Akala

113 5 0
                                        


Dalawang araw matapos makalabas ni Jam sa ospital, nagdesisyon ang mama nya na isama muna sya sa Ilocos bago ang nalalapit nyang graduation. Tinawagan nya ako para magpaalam. Gusto ni Jam na magkabalikan kami, pero hindi ako agad sumagot. Sa dami ng nalaman ko tungkol sa kanya, at kay Rose na rin, gumulo lang lalo ang lahat. Nakiusap ako sa kanya na pagbalik na lang nya kami ulit mag-usap. Sinabihan ko syang magpahinga na muna, palakasin nya ang katawan nya at pagisipang mabuti kung papano uusad mula sa paghihiwalay namin.

Hindi ko naisip na magiging ganito kasalimuot ang lahat. Magulo, at bawat araw, mas maraming nagiging tanong kaysa sa natutuklasang sagot.

Nagtext ako kay Rose pagkalabas ni Jam sa ospital at sinabi kong gusto ko munang mag-isip sa mga susunod na araw, at baka mas makabubuting hindi muna kami magkita o mag-usap.

Magtatatlong araw na ding hindi kami nag-uusap ni Rose. Sa totoo lang, marami akong gustong itanong sa kanya, pero hindi ko alam kung paano. O baka mas tamang sabihin na hindi ko alam kung kaya kong tanggapin ang mga isasagot nya sa akin. Minsan kasi mas mabuti pang hindi mo na lang alam, kesa malaman mo ang mga bagay na makakasakit sayo. Pero sa sitwasyon namin, hindi pwedeng hindi ko malaman, ang tanong lang, kailan ako magiging handang harapin ang katotohanan.

Nasa bahay lang ako at katatapos maghapunan, nagpapahinga, nagiisip kung ano ang dapat kong gawin nang tumunong ang cellphone ko. Si Rose, tumatawag. Sinagot ko, dahil alam kong hindi naman sya tatawag kung hindi importante, lalo ngayong gabi na.

"I am sorry I called.", bungad nya

"Bakit?"

"Kilala mo si Gary? Yung bantay dito sa apartment? Kakwentuhan ko kasi kanina."

"Oo, bakit?", tanong ko.

"Nakakwentuhan ko kasi kanina, yung anak nyang panganay, first year ECE pala yon, e hindi daw ayos yung final grade kaya pinagspecial project nung prof nya."

Hindi ako sumagot kahit pa huminto sandali sa pagsasalita si Rose na para bang naghihintay ng isasagot ko. Napilitan tuloy syang magsalita.

"Pinagawa ng power supply ba yon? E bigla daw pumutok o nasunog habang ginagawa nila kaninang hapon, e wala na sila mabilan ng pyesa. Kaya tong si Gary umiiyak kanina, matatanggal daw sa scholarship yung anak nya pag bumagsak. E kailangan daw maipasa sa prof bukas ng tanghali.", kwento ni Rose.

"Ano gusto mong gawin ko?"

"Baka naman matutulungan mo."

"Sige sabihin mo kay Gary, wag magalala, darating ko bukas ng maaga."

"Salamat. Nakakaawa kasi yung tao, pag nawala yung scholar--"

"Ok na ba?", putol ko sa kanya

"Sorry, sige ok na. Salamat."

Pinutol ko na ang tawag ni Rose. Maliban sa hindi talaga nakakatulong sa akin ang may kausap pag nagiisip ako, may halo na din kasing galit o inis yung nararamdaman ko mula ng marining ko ang kwento ni Jam tungkol kay Kevin. Ewan ko ba, alam kong dapat kong kausapin si Rose tungkol dito, pero tao lang din naman ako, siguro naman, hindi mali na maramdaman ko ang ganitong emosyon.

Naligo agad ako pagkatapos naming magusap. Nagpaalam ako sa mga magulang ko na kailangan ko lang umalis. Sanay na din naman sila sa akin. Binibiro pa nga ako na baka magkasakit ako sa halos tatlong araw na pananahimik ko sa loob ng bahay.

Agad akong bumyahe papunta kina Jam, pero hindi si Rose ang pakay ko. Close kami ni Gary, mabait sya at mapagkakatiwalaan talaga. Madalas nakakakwentuhan ko sya dati pag naghihintay ako ng masasakyan pauwi. Parang di kaya ng konsensya ko na hindi agad tumulong sa mga taong mabait sa akin. Isa pa, alam ko ang hirap na pwede nyang harapin pag nawalan ng scholarship ang anak nya. Saka kung bukas ako ng umaga pupunta, baka hindi ko agad magawa, lumampas sa tanghaling deadline, tapos hindi tanggapin ng prof ng anak nya. Ewan ko ba, pero, alam kong hindi ako makakatulog ng mahimbing kung ipagpapabukas ko pa ang pagtulong sa kanya.

Inabot ako ng trapik at alas nueve pasado na ng gabi ng dumating ako kina Jam. Nakatanaw sa malayo si Gary nung dumating ako, halatang problemado. Lumapit ako sa mesa nya para maglog sa visitors logbook.

"Nasan na?", tanong ko kay Gary.

"Alin sir?"

"Yung project ng anak mo, balita ko nasira daw e kelangan mo daw bukas?"

Lumiwanag ang mata nya at mabilis na tinawag ang anak nya na kasama nyang nakatira sa maliit na staff house sa loob ng apartment.

Pumwesto kami sa mesa ni Gary para may upuan ako saka outlet, saksakan. Tiningnan ko ang sira ng power supply. Sisiw. Papalitan lang yung capacitor, baligtad kasi pagkakalagay. Buti may dala kong toolkit na nasa backpack ko. Ilang hinang at konting tester lang, gumana na.

"Naku sir, hindi ko alam pano ko magpapasalamat sayo.", wika ni Gary

"Saka ka na magthank you, pag graduate na yang anak mo."

Tumingin ako sa anak ni Gary.

"Mag-aral kang mabuti 'neng, maganda yang course mo, sa umpisa lang mahirap yan. Sipag lang yan bata, isipin mo hirap ng tatay mong magbantay dito nang halos buong araw. Kaya mo yan kid!"

Pinapasok na ni Gary yung anak nya sa bahay nila matapos ang walang hanggang pagpapasalamat nung bata sa akin.

"Buti na lang sir, nakwento ko kay Mam Rose yung nangyari sa project ng anak ko, sigurado ako sya nagsabi sayo no?"

"Oo, tumawag sa akin pagkatapos nyong mag-usap.", sagot ko.

"Ang bait ni mam, ano sir? Masama lang magcomment, pero tingin ko mas bagay kayo.", pang-aasar ni Gary.

"Loko! Kung ano-ano sinasabi mo ha."

"Totoo sir! Alam mo, pag nakikita ko kayong magkasama ni Mam Jam, halata kong may kulang sayo, parang walang ngiti dyan sa mga mata mo."

"Huy! Pati mata ko binabantayan mo?", patawa ko.

"Hindi sir, pansin ko lang naman. Lamang ako sayo ng ilang hakbang pagdating sa ganyang bagay."

"Hay naku, sige na, uwi na ko, yan lang pinunta ko dito."

"E si Mam Rose nasa taas di mo ba babatiin sir?"

"Di na, wala naman si Jam dyan."

"Kaya nga...", patuloy sa pang-aasar si Gary.

"Puro ka kalokohan, sige na, malayo pa byahe ko."

Dumukot si Gary sa bulsa nya.

"Sir, pamasahe man lang, maraming salamat talaga sir.", sabay abot ng pera sa akin.

"Bigay mo na lang sa anak mo yan, baka kulang lang sa baon yon kaya nahihirapan sa course nya.", sagot ko.

Natawa si Gary sa biro ko. Lumakad na ko palabas ng gate nang may narinig akong tumawag ng pangalan ko. Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang-kilala ko yung boses na yon.

"Robin!"

Lumingon ako at nakita syang papalapit sa akin.

"Patulong naman ayaw mag-on nung computer ko.", wika ni Rose.

Hindi ako kumibo at sumunod ako sa kanya papanik sa bahay nila. Sumaludo si Gary, sabay bigay ng thumbs up at ngumiti.

Pumapanik kami ng hagdan. Naka-pangtulog na si Rose, light blue ang kanyang tshirt, at itim ang kanyang pajama. May konting pamumugto ang kanyang mata, mukhang galing sa iyak.

"Darating ka pala, bakit di mo sinabi sa akin? Kung hindi lang pumanik dito yung anak ni Gary para magpasalamat di ko malalaman na nanjan ka.", sabi nya.

Di ako sumagot at inantay kong makarating kami sa loob ng unit nila.

Binuksan ni Rose ang pinto gamit ang dala nyang susi. Pinauna ko syang pumasok, saka ako sumunod. Hindi ako umupo sa couch, nanatili lang akong nakatayo hanggang isara nya ang pinto.

"Kala ko sira?", tinuro ko ang PC nya na nakabukas naman.

"Sinabi ko lang yon para pumanik ka. Ano bang problema? Ang tagal na nating hindi nag-uusap, hindi ba dapat mag-usap na tayo? Ano bang nangyari?"

Umakap sya sa akin habang nakatayo kaming dalawa. Walang ibang tao sa bahay kaya hindi nakakailang na nasa ganung posisyon kami. Hindi ako sumagot. Pilit kong tinatanong ang sarili ko kung handa na ba ako sa mga bagay na pwede kong malaman.

Naramdaman ko ang paghikbi nya.

"Sino si Kevin?", sinimulan ko na ang pagtatanong.

Oras na para linawin ang mga bagay-bagay.

"Totoo ba yung nangyari sa kanila ni Jam sa Bohol?"

Mga bagay na hindi ko alam kung makakasakit sa akin.

"Kaya ba may nangyari sa atin dahil gumanti ka kay Jam?", matigas ang paglabas ng mga salita mula sa akin.

Kailangan kong sabihin ang mga bagay na ilang araw ko ding inisip. Hindi ko alam kung ano ang isasagot nya, pero kakayanin ko naman siguro kung ano man yon.

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Rose at tiningnan ako sa mata. Inulit ko ang tanong ko.

"Kaya ba may tayo para makaganti ka kay Jam?", mas malakas ang aking boses.

Naghalo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na matapos ang nangyari sa amin, pwede pa lang ang lahat ng yon ay para lang makaganti sya sa kapatid nya. Hindi dahil sa nararamdaman ko, o sa nararamdaman nya, kung meron man.

Hindi pa din sya sumagot, kaya't kasabay ng pagpapakawala ko ng mga agam-agam na gumugulo sa isip ko ay ang isang malakas na sigaw.

"Ginamit mo lang ba ko para makaganti ka sa kapatid mo?".

Isang mas malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko, kasabay nang pag-agos ng luha galing sa mga mata nya.

"Gago ka! You judged me in an instant without even asking it straight from me?", sagot nya.

Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin. Hindi malakas ang boses ni Rose, ngunit ramdam ko ang mga salitang binitawan nya.

"And you have the nerve to ask me that question? I love you Robin, not because of anything else, but because of who you are. I love you because of the things I feel when I am with you. Mahal kita dahil, dahil sayo ko nakita yung sarili kong matagal nang nawawala."

Hindi ako nakasagot.

"And it is just so unfair that you judged me right away. You already concluded in your mind na gumaganti lang ako kay Jam. Isn't it right? The moment you heard her story, you thought kaya may nangyari sa atin at kaya tayo ganito ngayon, e dahil gusto kong makaganti? Ano bang sinabi nya sa'yo?", tanong ni Rose.

Lumakas ang iyak nya, at napilitan syang umupo sa couch. Nakapatong ang siko nya sa kanyang hita, at nakasubsob ang mukha nya sa kanyang mga palad. Ilang sandali pa ay humina ang kanyang pag-iyak. Hinawi nya ang kanyang buhok, at ang lungkot na kanina lang ay nakapinta sa kanyang mukha ay napalitan ng galit.

Kinwento ko sa kanya ang lahat ng sinabi ni Jam tungkol sa gabing yon.

Tumahimik ako matapos ang mahabang kwentong dahilan ng iba't-ibang lawarang napipinta sa aking isipan. Naunahan ako ng takot na baka nga nagamit lang ako. Naunahan ako ng takot na yung nararamdaman ko kay Rose ay bunga lang ng isang manipulasyon, at hindi ng totoong emosyong pinaguugatan ng lahat ng pagmamahalan.

Tumayo sya at pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung aalis na ba ako, susundan ko sya, o kung ano pa man. Pinili ko na lang na maghintay kung ano ang susunod nyang gagawin.

Lumabas sya ng kwarto, dala ang isang envelope. Umupo sya sa couch at nanatili ako sa likod ng pintuan.

"Tandang-tanda ko pa yung buong araw na yon, pati yung mga araw na pinaplano namin yung trip sa Bohol.", nagsimula syang magkwento. Matigas ang kanyang pananalita. Wala nang luha sa kanyang mga mata na kasalukuyang nakatingin sa malayo.

"Tuwang-tuwa si Kevin nung sinabi kong sasama sya sa Bohol. First time sana nyang sasakay ng eroplano."

Halos hindi kumukurap ang mga mata nya habang nagsasalita.

"First year college ako nung una kaming magkakilala. Si Jam 3rd year high school at nasa probinsya pa, kaya walang point na magrent ng apartment dahil ako lang naman ang nasa Maynila."

Sumandal ako sa likod ng pinto. Mukhang mahaba pa ang kwento nya.

"Matagal-tagal din nanligaw sa akin si Kevin, 3rd year na ako nung naging kami, dito na nga kami nakatira ni Jam non, kasi first year college na yung kapatid ko. Dito ko mismo sinagot si Kevin, nung minsang hinatid nya ako tapos wala si Jam."

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Nakatingin pa din sya sa malayo, na para bang hindi nahaharangan ng pader ng bahay ang kanyang tinatanaw.

Ang Kwento ni Lolo BenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon