May araw pa nang lumabas ako mula sa apartment nila Jam. Bihirang mangyari to, lalo ngayong maganda ang schedule namin ngayong semester. Pero may mga pagkakataong tulad nito na hindi maiiwasan, may mga hindi pagkakaintindihan kaya kailangang lumayo muna pansamantala.
Halos sabay ang uwian namin. Pag-araw ng Lunes at Myerkules, hanggang ala-una lang ang klase namin parehas, kaya nahahatid ko sya sa kanila. Matagal akong nakakatambay don kasi may pasok naman ang ate nya at wala syang kasama sa bahay. Madalas nga gabi na ako umuuwi para konting oras na lang ang pag-iisa nya sa kanila. Pabor din naman sa akin, iwas sa rush hour traffic.
Kapag Martes at Huwebes, medyo late ang uwi namin, mga alas kwatro kami nakakaalis sa school, depende pa kung may gagawin si Jam kasama ng mga barkada nya, o kaya nung org nila. Minsan nahihintay ko syang umuwi, minsan naman, sya na mismo ang nagsasabi na mauna na ako at matatagalan pa sya. Ayos lang din sa akin kung ayaw nyang magpahatid sa kanila, ayoko din naman na masakal sya sa araw-araw na magkasama kami.
Kapag Byernes naman, hanggang alas dos lang ang klase ni Jam, pero ako, isa lang ang subject ko kaya hanggang alas diyes lang ako ng umaga. Eto naman yung time ko para kumuha ng mga raket sa school. Minsan tutorial, minsan nagpapatulong gumawa ng project, minsan naman nagpapatulong sa research. Extra income ko yan kaya welcome na welcome sa akin ang mga pagkakataong merong mga lumalapit para magpaturo. Pero hindi naman talaga ako naniningil, sila ang kusang nagbabayad, tinatanggap ko lang.
Nitong mga nakaraang linggo, medyo binawasan ko na yung mga raket ko pag Byernes. Umaangal kasi si Jam na nawawalan daw ako ng oras sa kanya. Ewan ko ba, e halos buong linggo naman kami magkasama. Saka pag sya naman ang may lakad, tahimik lang ako. Pero, hayaan ko na lang, kung dun sya masaya. Swerte lang ako pag yung mga raket ko pag Byernes e tumatapat sa uwian ni Jam, pero pag alam kong maghihintay pa saya sa akin, inaayawan ko na lang yung raket kahit may makukuha kong extra na panggastos don.
Katulad ngayon, Byernes at alas kwatro pa lang ng hapon, pero pauwi na ako. Nahatid ko na si Jam at katatapos lang naming magtalo. Unti-unti naman na akong nasasanay na ganito kami, away-bati, pero lamang sa away e.
Kahapon kasi ang usapan namin hindi ko na sya ihahatid pauwi kasi may meeting pa daw sya sa org nila. Pumayag naman ako. Kaso may nagpa-tutor sa akin. Sakto naman, matapos kong turuan yung estudyante, hindi pa tapos ang meeting ni Jam. E alas otso y meja na ng gabi kaya iniisip ko na hintayin na lang sya, hanggang alas nueve lang naman kasi pwedeng mag-stay sa school maliban kung may klase. Hindi ko alam kung bakit nagalit sya nung nakita nya akong naghihintay sa labas ng office ng org nila. Well, pwede namang magpasalamat na lang sya, kaso kung ano-ano sinabi kaya iniwan ko na lang at umuwi ako.
Lumabas ako ng apartment. As usual, nandon si Gary, mang-aasar na naman. Sya ang bantay sa buong apartment, hindi sya guard, parang caretaker, na nagpapalista sa mga bisita.
"Aga mo umuwi sir, bilog na naman ang buwan ano?", biro nito sa akin pagtapat ko sa mesa nya.
"Oo, kahapon pa.", natawa kami parehas.
Malayo ang bahay namin mula kina Jam, tatlo hanggang apat na sakay, tatlong oras madalas ang tagal ng byahe. Minsan dalawa't kalahati pag swerte sa trapik. Mula dito sa kanto ng eskinita nila, sasakay ako ng jeep papunta sa isang mall na terminal ng mga byaheng papunta sa amin. Mula doon, dalawang sakay pa, tapos pwede naman na lakarin o kaya pedicab, depende kung may pamasahe pa ako.
Nakasakay ako agad ng jeep papunta sa mall. Maaga pa naman, kaya naisip kong mag-iikot muna ko don, papalamig, titingin ng mga bagay na hindi ko naman mabibili. Saka Byernes naman ngayon, pwede gabihin kasi wala naman akong pasok bukas.
Wala pang kalahating oras, nasa mall na ako. Katulad ng dati, agad kong pinuntahan ang paborito kong tambayan, ang bookstore. Dito kasi, may mga librong bukas at pwedeng basahin. May mga mesa din na pwedeng upuan habang umiinom ng kape na dito din sa bookstore mabibili. Kaso, sa tulad kong sakto lang madalas ang allowance, pwede na kong magbasa lang ng nakatayo sa pagitan ng mga bookshelves. Iba kasi ang tama sa akin ng pagbabasa, para kong dinadala sa malayong lugar, pero walang pamasahe, di kailangang magbayad, libre.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Lolo Ben
RomanceThis is an ordinary love story, with an extra ordinary twist that will keep you wanting to read the next chapter. :)