May kataasan pa ang araw ngunit kailangang kong maglakad sa kahabaan ng isang bangketang nilatagan ng mga lapad na bato. Nasa kaliwa ko ang isang mas malapad na kalsada kung saan hindi mabilang ang mga sasakyang dumadaan. Sa kanan ko naman ay ang Manila Bay. Ramdam ko ang mainit na singaw ng kalsada at ng makasaysayang anyong-tubig na nagkakanlong sa isa sa pinakamangandang sunset sa buong mundo.
Ayoko pa sa sanang lumabas ng bahay, isang linggo matapos ang usapan namin ni Rose, matapos nya akong pilit paalisin sa kanila. Hindi sya sumasagot sa mga tawag ko, kahit sa text hindi nagrereply. Buti pa si Jam, inimbitahan nya ako na pumunta sa kanila bukas. May simpleng graduation dinner daw sila ng pamilya nya at gusto sana nyang makarating ako don. Hindi ko pa sinasagot ang tanong nya kung magkakabalikan kami. Masyado na kasing maraming bagay ang kailangang timbangin dahil masyado nang maraming tao ang apektado.
Sa dami ng lugar malapit sa school, dito daw kami magkita. Ewan ko ba, pero wala naman akong magagawa. Kaya nga heto ako ngayon, nakabilad sa init ng araw habang papunta sa lugar na usapan namin. Maraming tao dito sa Baywalk kahit mainit pa. Mamaya kasi paglubog ng araw, bukas na ang mga maiingay na bar dito. Dadagsa na naman ang mga gimikero para uminom, kumain at makinig ng iba't-ibang live bands.
Nakakita ako ng bakanteng bench sa gilid ng baywalk, lampas lang ng kaunti sa kumpol ng mga lalaking naglalaro ng dama at chess. Umupo ako para maghintay. Nakaharap ako sa Manila Bay. Hindi pa man din lumulubog ang araw ay mapapansin na ang kagandahan nito. May mangilan-ngilang barko na naka-angkla sa di kalayuan. May mga yate na umaandar sa iba't-ibang diresksyon. Maganda ang repleksyon ng langit sa ibabaw ng tubig. Ang sarap pagmasdan ng ganitong tanawin. Nakakalimutan ko ang dami ng problemang gumugulo sa akin.
Pero kahit anong tanawin pa ang nasa harap ko, hindi ko malilimutan ang mukha ni Rose. Ang sakit isipin na ilang linggo lang ang nakaraan, nasa kabilang dalampasigan kami ng Manila Bay at nagtampisaw sa pag-ibig na pilit naming pinigilan. Hinayaan naming nakainin kami ng tunay naming nararamdaman.
Nakapako ang tingin ko sa malayo nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Umusod ako ng kaunti para tumabi sya sa akin, ngunit hindi ako lumingon sa kanya.
Umupo sya sa tabi ko. Mahaba at nakatali ang kanyang buhok. Mataba ang kanyang katawan na nagpupumilit umalpas sa kanyang hapit na polo, at maluwag ang suot nyang pantalon. Nakatsinelas lang sya, parehong-pareho pa din kung papano sya manamit sa klase namin. May katandaan na ng kaunti, kaya hindi masita sa school kahit dapat na nakasapatos ang mga nagtuturo.
"O, di ba bakasyon na? Graduation na nga bukas db? Anong problema?", tanong nya sa akin.Si Sir Rocky. Close talaga kami ni sir, kaya pag may tanong ako tungkol sa school o sa buhay, sya agad ang tinatawagan ko.
"Salamat sa pagpunta sir."
"Naku, ikaw pa, basta libre ako, anytime. Kamusta grades mo ngayong taon? Next year last year mo na db?", tanong nya sa akin.
"Mukhang maayos naman sir.", sagot ko.
"Tama, mag-aral kang mabuti. Ano bang atin?"
Sandali pa lang kami nakakaupo ay pawisan na si sir. Ganun daw talaga sya sabi nya sa amin sa klase, kaya nga ang tuksuhan sa school, magaling magmulti-task si sir, naliligo habang nagtuturo.
Kinwento ko sa kanya ang kumplikadong storya namin ni Rose, at ni Jam. Sinabi ko na napag-isipan ko ng masama si Rose, at galit ito sa akin. Sinabi ko din na gusto ni Jam na magkabalikan kami. Syempre sinabi ko na litong-lito ako sa kung anong gagawin.
"Ano ba magandang gawin sir?", tanong ko sa kanya.
Natawa sya. Tinawag nya ang isang batang napadaan na nagtitinda ng softdrinks.
"Gusto mo?", inalok nya ako ng softdrinks.
"Wag na sir.", inabala ko na nga sya, magpapalibre pa ba ako.
Di sya nakinig, dalawang cola pa din ang binili nya. Inabot nya ang isa sa akin. Agad nya namang binuksan at nilagok ang isa.
"Hindi ba masyado ka pang bata para sa mga ganyang problema? How old are you? 20? 21? Saka nag-aaral ka pa di ba? Baka mas ok na yun muna unahin mo?"
Umiling lang ako saka ko uminom.
"Baka ang pinakamaganda mong gawin, lumayo ka lang lang. Sigurado naman ako, makakakita ka pa ng iba. You're young and smart. You'll graduate top of your class, madali ka lang makakakuha ng trabaho. Once you start working, lalaki ang mundo mo, mas marami kang makikilala.", payo nya sa akin.
Ipinatong nya ang kamay nya sa balikat ko.
"I think the best thing for you to do is just walk away. Things are too complicated, baka hindi mo kayanin. You are in the position that no matter what you choose, someone will get hurt, sa ayaw at sa gusto mo.", patuloy nya.
Inalis nya ang pagkakapatong ng kamay nya sa balikat ko at kinipkip ang mga ito sa kanyang braso.
"Look, if you choose Sam-"
"Jam sir.", pinutol ko agad.
Natawa sya.
"Oh, Jam. If you choose her, you will hurt her sister. If you choose her sister, you will hurt Jam. The best thing to do is just walk away."
"If I do that, I think I will hurt myself.", tugon ko sa payo nya.
"Well, that's the price for all this. Karma kumbaga. You put yourself in a position that you know would end up in a mess. Sa dami ng babae na ipapalit mo sa kanya, yung kapatid pa nya? Susmaryosep!"
"So, you think it's better to just close this chapter, walk away and move on?", tanong ko kahit alam ko naman na ang gusto nyang mangyari.
Tumingin sya sa dako ng Manila Bay. Luminga-linga. Huminga ng malalim na para bang dinadama ang pinaghalong init ng araw at singaw ng dagat.
"Do you still know your history lessons?", tanong ang isinagot nya sa akin.
"Bakit? Magpapaquiz ka ba ngayon? Advanced Programming subject mo sir hindi History ha!", biro ko.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Lolo Ben
RomanceThis is an ordinary love story, with an extra ordinary twist that will keep you wanting to read the next chapter. :)