Chapter 36

323 53 8
                                    

Sa mga sumunod na linggo, lagi nang pumapasok si Apple. Balik-normal na rin ang ayos at kilos niya. Ang mga ngiti at pangungulit niya ang madalas na sumasalubong sa akin araw-araw.

"Busy tayo, ah?"

"Medyo?" sagot niya habang may binabasang mga papel.

"Ano 'yan? New project?"

Tumango siya. "Yes, sa Pampanga."

"Ang layo pala. Tatanggapin mo?"

Matagal bago siya sumagot kaya inabutan ko siya ng kape at cookies na b-in-ake ko. Mukhang kailangan niya ng tibay at lakas ng loob sa pagdedesisyon, eh.

"I think, I need this," she uttered. "What do you think?"

Ngumiti ako saka tinapik siya sa balikat. "Kung sa tingin mo, makakatulong sa 'yo 'yan, why not?"

Sa umaga lang kami nagkikita, dahil nasa site ako kapag hapon. Kailangang maayos ang trabaho, sapagkat malaki ang utang namin sa mga Lacson. There's no room for mistakes, so we keep eyeing around. Mahirap kung papalpak na naman.

"My favorite baker is here!" Mitch shouted when she saw me. "Break time, workers! Kain muna kayo!"

Agad na nagtunguhan ang mga tao sa tent. Dinala ko ang mga tinapay na ipinagawa ko pa kay mama. Buti na lang, naipadala agad. Meanwhile, Mitch prepared the drinks for them.

"Grabe, tumataba yata ako sa 'yo, Belle," banggit niya matapos kumagat sa cookies.

"Am I ruining your diet, Mitch?"

"Yes, but it's so yummy kasi, eh. I can't resist," natatawa niyang sabi. "Thank you, Belle Amethyst."

Tumawa na lang din ako. "Kumain ka pa diyan hangga't hindi ka nabubusog."

"Maraming salamat po, Engr. Binubusog niyo po kami lagi," sambit ng isang trabahador.

"Welcome po. Kumain lang po kayo."

"Here comes my baby!" tili ni Mitch kaya napatingin kami sa tinitingnan niya.

Napaka-loud ni Mitch, at the same time, ang hinhin niya rin. Napaka-adorable ng personality niya. She's naturally soft and sweet. Minsan, bigla na lang siyang nagdadala ng kung anu-anong pagkain para sa mga tao. She loves celebration so much and hates boring places.

Siniko ko siya. "Kayo na?" usisa ko.

"Yes," malandi niyang sabi at kumindat pa.

Napangiwi na lang ako sa sagot niya, at saka bumaling muli sa paparating na mga binata. I smiled when Ricci creased his forehead due to sunrays. Napakagwapo niya kahit ganoon ang itsura. Mas nakakasilaw pa siya kaysa sa araw.

"Are you tired?" tanong nito.

Mabilis akong umiling. Nakakahapo ang araw, pero hindi pa naman ako pagod. Nanonood lang naman kami sa mga ginagawa ng mga tao rito. Tumutulong paminsan-minsan kapag sobrang bored na sa panonood.

"Let's go?" He then held my hand.

"Saan?"

He winked and said, "Secret."

Hinatak niya na ako kaya wala na rin akong nagawa. Narinig ko pa ang mga panunukso nina Andrew at Mitch.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero siguro naman akong masaya iyon. Wala namang patay na oras kapag kasama ko siya. Laging masaya.

Habang nasa loob kami ng sasakyan, inilabas ko ang isang tupperware na nasa bag ko. Paniguradong magugutom kami kung hindi kami kakain, dahil mukhang mahaba ang biyahe.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon