Rochelle

348 5 1
                                    

Magaalas-onse na nang dumating ako sa restaurant na usapan namin ni Jam. Medyo late ako ng mga five minutes. Alam kong para sa iba, ayos lang mahuli ng limang minuto, pero hindi sa akin. Sa halos apat na buwan namin ni Jam, hindi ako nahuhuli sa anumang lakad namin. Ngayon lang. Ngayon lang yata kami nagkaron ng date pag ganitong araw. Saka mejo malakas ulang kaya mahirap bumyahe.

Linggo kasi. Si tatay kasi Sunday to Monday lang ang off sa construction site na pinapasukan nya sa Cavite. Kaya pag Linggo, kumpleto kami sa bahay at nakakatamad umalis. Oo, ganun ko pinapahalagan ang pamilya ko. Nag-iisa lang din naman kasi akong anak, walang kaagaw sa atensyon ng magulang, kaya sobrang close ako sa kanila. Sila din naman ang dahilan kaya gusto kong umasenso sa buhay. Gustong makatapos ng kolehiyo, magkatrabaho, makaipon. Tapos ako na magpprovide ng pangagailangan ng mga magulang ko saka ng magiging pamilya ko. Kaya nga eto, kahit di pa ko tapos sa college, iniisip ko na agad na kumuha ng masteral. Madami naman scholarship, sipag at tiyaga na lang talaga ang puhunan.

Pumasok ako sa restaurant na usapan namin ni Jam. Elegante ang ambiance, malayong-malayo sa mga restaurant na alam ko. Halos may laman ang bawat mesa, at halos lahat ng mga tao nakapormal. Ako lang yata ang hindi. Pero pwede na 'to, may kwelyo naman ang polo shirt na suot ko. Dadaanin ko na lang sa confidence ang mga bagay-bagay.

"Sir, do you have a reservation?", tanong nung restaurant manager na sumalubong sa akin.

"Actually, I am with someone who I think is already here.", dinaan ko sa English, para kunwari mayaman, sabay ngiti.

Sakto naman na kumaway si Jam mula sa mesang inuupuan nya.

"There you see, isn't she lovely?", tanong ko sa manager na napangiti na lang din sa akin.

Lumapit ako kay Jam. Nakasuot sya ng dilaw na dress na hapit sa kanyang payat na pangangatawan. Nakalugay ngunit maayos ang kanyang buhok at naka-make up sya nang hindi masyadong makapal. Bagay sa manipis nyang mga labi ang kulay ng kanyang lipstick na mapula ngunit hindi masyadong matingkad.

"Hi Rob, buti dumating ka, naiinip na ako.", bati nya sa akin matapos ko syang halikan sa pisngi.

"Yes, akala ko nga late na ako.", tugon ko pagkatapos kong umupo sa tabi nya.

Apatan ang mesa na inuupuan namin, may pagkain na sa mesa, mga putaheng hindi ko alam. Yung pitcher lang ng iced tea ang pamilyar sa akin.

"Nasan na ate mo?", tanong ko nang mapansin ko ang isang brown na pouch na nakasabit sa upuang katapat ni Jam.

"Ah, nag-rest room lang."

Dahil nga mag-aapat na buwan pa lang kami, ngayon ko pa lang siya makikilala. Lagi kasi syang wala pag hinahatid ko si Jam sa kanila. Nagttrabaho na daw kasi, kaya laging gabi umuuwi. Hindi naman ako masyadong nagtatagal kina Jam kasi sobrang busy nitong fourth year first semester ko.

Silang lang dalawa ni Jam ang nakatira sa kanilang inuupahang apartment. Nasa probinsya kasi ang mama nila at wala na ang daddy nila. Kung tama ang alala ko sa kwento nya sa akin, sa barko daw inatake sa puso ang daddy nya. Kapitan kasi ito ng barko, kaya nga siguro maalwan sa buhay ang pamilya nila. Doctor naman ang mama nila, pero alam ko hindi na nagppractice at nagtuturo na lang don sa medical school malapit sa kanila sa Ilocos.

Accountant si ate, tingin ko yun din ang dahilan kaya accountancy ang kinuhang course ni Jam. Wala na silang ibang kapatid kaya sobrang close daw nila base sa kwento nya sa akin. Dahil nga malayo sa kanilang mama, si ate daw ang tumitingin kay Jam dito sa Manila. Maalaga nga daw at kahit busy sa trabaho, lagi daw may oras para sa kanya. Kahit nga daw may allowance siya galing sa mama nya, binibigyan pa din sya ng kapatid nya, bukod pa sa pagbabayad ni ate ng mga bayarin nila sa apartment.

Ang Kwento ni Lolo BenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon