Kaunti na lang ang iniinom kong kape, at naisubo ko na ang huling kagat ng pandesal na aking agahan. Tumingin ako sa wall clock na nasa kaharap kong dingding kung saan nakadikit ang isang gilid ng maliit na mesang kainan na ngayon ay patungan ng nag-iisa kong notebook na gamit sa school, alas siete na. Tama lang kung aalis ako ngayon, mga alas nueve ang dating ko sa school. Ganun kalayo ang bahay ko sa pinapasukan kong university. Wala naman akong magagawa kahit gusto ko sa malapit dahil sabi ng mga teacher ko nung high school, maganda daw na sa premyadong unibersidad ako pumasok. Naniwala naman ako sa mga sinasabi nila dahil sa totoo lang sila lang ang makapagbibigay sa aking ng ganung payo, kasi naman, hindi naka-abot sa college ang parehas kong mga magulang.
Last day na ng final exam week ko ngayon, matatapos na ang ikatlong taon ko sa kursong computer engineering, kaya nga hindi ako pwedeng ma-late kasi exam ko sa pinaka-ayaw kong subject, Engineering Economy. Kung pwede lang hindi pumasok sa subject na to, hindi na talaga ako papasok. Hindi naman dahil sa professor, sa totoo lang, magaling ang professor ko sa kursong ito. Kaya lang, ayoko talaga ng usapan tungkol sa interest, book value, at kung ano-ano pa. Pero kelangan kasi scholar ako. Walang permanenteng trabaho ang mga magulang ko, si tatay umeextra sa construction site, si nanay, labandera ng mga mas mayayaman sa lugar namin. Buti may scholarship, para kahit papano, may chance akong baguhin ang buhay namin.
Naniniwala ako sa sinabi ni Benjamin Franklin, that an investment in knowledge pays the best interest. Di ko alam kung swerte lang, pero kahit naman papano, may laman ang kokote ko. May ibubuga kumbaga. Tuwang-tuwa nga ang mga teachers ko nung highschool nung nalaman nila na computer engineering ang kukunin kong course, hindi nila alam, pinilit ko lang ang sarili kong maging engineer, kasi yung scholarship ko pang engineering or science courses lang.
Tumayo na ako para lumabas ng bahay at nabasa ang sulat ni nanay na nakadikit sa likod ng pinto.
"I-lock mo ang pinto, dala ko ang susi. Ingat ka."
Maagang naglaba si nanay, pero bago umalis yon, ready na ang mga kelangan ko. Nakabili na sya ng pandesal, at yung tasa ko ng kape, lalagyan ko na lang ng mainit na tubig. Wala akong kapatid, kaya naigapang nila ako sa hirap ng buhay kahit hindi permante ang hanapbuhay nila. Kitang-kita ko din kung papano nila ko inaalagaan. Sa totoo lang, first year college palang ako, gusto ko na magworking student, pero ayaw ni tatay, saka ko na daw isiping kumita ng pera pag may diploma na ako. Alam naman natin ang walang kamatayang linya ng mga magulang natin pagdating sa edukasyon.
"Diploma lang ang maipapamana namin sa'yo anak."
Pagbukas ko ng pinto, sakto naman na kakatok dapat si Junior. Taga dito lang din siya sa lugar namin, kapatid ng isang classmate ko nung elementary. Naka sandong puti at itim na shorts at pudpod ang tsinelas, dala ang manipis na notebook at isang lapis. Halatang hindi pa naghihilamos, tayo-tayo pa ang buhok.
"Kuya Robin, yung assignment ko di ko masagutan.", bungad nito sa akin.
"Ha? Ano ba naman yang teacher mo, bakasyon na may assignment pa. Patingin nga.", inabot ko ang notebook nya at naupo ako para magkapantay kami.
"Ang hirap kuya, math kasi.", sabi nya sabay kamot ng ulo.
"Naku, madali lang to.", sagot ko pagkakita na ang mga tanong ay two-digit multiplication by 11.
"E ang daming number kuya."
Alam kong pag pinatagal ko pa, mahuhuli ako sa school at baka hindi ako umabot sa exam ko.
"OK, ganito yan ha, tingnan mo to, 16 times 11, ilan?"
"Teka kuya peram scratch paper.", sagot nya habang inaabot ang notebook nya na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Lolo Ben
RomanceThis is an ordinary love story, with an extra ordinary twist that will keep you wanting to read the next chapter. :)