Katapusan

274 6 14
                                        

Graduation na ni Jam, napagdesisyunan kong pumunta sa bahay nila para sa dinner na sinabi nya. Di kami nag-usap maliban sa confirmation na nireply ko sa text nya. Si Rose, wala pa din, di nagpaparamdam. Ngayon, after a week and a day, saka lang kami magkikita.

Sabi nga ni Sir Rocky sa akin kahapon, hindi ako pwedeng lumayo lang, dahil masyadong mahalaga ang iiwan ko. Pero sabi din nya, wag ko gayahin yung style ni MacArthur, minimum damage dapat. Kung pano ko gagawin yon, bahala na.

Si Jam ang nagbukas ng pinto. Nadatnan ko sa loob ang mama nya na nakabihis pa na pang-graduation, si Tita Alice na ganun din halos ang pormahan at si Girlie na naka pambahay lang. Si Jam naman nakadress na asul, full blown pa din ang make up at ayos ng buhok.

Pumasok ako at inilagay ang backpack ko sa tabi ng computer, nakakahiya namang kumain na katabi ko yung bag ko. Hindi na nga ako masyadong pumorma. Nag polo lang ako, tapos maong na mejo kupas na, saka rubber shoes.

Pinadiretso ako ni Jam sa dining area, nakaupo na din don ang mama nya at ang kapatid nito. Si Girlie, busy sa may kalan. May inihahabol pa yatang ulam. Kapansin-pansing wala si Rose.

Umupo sa tabi ko si Jam.

"Thanks for coming, it means a lot.", bulong nya.

Apatan lang ang mesa nila. Katabi ko si Jam, katapat nya ang mama nya. Katapat ko naman si Tita Alice.

"Kamusta ka na anak? Long time no see. Next time sama ka sa amin sa Ilocos ha?", bungad ni Tita Alice.

Sumimangot ang mama ni Jam.

"Girlie, katukin mo na nga si Rose, kakain na. Nagkulong na naman sa kwarto.", utos nya kay Girlie bago pa man ako makasagot kay Tita Alice.

"Opo auntie.", sagot ni Girlie.

Tahimik lang sa mesa. Wala masyadong kwento. Binuhat ni Girlie yung stool na nasa computer desk at inilagay sa isang gilid ng mesa, sa pagitan namin ni Tita Alice. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at nakita kong papalapit si Rose sa amin.

Nakasuot sya ng hapit na itim na dress. Sakto ang sikip upang lumabas ang magandang kurbada ng kanyang katawan. May silver na zipper ito sa harap, mula sa mababang neckline hanggang sa belt line. Nakapusod ang kanyang buhok, maliban sa manipis na parang side bangs na sakto hanggang sa kanyang kilay. Manipis lang ang kanyang make up, pati ang kanyang lipstick ay hindi gaanong halata. Kitang-kita ang ganda nya, lalong lumutang ang kaputian ng kanyang kutis sa ayos nya ngayon.

Umupo sya sa upuang hinanda ni Girlie.

"Hi.", bulong ko.

Tumango lang sya at nagsimula kaming kumain.

Sa gitna ng hapunan ay nagtanong ang mama ni Jam.

"So Robin, what do you plan to do now that Jam is leaving for Singapore two weeks from now?"

Kunwari pa tong si Jam na di daw tutuloy, e kasado na pala.

"Hindi naman na po kami ni Jam tita. I came here as her friend, and I am personally happy to see her now, capable of chasing her career."

Parang nagulat silang lahat sa sinabi ko.

"Oh, it pains me to here that.", wika ng mama nya.

Pero di pa ako tapos.

"Talaga po? Kasi akala ko po ayaw nyo sa akin. Parang kung pano nyo po inayawan si Kevin dati."

Tumahimik ang buong paligid at para bang natigilan silang lahat. Tumingin ako kay Rose at nakita ko syang umiling at bumulong.

"Please, don't.", wika nya.

"Alam nyo po ba na both your daughters carry a heavy burden about that night in Bohol?", tanong ko.

"Pano mo alam yon?", tanong nya na halatang lito sa pinuntahan ng aming usapan.

Sasagot sana si Jam, pero inunahan ko na.

"Jam told me. For three long years, she is carrying this guilt that her sister and Kevin broke up kasi nalasing sya."

"Hindi kasalanan ni Jam yon, si Kevin ang may kasalanan. He took advantage of Jam!", biglang sumingit si Tita Alice.

Hindi ko na nakuhang magsalita sa bilis ng sagot ni Rose.

"No! It was a mutual decision, di ba Jam? You and Kevin were meeting behind my back?", sigaw nito.

"Of course not ate!", pagtanggi ni Jam.

"Then how do you explain him being here that Tuesday? When you just got home from your out of town outreach activity?"

May galit sa boses ni Rose. Pero alam kong ilang sandali lang, iiyak na sya.

"What? Tinanong lang ako ni Kevin non kung may ulam ako kasi kung wala daw dadalan nya ako."

"Tapos pumanik kayo dito?", tanong ni Rose.

"Yes, wala lang naman sa akin yon kaya hindi ko na sinabi sayo. Saka sabi nya, tinext mo daw sya non to check on me.", sagot ni Jam.

"Pano ko gagawin yon e hiniram ni Tita Alice yung cellphone ko."

Tumingin si Rose sa akin. Walang ibang nagsalita. Humihikbi na si Jam.

Tinitigan ko si Rose. Walong araw ding hindi ko napagmasdan ang mga mata nya. At ngayon, nakatingin din sya sa akin na para bang alam na nya ang gusto kong sabihin.

Tumayo sya mula sa pagkakaupo at tumingin sa mama nya.

Ang Kwento ni Lolo BenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon