Chapter 07

518 155 48
                                    

"Engracia?" tanong ni Sir habang nakatingin sa index card.

Hala, may recitation ba? Bakit hindi ko alam? Wala man lang nagsabi sa akin?

Kinakabahan akong tumayo. "Yes, Sir?"

Bakit hindi man lang siya nagsabi? Grabe naman. I'm not prepared. Ayaw ko pa namang bumagsak. Ilalaban ako sa giyera na wala akong dalang sandata.

Sir naman.

"You can do it. 'Wag ka kabahan," sabi ni Les na nasa tabi ko lang.

Sinong hindi kakabahan dito? Susme, parang lalabas na sa dibdib ang puso ko. Ano na lang ang isasagot ko? Baka magkalat lang ako.

"Relax. Hindi ka makakasagot kung kabado ka," bulong niya.

"What is more flexible? Cast iron pipes or PVC? And why?" tanong ni Sir habang nakatitig sa mga mata ko.

Tumitig din ako. Hindi ako papatalo kaso ang hirap ng tanong pero sigurado naman akong nabasa ko 'yon. Kahit papaano, may tumatak sa isip ko.

Bakit ganiyan ka, Sir?

Mahigpit kong piniga ang laylayan ng denim short ko. Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Uhm, according to what I've read, PVC is more flexible than cast iron," I recalled. "...which is heat resistant. Though it is brittle, it may break when strong trauma is applied. However, PVC can stand such forces without even breaking," I proudly said kahit kabang-kaba ako.

Hindi ako mapakali dahil hindi rin ako sigurado sa sinasabi ko. Mabuti na lang na-retain sa utak ko ang itsura ng PVC pipe at cast iron na sinasabi niya.

"Is that all, Ms. Engracia?" kunot-noong tanong niya.

Hindi ka pa satisfied sa paliwanag ko? Dami na noon, ah? Wala bang sense?

"T-thus, cast iron pipes may have rusty and becomes breakable as time passed. That explains why PVC is more flexible than cast iron," dugtong ko.

"Okay," he simply said. "Marco."

"Sir," sabi ni Arnold na halatang ready.

At dahil nakapagbasa na sila, mas handa sila kaysa sa akin. Minsan na lang talaga mabunot, sa recitation pa. Noong college week, hindi man lang ako nabunot sa kahit anong raffle. Ang malas. Pero kapag sa recit, unang bunot pa lang, ako na agad.

Nag-thumbs up si Joy sa 'kin. "Galing mo," bulong niya.

"Hindi nga ako sure sa sagot ko, eh," nakasimangot kong sabi.

"Tama ka. Nabasa ko 'yan kanina," sabat  ni Les.

"Bakit hindi mo sinabing may recitation?" inis kong tanong.

"Duh, I don't know either. Nag-advance study lang ako," she answered. "Puro kain kasi nasa isip mo."

Oo nga pala. Masipag nga pala siya mag-aral. Makikita mo sa apartment nagbabasa sa sofa. Past time niya na talaga ang mag-aral, samantalang ako, sa sobrang stressed, puro pagkain lang ang inatupag ko nitong mga nagdaang linggo.

Napasimangot ako kasi hindi ko alam kung paano sipagin ng kagaya sa kaniya. "Paano ka ba sinisipag?"

"Nakakapagbasa ka nga ng mga libro ni Nicholas Sparks, tapos 'yong notes mong isang page lang, hindi mo pa matapos," mahabang litanya niya. "Tamad."

"Che! Iba naman ang novel–"

"Shh, hindi pa ako natatawag," sabay harang ng libro sa mukha ko. "Tahimik."

Hindi ko na lang siya ginulo. Baka magalit kapag hindi nakasagot, eh. Iyakin pa naman 'to. Pero buti grade conscious siya, nakakadamay ako sa pag-asenso.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon