mo, Apolonia, may naaamoy akong malansa."

"I know right, George."

"Pabulong, sis?"

Lumapit sila sa isa't isa saka nagbulungan at naghagikhikan. Kung hindi lang beki si George, iisipin kong bagay sila ni Apple.

"Ang ingay niyong dalawa. Magtrabaho na nga kayo," saway ko sa kanila. "Puro kayo tsismis."

Sa halip na manahimik ay nagtawanan pa ang dalawa. Hindi ko na lang pinansin, dahil gusto kong tapusin itong mga AutoCAD. Hindi ko masyadong nagalaw kahapon, dahil wala ako sa mood. Baka mamaya ay kung anong mailagay ko.

Hindi ko mabilang kung ilang oras ako nakababad sa harap ng monitor. Ang sakit sa mata. Sino bang gumawa nito? At ang palpak naman. Pero sino nga ba ako para magreklamo? Pero seryoso, kung sino mang gumawa nito, ang tanga niya. Nakakainit siya ng ulo.

"Frustrated? Dami bang mali?"

Naidilat ko ang mga mata ko dahil sa pagsulpot ni Dante. Hindi ko siya kinibo, dahil ayaw ko sa aura niya. Para bang nagpapa-cute lagi. Akala niya naman mahuhulog ulit ako sa kagaganiyan niya. Nakakairita talaga ang mga ganitong lalaki. Hindi naman siya ganiyan dati.

"Ang sungit mo."

"Umalis ka rito," mariing sabi ko.

Kung hindi lang siya sumikat noong high school, siguro ayos pa kami ngayon. Nauhaw kasi sa atensyon, eh. Pumatol man daw ba sa cheerleader ng school habang nanliligaw sa akin. Nakakadiri.

"Hoy, Dante! 'Wag mo ngang guluhin 'yan," saway ni George. "Bugahan ka niyan ng apoy."

"Allergic yata sa gwapo," pagmamalaki nito.

Ang chaka niya naman. Ang lakas ng loob magsalita ng gano'n. Parang babaliktad ang sikmura ko sa kaniya.

"Ako na lang kasi."

Tinawanan lang nito ang sinabi ni George at umalis na. Kung tutuusin, mas gwapo pa sa kaniya ang beki.

"Allergic sa bakla," pang-aasar ni Apple kaya natawa kaming dalawa.

"'Che! Hindi ka naman maganda pero mukhang bet ka no'n, bakla," asar niya sa akin. "Gwapo naman, ah? Ayaw mo."

"Hindi ko siya bet. Sa 'yo na lang."

"Bakit parang kilala ka niya?" Apple asked suspiciously.

"We were... schoolmates."

"Oh, kaya pala! Pero schoolmates lang talaga?" pangungulit nito.

Sa halip na sumagot, inirapan ko lang sila. Hindi ako interesadong ikwento ang buhay ko, sa ngayon. Saka na lang kapag close na talaga kami. At nandito ako para magtrabaho, hindi para makipagkwentuhan.

"Ay, maldita talaga. Tara na, gals! Lunch?" pag-aaya ni George.

Mas matagal pa ang pag-aayos nila kaysa sa inilagi namin sa labas. Dahil sa sobrang init, hindi na namin natagalan ang pagbababad kaya pumasok kami agad, at piniling sa table na lang namin kumain. Besides, kailangan kong tapusin ang mga ginagawa ko.

"Girl, ang gwapo ng staff ng café, ano?" malanding tanong ni George.

Hinampas siya ni Apple sa braso. "Bakla, 'wag mo ngang dinedemonyo si Belle. Ang lakas mo namang mandamay."

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon