Chapter 12

412 116 11
                                    

Tahimik kaming naglalakad sa MOA seaside. Kanina pa nga kami hindi nag-uusap simula noong nagbiro siya kanina. Nagulat lang talaga ako at hindi pa rin ako nakaka-recover hanggang ngayon.

"Kanina ka pa tahimik," puna niya. "Biro lang naman 'yong kanina," natatawa niya pang sabi.

Alam ko namang biro lang 'yon para sa kaniya, pero naiinis pa rin ako kasi sa kaniya nanggaling. Hindi naman ako nagbibiro, at lalong hindi ako isang biro.

Dapat sineseryoso. Okay?

"Alam mo, para kang tanga," kunwaring inis na sabi ko.

Wala siyang tigil sa pagtawa habang naglalakad kami. Kahit inis ako sa kaniya, hindi ko magawang patagalin, lalo na ngayong nakikita ko siyang tumatawa. Masiyahin naman talaga siyang tao. Depende siguro sa level of closeness.

I stopped walking and I stared at him, enjoying each seconds of his heartily laugh. I stared at him for I-don't-have-any-idea how long.

"'Yong laway mo tumutulo," sabi niya sabay takbo.

Agad akong nakabalik sa reyalidad saka pinunasan ang bibig ko. Wala naman, siraulong 'yon! Naiinis na talaga ako sa kaniya na medyo natatawa. Mapang-asar din kasi siya. Medyo makulit siya ngayon kaya komportable ako sa kaniya.

Naghabulan lang kami habang nagbabatuhan ng mga pang-asar. Nakakahiya nga kasi may nababangga kami. But I don't care!

Tumigil lang kami nang mapagod. Magkatabi kaming nakaupo sa gilid. Nakatitig sa mga ilaw na nasa harap namin. Palubog na ang araw at ito ang paborito kong oras.

Even just for tonight, I let myself think that he likes me, too. I let myself drown in the thought that maybe we have a chance—maybe we can work the things out. Though, he did nothing sweet to me, but I engaged at the thought of us.

"Sabi mo nasa Bulacan ang family mo, sinong kasama mo sa Manila?" tanong niya habang kumakain kami ng dinner sa seaside.

Wala pa akong balak ayain siyang umuwi. Gusto kong sulitin ang bawat minutong kasama ko siya. Baka kasi hindi na maulit ito. Baka pinagbibigyan niya lang ako kasi makulit ako. Gusto kong maging memorable itong date na ito.

"Ako lang," I answered. "Sarap ng seafoods dito. Babalik ako panigurado," pag-iiba ko.

Baka malaman niyang kaya ako narito ay dahil sa kaniya. I might be desperate but I won't allow myself to look like one. Hindi ko rin maamin sa sarili ko na ganoon ako.

"Safe naman ba roon?" tanong niya ulit.

Ang kulit naman nito. Ayaw ko ngang pag-usapan. Ayaw kong mabuko.

"Oo naman. Double-locked lahat ng bintana at pinto sa bahay."

"Good to know."

"Interested to visit my place?"

"Nah, I just—uhm, you're a girl."

Nagkibit-balikat na lang ako. Kumakain kami sa isang seafood resto. Syempre hindi ko siya papayagang magbayad ng lahat. Hindi naman ako pabigat sa gastusin, sa kaibigan lang. Kahit gusto niyang siya ang magbayad, hindi ko siya pinayagan.

"'Wag tayo diyan! Dito tayo!"

Kanina ko pa siya hinahatak sa MOA Eye pero gusto niya sa Vikings. Gusto niya yatang mamatay ako nang maaga. Baka pagbaba namin, lupaypay na ako

"Dito tayo. Masaya rito," natatawang sabi niya habang hinahatak ako.

"Okay. Ganito na lang, sakay muna tayo sa MOA Eye bago diyan," I suggested.

"Okay."

Madali naman pala siyang kausap kapag may kondisyon. Pero sa totoo lang, hindi ko nasisikmura ang Vikings. Tatakas na lang siguro ako after namin sa MOA Eye.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon