Chapter 17

352 106 4
                                    

Disappointment is the result of expectation. Don't expect much from people, they might break your heart. Protect your heart from pain that they might cause you. Expecting less is the best you can do or rather, do not expect at all.

We all experienced unequal treatment, and that's fine. Life is unfair to all, anyway. We couldn't please anyone to treat us with kindness like how we are to them.

"Ma, nandito na kami," sigaw ni Ricci mula sa sala ng kanilang bahay.

No trace of people in here, baka nasa kusina. Lalo tuloy akong kinabahan. Masungit kaya ang mama niya? Istrikto kaya ang lola? O baka ang papa?

"Upo ka muna," sabi ni Ricci.

He noticed my sweating forehead, so he said, "Relax."

"Sinong makapagr-relax sa sitwasyon ko?" frustrated pero mahinang tanong ko.

Baka mamaya marinig ako ng mama niya na uma-attitude, baka biglang sumama ang timpla sa akin.

"Easy!"

Tinatawanan niya pa ako, eh, maiihi na nga ako sa sobrang kaba. Gusto ko na lang umuwi.

"Nandito na pala ang bisita ni Patricio, mama," sabi ng babaeng hula ko ay kasing edad ng parents ko.

Ito siguro ang mama ni Ricci. Her aura is full of authority with her eyeglasesses, but nonetheless spitting sophistication. She is definitely intimidating!

Naku.

Maya-maya pa ay nasa likuran niya ang ginang na naka-bestidang green. Siya yata ang lola ni Ricci. May hawak pa itong abaniko na animo'y donya sa mansyon. Mali yata ako ng napasukang bahay.

"Buti dumating na kayo, apo. Siya ba ang sinasabi mo?" usisa ng lola niya.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Marahan akong pumikit dahil sa kaba. Kung maganda lang ako, hindi ako kakabahan ng ganito.

Hays, bakit ba kasi ang exotic ng mukha ko?

"Lola, mama, si Belle po," pakilala ni Ricci sa 'kin.

"Magandang araw po," bati ko at yumuko nang kaunti.

I don't know what to call them. Should it be lola and tita? I'm so nervous!

"Halina sa kusina," alok ng mama niya.

Hindi nila ako nginitian o ano pa man. Pakiramdam ko tuloy malalagay ako sa hot seat.

Nakaupo sa kabisera ang ama ni Ricci. Paano ko nalaman? He looked like an old Patricio Cy. He resembled his pointed nose, chinky eyes, thick brows and all. Medyo light lang ang aura nito at siya ang unang ngumiti sa akin.

"Kumusta, hija?" nakangiting tanong nito.

"Ayos naman po ako," nakangiti ring bati ko.

Umupo sa harap namin ni Ricci ang kapatid niyang babae. Kamukhang-kamukha siya ni Patricio.

"May bisita ka pala, kuya," pansin nito. "Hi, ate Belle. I'm Tricia," pakilala nito.

Nginitian niya ako at ganoon din ako sa kaniya. Feeling ko mukha akong constipated. Tingin ko ay kilala na nga ako ng pamilya niya.

Sobrang limitado lang ng galaw ko habang kumakain. Ayaw kong gumawa ng kilos na makakaagaw ng atensyon nila. I didn't want to give them a bad impression. My family came from rugs but my mom taught me how to act properly—not exactly the prim and proper, but surely I know how.

"Anong buong pangalan mo, hija?" tanong ng lola niya.

Simula na yata ng interogation. Susme, para akong aatakihin sa puso. Ang clumsy ko pa naman kapag hindi ako komportable sa paligid.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon